3. Panyo [REQUESTED]

116 8 43
                                    

For ImTheStylesQueen! Enjoy :))

Panyo [One Shot]

Nang dahil sa panyong 'yun...na-inlove ako sa kanya...

Naalala ko pa ang araw nang una kaming magkakilala...

"Mama!" iyak ko habang papatakbo sa garden. Nagkadapa-dapa na ako pero hindi ko 'yun pinapansin. Ang sakit-sakit naman kasi. Masakit maloko ng kaibigan.

Pinagkatiwalaan ko siya eh...nandoon ako kapag may kinakailangan siya kahit na parang wala lang 'yun sa kanya...itiuring ko siyang kaibigan pero bakit ganun? Halos ipinagkatiwala ko na ang buong pagkatao ko sa kanya pero niloko niya ako...

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa maramdaman kong tumutulo ang sipon ko. Kinapa ko ang bulsa ng uniform ko at nawawala ang panyo ko. Tumingin ako sa paligid at wala namang katao-tao

Pwede ko na sigurong ipampunas itong blouse ko kasi wala namang makakakita. Kaysa naman magmukha akong pulubi dito na tumutulo ang sipon.

"Pfft! Haha! Yakiieszxsz!"

Natigil na lang ako nang may marinig akong mahinang tawa sa gilid ko. Muntikan na akong napatili nang may makita akong isang lalakeng may subu-subong lollipop.

"S-sino ka?! B-bakit mo ako sinusundan?!" halos hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Idagdag mo pa ang gwapo niyang mukha...Parang nawala ang lahat ng lungkot ko sa halip ay napalitan ng paghanga sa taong nasa hara--- TEKA! Ano ba itong pinagiisip ko? Kakakita ko nga lang sa kanya eh.

"Pffft ulit! Ako? Sinusundan ka? Wahaha! Mangarap ka sa gwapo kong mukha! Nauna lang ako dito Sipon Girl! Wahaha! Stalker kita 'no? Bakit mo ako sinusundan huh?" nakangising tanong niya kaya napakunot-noo ako. Wala naman akong maalalang may lalaki na sa tabi ko kanina pa. Pero baka nga hindi ko lang siya napansin dahil ang labo-labo na ng paningin ko kanina dahil sa pag-iyak.

Pero teka...tinawag niya akong Sipon Girl...

Ibig-sabihin, nakita niya ang pagtulo ng sipon ko kanina at ang pagpunas ko nun sa blouse ko?!

Tumingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.

Isang napakalaking kahihiyan ang nagawa ko! Nakakahiya! Waaah!

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Gwapo ko 'no?" sabi niya at itinaas-taas ang kilay niya sabay pogi sign.

"Uy---uy teka! Bakit bigla ka na lang umiiyak?! Dahil ba sa Pogi ako?! Ay--este pogi pa rin ako?! Ay mali! Palagi naman akong pogi eh!"

Mas sumubsob lang ako sa mga braso ko at umiyak.

"Uy joke lang! 'Yung sinabi ko ang joke pero hindi joke ang kagwapuhan ko."

Tumingala ako at sinamaan siya ng tingin.

Napailing-iling ako sa isip ko. Ano ba naman itong taong 'to, hindi ko pa nga alam ang pangalan niya at hindi ko pa siya kilala pero kung makapagbuhat ng sariling bangko akala mo siya lang ang gwapo sa mundo.

Pero gwapo naman talaga siya. Ang pula ng lips niya at ang ganda ng mata...

"Oh tama na ang pagnanasa. Balik tayo sa reyalidad, Miss, bakit ka umiiyak?---Oy teka Miss bakit ka na umaalis?! 'Yung sipon mo tumutulo pa!"

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagtakbo palayo. May problema pa rin ako at hindi makatutulong ang mga mayayabang na tulad niya.

Akala ko hindi niya na ako maabutan sa haba ng tinakbo ko pero naramdaman ko na lang siyang hinila ako palapit.

XiuSparksWhere stories live. Discover now