4. Panyo [Part Two]

93 8 53
                                    

Hindi na ako nakapagsalita pa nang piringan niya ang mga mata ko. Ewan ko kung mae-excite ako o matatakot sa mga pinaggagagawa niya. Kung ano-ano rin kasi ang pumapasok sa isip ko.

Paano kung matagal niya na pala akong gusto at kaya niya ako piniringan kasi may surprise siya sa akin? Tapos kagaya ng mga love stories na nababasa ko sa wattpad, aamin siya na gusto niya ako. Tapos magde-date kami at magki-kiss. Ganun ba?

Pero hindi eh. Paano kung inireto niya lang pala ako sa iba?

"I-ian? N-nasaan tayo?" tanong ko. Sa bawat hakbang ko kasi, nakahawak siya sa mga braso ko para hindi ako matumba. Kakaiba rin kasi itong dinadaanan namin sa palagay ko. Kinakabahan ako na ewan.

"Malapit na. Dito ka lang."

"Kanina mo pa sinasabi 'yan. 'Yung totoo?" medyo asar na tanong ko. Paulit-ulit niya na kasi 'yang sinasabi. Siguro panlima na. Kailan ba kami makakarating doon sa pupuntahan namin?

"Ah basta gwapo ako." Alam kong sinabi niya lang 'yan para hindi ako ma-boring kalalakad. Ano ba naman kasi 'yan, gagawa siya ng surprise tapos ang layo? Hindi ko tuloy maiwasang magtanong.

"Hoy Ian. Sagutin mo 'tong tanong ko kasi gwapo ka."

"Sure!"

"Ano..paano mo ako nakilala? At paano mo nalaman ang pangalan ko? P.S, kapag hindi mo ako sasagutin panget ka."

Naramdaman kong huminga siya nang malalim. "S-sa kakilala ko lang."

"Sa kakilala mo lang? Sinong kakilala 'yun?"

"Wag mo nang tanungin." Natahimik na lang ako at saka bumuntong-hininga. Hay nako Ian.. Kung alam mo lang kung gaano kita gustong hawakan ang biceps ngayon. Pero hindi ko magawa kasi hindi kita makita. Hindi nga ako sure kung ikaw pa 'yan eh.. Kasi nakapiring ako..

"Nandito na tayo." Mas lalo akong kinabahan doon sa sinabi niya. Unti-unting lumiliwanag ang paligid hanggang sa malaman kong wala na akong piring.

Nanlaki na lang ang mga mata ko. Woah, ang ganda ng place na ito. Parang reception ng isang kasal. May mga flowers sa paligid at mga kandila rin. Ang bango-bango at idagdag mo pa ang mga puno na nilagyan ng petals.

"I-ian..." tumingin ako sa kanya pero humarap lang siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napansin kong pareho lang kaming naka-school uniform, "I-ian a-ano..."

"Dapat mo nang malaman ang lahat. This time you will know my surprise. Our surprise," mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko at maya-maya ay unti-unti niya itong binibitawan.

"W-what do you mean?" Hindi ko alam ang irereact ko. Para sa akin ba ang lahat ng mga ito? Aamin na ba siya na gusto niya rin ako?

"Mikki..." unti-unti siyang lumayo at may naaninag akong papalapit sa amin. Naka-dress siya at kulot ang buhok.

Buhok na buhok pa lang kilala ko na kung sino siya... Si Clare...

"B-bestie? D-do you still remember me? I'm C-clare," hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko lalo na nang yakapin niya ako nang mahigpit.. Hindi ako makapaniwala.

"B-bestie I'm sorry," paulit-ulit niyang sabi habang umiiyak at yakap-yakap pa rin ako. Bumalik na ako sa sarili ko at dahan-dahang hinaplos ang likod niya. Anong ibig sabihin nito?

"C-clare..." ang tanging bulong ko. Hindi ko mapigilan... Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa dalawang rason.

Una, dahil nagsosorry si Clare sa akin.

Pangalawa, dahil umasa ako.

Lumayo siya sa pagyayakap namin at nakita ko ang mga mugto niyang mata. Nakikita kong sincere siya kaya hindi ko ulit mapigilang maluha. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "Bestie... Bestie, let me explain okay?" Dahan-dahan lang akong tumango.

XiuSparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon