Chapter 3

181 9 1
                                    

ANDREA DAWN LEDEZMA

"Sa wakas natapos rin"sabi ni krystal habang naka upo sa bench.

Kakatapos lang ng klase namin kay sir Nate, kaya nandito kaming lahat sa baba ng  main building para magpahinga. Yung structure kasi ng mga buildings sa loob nitong university ay talagang napaka ganda, modern type at ang ganda ng pagkaka arrange ng mga buildings. Hindi siya yung tipong magulo sa mata at parang maraming pasikot-sikot, minimal ang desenyo at may artificial bermuda grass talagang nakalagay, kaya napaka maaliwalas tingnan.

Yung main building ay nahahati sa dalawa. Kapag nasa loob ka,yung nasa kaliwa ay library,school clinic at saka teachers office. Yung nasa kanan naman ay Office of the school government, club office, stockroom at storage room. Ang headmasters office naman ay nasa kaliwang bahagi ng building, katapat ng OSG.

Sa harapan,apat na building ang meron,dalawa sa magkabila at nasa gitna yung main bulding.If you're facing at the main building on the outside, the left side is for the department of tourism, BM, theater and fashion design department. On the right is for the computer room, laboratory,athletes office and club rooms. Nasa kaliwa ang parking lot at nasa kanan naman ang field.

Pagpasok sa loob makikita ang napakaraming mesa at upuan,matingkad na kulay berdeng artificial bermuda grass, mga bago at preskong bulaklak. Sa harapan makikita ang napakalaking auditorium, na nagmimistulang malaking dyamante dahil sa kintab at linis ng glass wall na nakabalibot dito.

Kapag nakaharap ka sa main bulding, sa likurang bahagi sa kaliwa ya may dalawang building, which is for the department of medicine, psychology, engineering and architecture. Sa kanan naman ay law department, education,criminology and journalism.

Sa likurang bahagi naman ng auditorium na pinagigitnaan ng apat na building ay matatagpuan ang cafeteria at bilihan ng school supplies, kasama na dyan ang school uniform.

Dark blue long sleeves , black pencil skirt with slit,
black coat and also black necktie for girls with black heels shoes. Sa mga lalaki naman ay ganon did but with black slacks and black shoes.

Kahit anong department pareho lang din ang uniform,ang pinagkaiba lang ay ang maliit na badge sa bandang kanang dibdib at naka lagay kung anong department ka, yun ngalan yung samin ay white yung id holder namin. Lahat ng department sa badge at id holder lang magkaiba.

At ang area sa likurang bahagi ng university ay para na sa mga athletes.

"gusto ko nang kumain"saad ko.

"ako nga rin eh"

"mamaya na lang,magpahinga muna tayo mga 20 mins para narin hindi gaanong marami yung tao sa loob"mahabang sabi ni Lia.

Lahat kami nakaupo na parang pinang sakluban ng mundo,indi namin suot yung coat namin kasi medyo mainit,tanghali na kasi.

May bigla namang tumili kaya napatingin kaming lahat. Marang estudyante ang nagkukumpulan sa bulletin board malapit sa school government office kaya naki usyuso narin kami.

Akala ko kung ano yung tinitilian nilang lahat, yung iba nagtatalun, may nagsasabunutan na nga sa gilid, meron nagtutulakan at lalong lalo na merong parang maiihi na sa kilig. Tiningnan ko kung ano ba ang tinitingnan nila at parang mga hayop silang naka labas sa kulungan.

Pagtingin ko ay isa palang litrato.
King ina! Picture lang rin naman pala eh! Binasa ko yung naka lagay na pangalan sa ibabaw na bahagi ng litrato.

"ZENON RIOUS MONTEVERDE school president" basa ko sa pangalang naka lagay sa litrato. Putcha! Ito ba yung nakita ng dalawang impakta nung opening kaya para silang mga asong na ulol? Pero unfairness ang gwapo niya.

Crimson University Where stories live. Discover now