Chapter 14

84 6 0
                                    

ANDREA DAWN LEDEZMA

CRIMSON UNIVERSITY. Anong klasi ng unibersidad kaya ito? At bakit parang ngayon ko lng nalaman na merong unibersidad na nagngangalang Crimson?

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at itinuon ang atensyon sa mga kaibigan ko. Alam ko, nakahit hindi nila sabihin ay nakakahalata na sila kung anong klasing lugar kami.

"Dea the name" nakatingala parin si Liam at parang hindi na ata alam kong paano ibalik sa ayos ang ulo niya, kaya naman nilapitan ko ito at pinadungo siya "oo nakita ko at tama na yang kakadungo mo dahil parang ako ang nahihirapan sa posisyon mo" di ba siya nahihirapang lumunok ng laway niya habang naka tingala?

"Sira" he tapped my head bago ibinaling sa mga naka itim na lalaki ang paningin. Ginawa pa akong bata psh.

Magsasalita pa sana ako ng dahan-dahang bumukas ang naka ka kapal na bakal ng gate "Enter" saad ni kuyang brown eyes. Pinakatitigan ko muna ito bago naglakad, hindi papasok ng University kundi papunta sa pwesto niya. Nang nasa harapan ko na ito ay mas lalo kung nasilayan ang angking kakisigan nito pero ang nakakuha talaga ng interes ko ay iyong pulang tattoo niya na puno sa leeg, lalo na iyong brown niyang mata.

"anong pangalan mo?" nakatingin lamang ito sakin, akala ko ay hindi na ito magsasalita pero nagkamali ako dahil sumagot siya na siyang nagpa init ng ulo ko "you don't have to know. Now enter" hindi na ako nito pinansin at ibinaling nalng ang paningin sa mga kasama ko.

Hinila naman ako ni Augustine patabi sa kanya saka bumulong "gaga ka besh bakit mo naman tinanong mukhang wala pa naman sa mood iyang si kuya" yung bulong niya, abot hanggang outer layer ng tenga ko. As in literal na bulong talaga mga mare.

"wala akong narinig Tine sabihin mo nalang nakalayo naman na tayo di mo na kailangang bumulong" kaming dalawa kasi ang nahuli, sila Lyka ay nandoon na sa loob.

"mamaya nalang pumasok na tayo at kinikilabutan ako sa lugar na ito" ayon at hinatak niya na ako, bat ba ang hilig hilig nila akong hatak hatakin?

Sumusunod lng kami sa dinaraanan nitong apat, hindi na kasi sumama si kuyang may tattoo sa leeg noong nakapasok na kami sa gate, nabigla na ngalang kami ng bigla itong mawala na parang bula. Papasok na sana kami sa mala palasyo na ito ng bigla nalang akong may naalala "teka? Anong oras na? At nasan ang mga gamit natin?!"

"Walangya! Ang phone ko!"

"puta di ko napansin" ako nga din di ko din napansin.

Sa pagkakaalam ko gab i iyon ng inatake kami, ibigsabihin? "wala tayong malay buong gab i?" halata naman siguro dahil sa lakas ng hampas sa akin, sinong shunga ang magkakamalay non?

Mas okay pang mawalan ng anggas kesa sa mawalan ng ulirat. Naknangputcha!

"pst hoy!" tawag pansin ko sa mga naka itim "nasan ang mga gamit namin? At anong oras na?" sagutin niyong mabuti ang tanong dahil kung hindi magkakaalaman tayo dito. Pero syempre di ko sinabi, mahirap na di ko pa naman kabisado ang lugar nato.

"7:00 ng umaga. Ang mga gamit niyo naman ay nasa society" sagot nong isnag pandak na naka itim.

"Society?" nagtatakang tanong ko. Ngunit ngumisi lamang ito sa akin "wag mo nang alamin miss, mas mabuting tumahimik ka na lamang at sumunod sa amin" pagkatapos ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad ulit.

"Fuck ano nanaman ang society nayan?" rinig kung mura ni Eric.

"I also don't know. For now, let's follow them and let's see if we can find out something" Kino Alvarez ay natagpuang englisherist. Well, seryosong tao naman talaga iyang si Kino.

"Hmm. And be cautious, buksan niyo iyang mga mata at pandinig niyo. Kailangang mag ingat tayo" that's Liam.

Di kalaunan ay tumigil ang mga ito sa isang malaking pintuan. Parang meron itong pinindot sa gilid at kusang bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang isang elegante at napaka kinang na silid, maraming paintings at sofa ang nasa loob. Sa kanan naman ay makikita ang napaka laking glasswindow na hanggang ceiling ang tangkad.

"Welcome students"

Bumaling ang atensyon namin sa babaing naka upo sa harapan. Gold ang mesa nito, maraming papel na nakapatong dito pero hindi iyon ang pinagtuunan ko nang pansin. Kundi iyong hawak hawak ng babae na files. Kung titingnan mo ito ay masasabi mong lagpas sengkwenta na ito.

Ngumiti ito sa amin at inilahad ang mahabang sofa na nasa harapan niya "Have a sit ladies and of course gentlemen" nagkatinginan muna kami bago umupo. Nakaharap tuloy kaming lahat sa kanya, ang kasama naman naming apat na lalaki kanina ay hindi kuna alam kung nasaan.

"Andrea Dawn Ledezma"

"Lyka Ramirez"

"Jane Revero"

"Krystal Alejo"

"Lia Venis"

"Vanessa Lopez"

"Liam Ilyon Pelestya"

"Theo Logen"

"Kino Alvares"

"Eric Sel Devar"

"Brix Augustine Perseval"

"Welcome to Crimson University. My beloved subjects" ngimiti ito sa amin dala ng pag ningning ng kanyang mga mata, tila ba merong ipinapahiwatig na salita na siya lamang ang nakaka alam.

"I am Silvia Acker your Headmistress. Welcome to the world of bloody rain, where only the toughest flower and the sharpest weapon, survives"

Ano raw?

Pag katapos siya itong sabihin ay wala itong pasabi na tumaliko sa amin at naglakad papasok sa isa pang pinto na kung saan man ito patungo. Nagkatinginan lamang kaming lahat.

Naguguluhan. Natatakot. At kinakabahan sa kung ano mang pagsubok ang darating sa amin.

______________________________________
Hi! Ang tagal nanaman ng last na sulat ko dito. Kaya babawi ako hahahha

Enjoy reading!

Crimson University Where stories live. Discover now