Chapter 10

91 10 3
                                    

ANDREA DAWN LEDEZMA

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nadatnan ko si president na nakapagpalit na ng damit.
Gray na t-shirt at black na sweatpants ang suot niya. Bakit kahit pambahay nayan parang pang runway naman ata kung suot niya?

"akin na yung nga damit mo lalabhan ko, at saka merong extra na toothbrush don sa cr nasa cabinet. Hindi naman siguro low batt yang phone mo diba? Pero pwede naman kitang pahiramin ng charger ko kung mag chacharge ka. Saka kung nagugutom ka meron namang pagkain run sa baba o di kaya katukin mo nalang yung katapat na kwarto nitong kwarto ko ipagluluto kita, at saka an-"

"will you marry me?"

"what?"

"I said will you marry me?"

Seryoso ba siya?

"nagbibiro kaba?"

He didn't answer, instead he looked at me from head to toe.

"soo? Is it a yes?" he asked with a very deep and serious tone.

Tahimik lang ako habang nakikipag-titigan sa kanya. Hindi maproseso ng utak yung mga pinagsasasabi niya. Gago ba siya? Anong will you marry me? Ano to wala man lang munang label kasal agad?

"what now?"

"ganon-ganon nalang yun? Hindi ka man lang manliligaw? Wala man lang label? Nagpaalam kaba kila mama? Ni hindi ko nga alam kung ilang taon kana, kung saan ka naka tira. At hello? Ni hindi nga tayo nakapag-usap nang maayos tapos aalukin mo kung magpakasal sayo?" parang mawawalan ata ako ng hangin sa bilis at sunod-sunod na sabi ko.

"seriously?you won't even ask me why i asked you to marry me?" hindi makapaniwalang saad niya.

Ngayong sinabi niya, parang na curious naman ako.

"bakit nga ba?"

Magsasalita na sana siya nang biglaang pumasok si ate Jani sa kwarto na humahangos.

"s-s-si...si..l-lola.." hirap-nahirap na saad niya. Pagkarinig ko ay agad akong lumabas nang kwarto,sumunod naman silang dalawa sa akin. Hindi na ako nagtanong kay mama kung ano ang nangyari dahil may pakiramdam na ako na nagwawala nanaman si lola.

Palabas na kami ng bahay nang masalubong namin si tiyo Lucio,siguro tinawagan ni mama. Sasakay na sana ako nang maalala ko na kasama ko pala si president. Nanglingunin ko siya ay nasa loob na pala siya nang kotse niya.

"I'll drive you there" hindi na ako nag-atubiling pa at sumakay na agad sa kotse niya.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa ospital. Nasa hallway pa lamang kami ay naririnig na namin ang sigawan sa loob at ang mga gamit na halatang nababasag.

Tatlong nurse at dalawang doctor ang nagpapakalma kay lola pero hindi parin ito tumitigil sa pagwawala.

"Lola!"

Tumingin naman siya sa pwesto ko "IKAW!! IKAW ANG PUMATAY SA APO KO!! MAMAMATAY TAO KAAA!! LUMAYO KA SAKIN! HINDI WAG MO AKONG HAHAWAKAN!" hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya at pilit paring lumalapit sa kanya.

"HAYOP KAAA! HAYOPP!!" tatamaan sana ako nang vase kung hindi lang ni president nahawakan si lola sa magkabilang braso.

Wala na akong sinayang na oras at kinuha ang nakalagay na syringe sa side table na pampakalma kay lola. Itinurok ko ito sa bandang batok niya at sa di kalaunan ay nawalan na ito ng malay.

Dinala ni president si lola sa kanyang higaan habang si tiyo Lucio naman ang kumausap sa mga doctor. Si  mama kanina ay nahimatay pagkapasok niya ng kwarto ni lola buti na lamang at nandyan si tiyo Lucio nang mangyari iyon.

Crimson University Where stories live. Discover now