Chapter 7

95 6 2
                                    

ANDREA DAWN LEDEZMA

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng araw na iyon. Dalawang linggo naring parang wala ako sa sarili ko.

Sobrang busy ng lahat sa university bukas na kasi ang festival. Meron nang mga booth na nakatayo, palamuti na nakasabit at mga lights para sa gabi. Tatlong araw ang festival,kaya sa ikatlong gabi kami magpeperform.

Nandito kami ngayon sa audi para sa last practice namin. Dalawang sayaw ang sasayawin namin, isa bawat grupo at finale kung saan sama-sama kaming lahat.

Kakatapos lang namin magwater break nang lumapit si president sa pwesto ko. Agad naman umalis sina Lyka at Krystal para bigyan kami ng oras na makapag-usap.

"what's wrong?" tanong niya habang naka kunot ang noo.

"ako ba pres?" sabay turo sa sarili ko.

He just glared at me.

"ah wala naman pres" di halatang awkward ah?

"what is it?" he asked while looking intently at me with that dark eyes of his.

"wala nga"

"you're not your usual self" ang kulit naman nang lalaking to!

"pwede ba pres? Tantanan mo muna ako, wala ako sa mood maki pag
bardagulan sayo sa ibang araw nalang."

Pagkasabi ko nun ay umalis kaagad ako at bumalik sa pwesto ko sa sayaw.

"anong pinag usapan niyo Dea?" chismosa talaga tong si krystal ano?

"wala naman,nagtanong lang kung anong malas raw meron ako at ang papangit ng mukha niyo" inirapan lang nila akong dalawa.

Kinaumagahan ay sobrang nagmamadali kaming tatlo. Si Jane ay parang hindi na maipinta ang mukha dahil ang rami niya dadalhin, at dahil napakabuting kaibigan namin ni Lyka ay tinulungan nalang rin namin siya.

Maraming estudyante ang makikita mo sa labas pa lamang. Nang nasa loob na kami ay pare-pareho rin kaming namanggha sa ganda at napaka makulay na paligid.

"Hulaan ko ikaw ang may pakana nito ano?" nakaturo kay Jing na tanong ko.

"of course! See? It's beautiful, elegant and have a romantic vibe" kinikilig na saad ng gaga.

Unang kita palang kasi sa booth nila halatang maarte yung nagdesinyo, masyadong maraming ka ekekan, parang matatabunan na sa rami ng desinsyo ang buong booth.

Pero ang gandang tingnan, parang nasa maharlikang lugar ka.

Dahil wala kaming booth ay tumulong nalang rin kami sa kanila. Pinapasukan namin ang lahat ng madadaanan naming booth, may mga activities rin na sobrang nag enjoy kami, nasampal ko pa kanina ang white lady sa loob ng haunted booth. Eh sa nagulat ako eh! Buti nga nasampal ko lang hindi nasuntok.

Sa ikalawang araw ay ganon parin ang ginawa namin, pinapasukan namin ang lahat ng booth na hindi pa namin na papasukan ang pinagkaiba ngalang ay kasama na namin sina Roana, Anika at Krane.

"Krane bili moko niyan" saad ko habang naka turo sa tindahan ng ice cream.

"why do I feel like isinama niyo lang ako para may pambayad kayo ha?" masungit na tanong niya. Kinuha ko lang yung specs niya at hinila na siya doon, hindi naman siya naka angal at binilhan nalang kami.

Tawang-tawa kami ng dakpin silang tatlo nang mga estudyante galing jail booth. Sobrang pula ng pagmumukha ni Krane nang makalabas siya, pinagpiestahan raw kasi siya ng mga babae sa loob sabi ni Roana.

Crimson University Where stories live. Discover now