Chapter 4

127 6 0
                                    

ANDREA DAWN LEDEZMA

Madilim na ng matapos kung icheck ang dance room dahil habang nasa loob ako ay tiningnan ko narin kung anong props yung pwede naming gamitin para sa sayaw namin.

Naglalakad ako malapit sa main building ng meron akong naaninag na tao, galing siyang faculty room, hindi ko naman masabi kung istudyante ba siya o guro hindi kasi ako pamilyar sa mukha niya.

Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at nagtuloy sa paglakad pabalik ng department namin, nakalimutan ko kasing kunin yung aklat ko sa ilalim ng desk nandon pa naman yung drafts para sa presentation namin ng mga kagrupo ko para bukas.

Palabas na akong university ng meron pakong nakikitang iilan na istudyanteng naglalakad papuntang library, siguro para sa research o thesis nila. Hanggang 10:00 pm kasi ng gabi ay open yung university para sa mga estudyanteng merong project,thesis,persentation o research na ginagawa.

"Aalis na ho kayo ma'am?" tanong ng guard.

"ay opo manong"

"parang mahihirapan ata kayo nito ma'am, kaunti nalang kasi yung dumadaan rito paglagpas alas sais na" mahabang litanya.

"ganon ho ba? Maglalakad-lakad nalang po ako manong hindi rin naman malayo yung bus stop rito diba?" tanong ko sa kanya habang naka dungaw sa daanan.

"ay hindi naman ho ma'am, pero pasensya na po kayo hindi ko po kayo masasamahan. Bawal ko kasing ewan yung pwesto ko"paumanhin niya.

"okay lang po yun, kaya ko ang sarili ko. Sigi ho! Alis nako. Salamat po manong, ingat ho kayo!"

"kayo rin ho ma'am" paalam sakin ni kuyang guard.

Naglalakad ako papuntang bus stop nang may maaninag akong bulto ng tao.

Teka? Bakit parang pamilyar yung lalaking nakatayo? Agad naman ako nag tago sa madilim na parti ng pader, medyo na sa masikop na iskinita nakatayo ang lalaki.

"ahhh!h-hayop ka!" biglang sigaw nong lalaking nakahandusay sa sahig.

Agad namang naglakad sa pwesto niya yung lalaking nakatayo at dahil dun ay natamaan ng ilaw galing sa street light ang mukha niya.

Tang na! Sabi ko na nga ba eh! Kaya pala ang pamilyar ng mukha niya, yung school president pala. Pero teka, anong ginagawa niya rito? At bakit niya binubugbog yung isang lalaki?

Pero unang-una sa lahat. Anong ginagawa ko rito? Hindi naman ako chismosa,pero kasi nakaka intriga naman to lalong-lalo na at involve si president. Bahala na nga!

"HOY! ANO YAN HA?!" sabay lapit sa pwesto nila. Agad namang bumaling sakin si president ng may nagtatanong na mukha.

"who the fuck are you?" malamig na tanong niya habang naka tingin sakin ng masama.

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na lamang. Tiningnan ko naman agad ang lalaking nakahandusay sa sahig at,

Teka pamilyar sakin tong pagmumukha niya ah?

"ikaw yung, ikaw yung lalaki kanina ah? Yung lumabas galing faculty room. Pero teka nga! Binugbog mo bato?" baling ko sa lalaking naka tingin sakin na parang isa akong baliw.

"it's none of your business woman" masungit na sagot niya.

"of course it is my business! Did you already forgot that you're our school president? Nasa iisang university lang tayo at gusto kong malaman ang dahilan kong bakit ang hinahangaang tao ng lahat sa loob ng university ay may binubugbog sa madilim at masikip na parte ng iskinita?" saad ko habang naka taas ang kilay.

Crimson University Where stories live. Discover now