02

80 9 15
                                    

Nagising si Arielle nang may unan na humataw sakanya kaya napabangon siya at nakita niya ang kapatid niyang tawang-tawa dahil sa ginawa nito, "shemay ka! Bakit mo ako hinataw ng unan?!" Galit niyang sabi. Kaya tinaasan siya nito ng kilay, "ayaw mo kasing bumangon diyan, hindi mo ba alam kung anong oras na?"

Kaya agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at nanlaki ang mga mata niya ng makita kung anong oras na, "shems, patay ako nito!" Sabi niya. Kaya daling-dali siyang pumasok sa banyo. "Ayan, nood pa"

Kaya binilisan niya ang pag-aayos at daling-dali siyang bumaba pero napatigil siya ng makita niya ang tatay niya na hinihintay siya kaya dahan-dahan siyang bumaba, "h-hi, Papa" bati niya pero hindi nawala ang seryosong tingin nito sakanya, "anong oras na, Arielle? Kung hindi ka pa hatawin ni Nicole hindi ka pa gigising!" Sermon nito. Habang hinihilot ang noo nito

"P-papa, sorry na...maganda yung update eh" sabi niya. Habang nakayakap sa Papa niya kaya wala nang nagawa ang tatay niya kundi patawarin siya, "sige na, basta sa susunod ah" sabi nito. Napangiti siya

"Opo, hindi na po mauulit" sabi niya. Kaya ginulo ng tatay niya ang maayos nitong buhok, "Siya, tumakbo ka na. Don't worry nandoon na baon mo sa bag" sabi nito. Kaya agad niyang kinuha ang bag niya at agad umalis ng bahay

"Your late, Ms. Silvestio..." seryosong sabi ni Krypton. Habang nakasandal ito sa pintuan ng headquarters nila kaya agad siyang napalunok ng laway, "I-I'm sorry, Krypton kasi super traffic talaga ngayon...alam mo na monday"

Kaya nagulat siya ng dahan-dahan itong lumapit sakanya, "sa susunod kapag magdadahilan ka...make sure na walang maiiwan na bakas" sabi nito. Kaya nagulat siya ng ayusin nito ang magulo niyang buhok at tinanggal din nito ang muta niya sa mata

"There, pumasok ka na para makapagsimula na tayong maglinis" sabi nito. Sabay alis kaya doon na ito nakahinga ng maluwag, "goshing, siya yata ang magiging dahilan ng heart attack ko ngayon!" sabi niya at pumasok na siya sa headquarters nila at doon niya nakita sila Syd na kumakanta ng the feels

"Oh, nandito na pala si Isda eh, magsimula na tayo!" sabi ni Kida. Kaya daling-dali silang tumayo sa mga kinauupuan nila, "today ang clean up drive natin dahil nakikita nyo naman na madumi ang headquarters natin dahil wala nang mashadong gumagamit dito" paliwanag ni Kida. Sabay ngiti kaya napairap si Zarouhi

"At para mas mapadali ang paglilinis natin maghahati-hati tayo sa dalawa, Arielle at Syd sa taas kayo, kayo naman ni Kioshi sa baba kayo. Kami naman ni Kida sa mga computers" singit ni Krypton. kaya pumunta na mga ito sa kanyang-kanya nilang lugar, "ang sungit talaga ni Krypton no" sabi nito. habang pinupunasan nila ang mga lumang libro kaya tumango siya

"Sinabi mo pa pero bagay naman sakanya eh, lalo na kapag nakakunot ang noo niya" sabi niya habang nakatingin ito sa dalawang lalaking busy sa pag-aayos ng mga lumang computers, "don't tell me na...crush mo si sungit?" pang-aasar nito. Kaya napailing siya

"Sus, hindi daw..." sabi nito. Kaya napangiti na lang siya at bumalik sa kanyang ginagawa habang ang iba niyang kasama ay nakuha pang sumayaw habang nagwawalis, "oy! kioshi tigilan mo nga yan para kang bulate diyan!" sita ni Zarouhi habang may subong lollipop

"Heh, hindi ka lang marunong sumayaw eh!" sabi nito. habang patuloy ito sa pagsayaw ng The feels kaya napangisi si Zarouhi, "sinong may sabing hindi ako marunong? gusto mo pakitaan kita ng moves ko?" mayabang nitong sabi. Tinaasan siya nito ng kilay

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now