07

16 4 0
                                    

Nagising si Arielle dahil sa ingay ng kanyang cellphone kaya agad niya itong kinuha ang nagulat siya ng makita niya ang gc nila ay tadtad ng pictures nila kahapon, 'shems, bagay talaga sila Isda no. Nakakakilig!'

📱 Kida: mas nakakakilig kami ni Zarouhi! Tignan nyo
📱 Zarouhi: Putek! Burahin mo nga yan! Ang pangit ko diyan bwisit ka talaga Kida!
📱Kida: labyu, bebe ko 😙
📱Syd: tigilan nyo yan! Ang sakit nyo sa mata!

Kaya napailing siya at bumangon para maghanda sa klase nila nang tumunog ulit ang cellphone at nagulat siya ng makita ang pangalan ni Krypton sa inbox niya, "shems! Nag-chat siya saakin! Omg" sabi niya. Habang pasayaw-sayaw siya sa banyo kaya wala na siyang inaksayang oras at agad niyang binuksan ang message nito, 'hi, good morning, Elle. Tanong ko lang kung nabasa mo na yung lastest na story ni Simon?'

📱 Arielle: ah, yung My roommate is a monster? Hindi pa ikaw?
📱 Krypton: yes, yung nga binabasa ko ngayon
📱 Arielle: hala, wala pa akong time magbasa ngayon eh! May tinatapos pa kasi akong activity sa 21th century eh hehe.

Kaya napailing siya at agad niya ni-off ang cellphone niya habang hindi niya mapigilan ang kanyang hindi mapangiti dahil sa wakas may convo na sila ni Krypton, "hay! Bakit ganito nararamdaman ko? May gusto na ba ako kay Kryp—no way! Hindi pwede"

**

Kaya eto siya lutang na pumasok sa kanilang classrom at nakita niya ang isang lalaki na pinagkakaguluhan ng mga kaklase niyang babae at nanlaki ang mga mata niya nung nakilala niya ang lalaki, "Seth! Ikaw na ba yan?"

"Arielle! Gosh!" Sabi nito. Sabay yakap sakanya ng mahigpit, "long time no see! Ano ba yan mas lalo kang naging gwa—este maganda pala" sabi niya. Kaya napailing ito

"Hmm, alam mo yan. Arielle, grabe Namiss talaga kita!" Sabi nito. Kaya napangiti na lang siya, "Me too, sis!"

Magkaibigan na sila Seth at Arielle since elementary at matagal din silang hindi nagkita dahil umuwi sa probinsya si Seth kaya masaya siya ng makita ang kaibigan niya, "mamaya, marami kang ikukwento saakin"

"Sure..." Sagot nito at nagsibalikan na sila sa kanila mga upuan dahil papasok na ang kanilang first teacher, "good morning, class!"

"Shems, nagsisisi na akong ABM ang kinuha ko! Tignan mo may kulang nanaman!" Drama ni Syd. Habang nasa library at gumagawa ng activity na iniwan sakanila, "Na-check mo na ba sa T-account o kaya sa journal entry mo?"

"Ay, oo nga. Di ko nalagay yung isang 1,000! Kaya hindi ko pala mabalance bwist" sabi nito. Kaya napailing ako, "Pagkatapos mo diyan sa canteen na tayo, gutom na ako"

"Oo, eto na. Patapos na...teka, bakit kilala mo si Seth? Yung pinsan ni Naih" sabi nito. Kaya ngumiti ako at sinarado niya muna ang librong hawak niya, "ah, naging kaklase ko siya nung elementary tas umuwi na sila sa probinsya kasi aasikasuhin nila yung lupang naiwan sakanila"

Tumango na lang ito at pinagpatuloy ang pagsasagot, "Ah, sa tingin mo...may girlfriend na yun?"

"Huh? Bakit mo naman natanong yan? Don't tell na crush mo si Seth! Ay nako! Sedo hindi kayo talo" sabi niya. Kaya napakamot ito ng ulo

"Ayos lang sakin kung bakla siya no, diba nga ang sabi, 'love has no gender, as long as mahal nyo isa't isa'" paliwanag pa nito. Kaya napailing siya, "well, may point ka, okay. Pagkatapos mo diyan punta agad tayong journalism club ipapakilala kita!" Masayang sabi niya

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now