24

16 4 0
                                    

"Mahal na reyna, handa na po ang lahat" sabi ni Wayne. Kaya napangiti ang reyna habang nasa harapan ng salamin at nag-aayos ng kanyang mukha, "magaling, sabihan mo ang kapatid mo at mga tagapagsunod natin na magsisimula na ang ating party" sabi nito. Kaya agad itong umalis sa silid ng reyna upang sabihan ang iba nilang kasamahan na magsisimula na ang party na hinanda para membro ng Club nila Krypton, "ilan oras na lang at makukuha ko na ang tagumpay!" bulong nito. Sabay tawa na narinig sa buong silid

HABANG busy naman si Krypton sa pagtingin sa mga pictures nila ng grupo. Lihim siyang napangiti ng makita ang iba't ibang nilang mga pictures sa mga past missions nila. Marami na palang pinagsaahan ang wonder pets, simula nung day 1 hanggang ngayon...walang iwanan lahat nagdadamayan thru in dark times and good times. "uy! Anong nangyari sayo? Pre"

"A-Ah, nandiyan ka pala. Wala lang ito, bakit ka nanaman nandito?" sabi niya. Habang pinupunasan ang luha nito sa mata kaya napailing ito at umupo sa kama nito. "Alam mo na, nag-away nanaman kami ni daddy. Hindi ko pa rin kasi tanggap na meron nang ibang pamilya si Daddy" kwento nito. Kaya tinapik ni Krypton ang balikad nito

Simula kasi namatay ang nanay ni Kida, pinakilala sakanya nito ang ibang pa niyang kapatid at nakilala rin niya ang other women nito. Kaya galit ang nararamdaman niya sa tatay dahil sa ginawa nito.

TING!

Kaya agad silang lumapit sa laptop para tignan kung ano ang possible mission nila at nanlaki ang mga mata nila ng makita ang susunod nilang mission, "dumating na ang araw na hinihintay mo, Krypton" sabi nito. Kaya sumilay ang ngisi nito sa labi at agad nilang tinawagan ang iba pa nilang kasamahan para sa kanilang mission, "Sigurado ka, Krypton ngayon na talaga yung misyon natin?" Tanong ni Syd. Habang nasa loob sila ng Mini Van

"Yes, Sedo. Sorry for interrupting your sleeping time, may tanggap kasi kaming balita na may inatake nanaman ang grupo nila Gothel kaya kailangan natin agad puntahan yun" sabi pa nito. Kaya walang nagawa sina kioshi kundi tanggapin na kailangan nilang harapin ang kanilang matinding kalaban na si Gothel

"Ang balita saamin ni Cezanaih, okay na ulit kayo ni Arielle ah at binigyan mo pa siya ng flowers nung workshop nila" singit ni Kioshi. Kaya napangiti na lang si Krypton, "Yes, we are okay now pero sabi niya tatapusin niya muna yung pagtuturo niya sa journalism club"

"Yiee, so ibig bang sabihin nun...kayo nang dalawa?" Tanong ni Zarouhi. Kaya napuno ng tilian ang loob ng Mini Van kaya napailing siya at tumango na lang, "neks naman, sanaol!  anyway, congrats. Krypton!" Sabi ni Kioshi

"I'm so happy at okay na ulit kayong dalawa ni Isda. Edi mabubuo nanaman ang wonder pets" sabi ni Syd. Kaya napailing na lang si Krypton at nagfocus sa pagdrive

Pagkadating nila sa lugar na sinasabi ni Krypton na may inatake daw ang grupo nila Gothel. Wala silang nakitang kahit na anong bakas na meron ngang nangyari paglusob sa lugar na ito, "Ang weird, tingnan nyo ang tahimik" sabi ni Zarouhi. Habang pababa sila ng sasakyan

"Krypton, sigurado ka bang ito yung lugar na sinasabi mo?" Tanong ni Syd. Kaya tumango lang ito habang naguguluhan din sa nakikita niya hanggang sa biglang nagbago ang paligid at napalitan ng isang madalim at nakakatakot na lugar, "Maghanda kayo!"

"Hello guys..." Sabi ni Gothel. Kaya bigla na alerto ang lahat at agad nilang nilabas ang baril nila kaya napangiti ang Reyna, "Sa tingin nyo talaga matatalo nyo kami gamit yang mga baril nyo?" Natatawang sabi nito. Sabay pitik at biglang nawala ang hawak nilang mga baril kaya mas lalo napangiti ito dahil sa inis agad nila itong sinugod pero sa isang pitik nito ay hindi na sila makagalaw

"A-Anong ginawa mo s-saamin!"

"Wooh, relax. Dear naamoy ko ang mga kaluluwa nyo at gusto kong kainin! Pero hindi muna ngayon dahil...marami pa tayo gagawin na laro mga bata" sabi nito. Sabay tawang nakakatakot at kasabay nun ang pagkawala ng malay nila, "Sweet dreams"

"ATE, bumangon ka na diyan!" Gising sakanya ng kapatid niyang si Nicole kaya napamulat agad siya at kinuha niya ang cellphone para tignan kung anong oras na at nagulat siya ng makita kung anong oras na

"Paktay!"

Kaya daling-dali siyang pumasok sa Cr para maligo dahil nakalimutan niya na ngayon pala ang exam para sa finals at kailangan pa niyang makompleto ang mga requirements para mabigyan siya ng exam, "Shemay! Lagot nanaman ako kay Ma'am Krist" sabi niya. Habang pababa siya sa hagdanan

"Oh, nak. Hindi ka kakain?" Tanong ng papa niya. Kaya umiling siya at nagmamadaling umalis ng bahay. Mabuti na lang medyo malapit ang school nila kaya nilakad na lang niya

"Tabi! Late na ako" sigaw niya. Habang patakbo siyang papasok sa room at nakita niyang nagsisimula nang magbigay ng test ang first subject nila. "Your late, Ms. Arielle"

"I'm sorry, ma'am..."

"Hays! Parehong-pareho kayo ng kaibigan mo hanggang ngayon wala pa rin!" Sermon nito. Kaya tinignan niya ang bakanteng upuan ni Syd

"Ano mageexam ka pa?"

"Sa susunod na lang pong subject, hahanapin ko lang sila" sagot niya. Kaya agad siyang sinaradohan ng pinto kaya agad niyang hinanap si Syd pero hindi niya ito makita kaya nagsimula na siyang kabahan

"Sana walang nangyari masama sakanila! Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari masama sakanila" naiiyak niyang sabi. Habang papuntang sa headquarters nila at nagulat siya na may nakita nakadikit na maliit na papel sa pinto ng headquarters nila kaya agad niya ito kinuha at nagulat siya sa nabasa niya sa papel

"mecum in infernum, mi" Sabi sa sulat na ibig sabihin nasa panganip sila Krypton kaya daling-dali siyang bumalik sa bahay at naabutan pa niya ang papa niya na nag-aayos

"Nak, may nakali—"

"Nasa panganib ang mga kaibigan ko! Papa anong gagawin ko" naiiyak niyang sabi. Kaya agad siyang niyakap ng papa niya, "dumating na araw na kinatatakutan ko. Arielle sumunod ka sakin may papakita ako sayo"

Kaya hindi na siyang nagdalawang isip na sumunod sa papa niya na papunta sa storage room at namangha siya dahil sa nakita niyang iba't-ibang klase na mga sandata laban sa mga aswang at engkano kaya napatingin siya sa Papa niya, "Hindi ko na sinabi sainyo na isa akong hunter, alam kong dadating ang araw na magagamit ulit yang mga sandata na yan. Be safe anak"

"I will, dad..." Sabi ko. At saka niya niyakap ng mahigpit ang ama niya at naramdaman naman niya ang halik nito sa noo, "Go, save your friends and please bumalik kayo ng ligtas"

Kaya napangiti siya at agad niyang kinuha ang iba't ibang klase ng pana at iba pang mga kagamitan, "Bagay sayo ang look mo ngayon anak, ang astig mong tignan. Manang-mana ka sakin!" sabi nito. Habang pinapanood siya mag-aayos sa mga gagamitin niya, "Let's go, dad. Kailangan na nila ako"

Kaya hindi na nagdalawang isip ang tatay niya at agad binuksan ang portal papunta sa other world na matagal niyang kinalimutan at binaon niya sa limot, "Be safe, Arielle."

"I will, papa. Ilove you" sabi niya. At pumasok na siya sa portal kaya bumungad sakanya ang madilim at mainit na lugar na kung saan naninirahan ang mga nakakatakot na mga nilalang, "Welcome back, Arielle" sabi ng isang tikbalang kaya napangisi siya at kinuha niya agad ang buntot pagi at hinataw niya nito kaya napalayo sila dahil sa takot na matamaan sila ng hawak niya.

"Welcome to me"

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now