15

11 4 0
                                    

Pagkadating nila sa Police Station sinalubong agad sila ni Cap, "Kayo ba yung kausap ko sa phone nung nakaraan?" Tanong nito. Tumango si Kida, "k-kami nga p-po" nauutal nitong sabi dahil ngayon lang sila nakaharap ng isang pulis at nasa mataas pang rango

"Alright, I need your cooperation, ilan linggo nang sunod-sunod ang pagkawala ng mga babae dito sa saamin at ang sabi ng iba asawang daw. That's why nandito kayo" paliwanag pa nito. Habang pinapakita sakanila ang files at mga pictures ng mga babaeng nanawala, "at nung sabado, may nakatakas sa isa sa mga bihag..." dagdag pa nito.

"Saan po yung babae?"

"Nasa interrogation room na siya, kayo na lang ang hinihintay" sabi nito. Sabay ngiti kaya agad silang pumunta sa kwarto, "Goodluck, sana matulungan nyo kami" pahabol nitong sabi bago sila pumasok sa kwartong at nakita nila ang isang babaeng nakaupo

"Hello, Ms. Connor, my name is Krypton at nandito kami para tulungan ka. Kaya please answer us honestly kailangan namin ng tulong mo" seryosong sabi ni Krypton. Napatingin ito kay krypton at saka nito hinawakan ang kamay nito, "please, tuluyan nyo sila. N-nandoon ang kaibigan kong si Scarlet!" Naiiyak nitong sabi

"Please, calm down, Zepphire. Gagawin namin ang lahat para maligtas ang kaibigan mo at iba pang mga babae" sabi pa ni Krypton. Sabay bitaw ng kamay nito kaya ngumiti ang babae

"So, maaari mo na bang ikwento ang nangyari bago at pagkatapos pagkidnap sainyo?" Singit ni Kida. Kaya napabuntong hininga ang babae at agad niyang ikwento ang nangyari habang umiiyak, "Nakita mo ba mukha ang mukha niya?" Tanong pa ni Kida. Tumango ito

"O-Opo, dahil hinubad ko ang kanyang maskara para s-siyang akitin d-dahil yun lang po ang tanging paraan p-para makuha ko ang susi" nauutal nitong sabi. Kaya lumingon si Arielle salamin kung saan nakikinig ang mga pulis at maya-maya ay may pumasok nang sketch artist para iguhit ang possibleng itsura ng kidnapper, "shems, ang gwapo pala ni fafa"

Kaya agad siniko ni Zarouhi ang kaibigan dahil baka marinig ito ng mga pulis, "sigurado ka bang ayan ang itsura ng kidnapper?" Tanong ni Cap. Tumango ito kaya agad binigay ito sa isa pang mga officer para malaman ng identity

"Salamat, Ms. Connor, malaking tulong na ito para mabilis natin mahuli ang kidnapper" sabi pa ni Cap. Kaya ngumiti ang babae, "Krypton, hijo, sainyo ko na ang pinapaubaya ang kasong ito dahil alam kong kaya nyo silang talunin" dagdag nito. Kaya agad nagpasalamat ang grupo sa sinabi nito, "salamat po, makakaasa po kayo gagawin namin ang lahat para po mahuli namin siya. Excuse me po"

"Anong plano? Krypton?" Tanong ni Syd. Kaya napabuntong hininga lang ito habang palabas sila sa interrogation room, "Mukhang mahirap ang misyon na ito pero kailangan pa rin subukan"

"Ilan na ba ang nakuha?"

"Apat na...plus si Scarlet edi lima"

"Kulang pa siya ng dalawa..." Mahinang sabi ni Arielle. Kaya napatingin sila dito ng nakakunot ang noo, "What do mean 'kulang pa siya sa dalawa'?" Tanong ni Kida

"Hindi lang ito simpleng kaso, guys. Naalala ko may nabasa akong story ganito rin yung concept...ang sabi doon kumuha siya ng pitong na babae para mabuhay niya ang taong mahal niya" paliwanag niya.

"So, you mean sacrifice ganun?" Tanong ni Krypton. Tumango na lang siya kaya nagtakip na lang ng bibig sila Syd at Kioshi dahil sa mga narinig, "Kailangan natin siya mahuli bago mahuli ang lahat"

"Sa tingin ko, hindi yun titigil sa paghahanap ng posible niyang bihag dahil kulang pa siya ng dalawa" sabi naman ni Kioshi

"Ang alam ko, may gaganapin na sayawan daw dito sa Friday kaya posibleng nandoon din siya. Kailangan natin ng pain para mahuli natin siya!" Sabi ni Kida. Kaya biglang napangisi si Krypton may naisip na siyang plano

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now