04

35 6 13
                                    

"Argh! Ang sakit ng katawan ko!" Sabi niya. Habang pababa siya ng hagdanan kaya napatigil sa pag-aayos ang tatay niya, "ano ba kasi ginawa mo kahapon at parang kang binugbog" sabi nito. Habang sinusuklay ang buhok nito sa harap ng salamin, "p-para po sa PE namin yun, pa" sagot niya. Sabay yakap dito

"Nako, magpahinga ka na lang muna diyan, sabihin mo na lang sa mga kagrupo mo na masakit ang katawan mo" sabi pa nito. Kaya napatigil siya at tumingin sa papa niya, "eh, paano po grade ko?" Kaya walang nagawa ang tatay niya kundi payagan siya

"Sige na, basta umuwi ka ng maaga at please Arielle wag mong kalimutan magpahinga" sabi nito. Sabay gulo ng buhok niya, "opo, ilove you, pa. Alis na po ako"

Kagaya kahapon hinihintay nila ulit si Krypton dahil ito ang susundo sakanila papuntang training facility, "hey, baka naman pwede mo kaming ilibre mamayang sa uwian" sabi ni Kioshi habang naka akbay naman si Zarouhi sakanya

Ang Team A kasi ang nanalo kahapon sa first round dahil naagaw nila Syd ang flag ng kalaban nilang sila Zarouhi at sa second round naman ay tinalo sila ng Team B nang nanalo si Zarouhi laban kay Arielle, "okay, s-sa uwian"

"Ahm, sorry nga pala kahapon hehe k-kung nasaktan kita sa laban" sabi ni Zarouhi. Kaya umiling siya at ngumiti, "ano ka ba, okay lang yun at saka kasama yun s-sa training"

"Nako, salamat, Isda. Promise mamaya ililibre din kita" sabi pa nito. Kaya napangiti siya habang pa simpleng pinipisil ang masakit niyang braso, "isda, may masakit ba sayo?" Sita sakanya ni Syd. Tumango siya

"Ay, hindi ka na dapat pumasok ngayon baka lalong hindi ka makapasok sa Monday" nag-aalala nitong sabi. Kaya umiling siya at pilit na ngumiti, "hindi pwede no, lalo na ngayon ituturo ni Krypton yung b-baril. Ayoko naman mamiss yun dahil masakit lang ang katawan ko!" Sagot niya. Napailing na lang ito

"Okay, fine. Wait ka lang diyan bibili lang ako ng salonpas para mawala ang sakit ng katawan mo" sabi nito. Kaya napangiti siya at tumango, "salamat, Sedo"

"Oo na, Isda..."

"ETO ang day two ng training natin at ituturo ko na sainyo ang tamang pag gamit ng baril" sabi ni Krypton. Kaya agad nagdiwang ang apat lalo na si Arielle pero bakas pa rin dito ang sakit nararamdaman niya sa katawan, "Meron nang tig-isang points ang Team A at Te—"

"Stop, Arielle, okay ka lang ba?" Sabi ni Krypton. Kaya nasa sakaniya ang atensyon ng lahat, "a-ah, oo, okay lang a-ako" sagot niya. Sabay ngiti pero hindi nawala ang seryosong tingin nito sakanya, "yung totoo, Arielle. Hindi tayo magsisimula hangga't hindi mo sinasabi ang totoo" seryosong sabi nito. Napakagat siya ng labi habang iniiwasan niya ang nakakamatay na tingin nito

"A-Ahm, medyo masakit nga yung kata— oy! Saan mo ako dadalin" sabi niya nang kapitan siya nito sa kamay, "Kida, ikaw muna magturo" sabi nito at tuluyan silang umalis sa firing range kaya naiwan tulala sila Zarouhi

"So, magsimula na tayo, kailangan nyong makinig ng mabuti dito dahil mashadong komplikado ito" sabi nito. Sabay ngiti habang inaayos ang gagamitin nilang mga baril

"ANONG masakit sayo?" Tanong nito. Habang nasa bleachers sila at pinapanood nila ang ensayo ng mga kaibigan nila, "Arielle, tumingin ka saakin" sabi pa nito. Kaya tumingin na siya

"Yung braso ko ang masakit but don't worry may salonpas na ako" sagot niya. Kaya tumango ito at binigyan siya inumin, "ipahinga mo muna yung katawan mo, mahirap na baka hindi ka makapasok sa Monday dahil sobrang sakit ng katawan mo" sabi nito. Kaya ngumiti siya at uminom na lang bago niya hiniga ang ulo niya sa balikad nito

Paranormal Investigative Club | ✔︎Where stories live. Discover now