H.P 4

520 13 0
                                    

Simula non ng pag uusap ni jho at ni nico hindi na masyadong lumalapit si jho kay bei pero nag uusap naman sila maliban lang sa paghatid sa bahay inexcuse na lang niya na susunduin siya ni nico kaya pumapayag na lang si bei sa kaniya

Hanggang sa nagbakasyon na at nasanay na sila sa mga ganong gawain

Bei

"Nak, nakita mo ba yung salamin ko?" Tanong ni dad napatingin naman ako at napangiti

"Oh anong nginingiti mo diyan? Yung salamin ko nakita mo?" Tanong niya sa akin ulit

"HAHAHAHAHA dad nasa ulo mo lang" sabi ko habang natatawa

"Ay oo nga no ano ba yan tumatanda na talaga kami" sabi ni dad

"Gusto mo lumabas nak? Punta tayo sa office?" Tanong ni dad

"Naiinip ako sa office dad eh" sabi ko sa kaniya

"Sige ikaw bahala bibili pa naman ako ng ps5 sayang naman mabait ako ngayong araw sige na mauna na ako" sabi ni dad, p-ps5

"Ah dad! Sama na pala ako sandali" sabi ko and umakyat at nagbihis after non bumaba na ako

"Hahaha hindi ka talaga makakatanggi sa akin no" sabi ni dad and ginulo yung buhok ko, napailing na lang ako doon at inayos na yung buhok tsaka lumabas. Nakarating na kami sa office ni dad

"Goodmorning sir" sabi nilang lahat and tumayo ngumiti lang si dad tas pumasok na kami sa office ng makapasok na kami gumawa na si dad and ako naman nag cellphone muna tas biglang may kumatok sa pintuan

"Come in!" Sigaw ni dad habang busy sa ginagawa niya

"Sir, eto na po yung pinabili niyo" sabi nung secretary ni dad, tumayo naman si dad and kinuha si pinto

"Oh anak regalo ko sayo" sabi sa akin ni dad

"For what dad hahaha eh lagi tayong bumibili ng ganito" sabi ko kay dad

"Iba ngayon hahaha buksan mo ng malaman mo yung isa pang meroj diyan" sabi ni dad and binuksan ko yon nakita ko doon yung ps5

"Ano meron pa dito dad?" Tanong ko sa kaniya

"Hanapin mo yun yung pinaka regalo ko sayo dahil pinagbubutihan mo mag aral" sabi ni dad and nakita ko naman yung isa pa napalaki na lang ako ng mata

"D-dad, this is too much" sabi ko sa kaniya

"Hahaha hayaan mo na anak tutal sa Ateneo ka na mag aaral eh pwede mong magamit yan para sa amin ng mommy mo yung sasakyan na ginagamit mo yan sakto puro gamit, base bat, ball mo ng basketball pwede mo ilagay sa kotse mo" sabi ni dad napatayo na lang ako at agad niyakap si dad

"Thank you dad thank you po sa bigay niyo" sabi ko at mangiyak ngiyak na but dad just tap my back

"Wala yon anak proud lang ako sayo kasi kahit lagi kaming wala ng mom mo eh nagagawa mong imaintain yung taas ng grade mo" sabi ni dad

"So lets go to the ground floor shall we?" Tanong ni dad and napatango na lang ako at niligpit muna yung gamit ko at binitbit para dalhin sa sasakyan at nakapunta na kami sa ground floor

"Wow dad! Ang ganda neto!" Sabi ko kay dad

"Wow dad! Ang ganda neto!" Sabi ko kay dad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOPIA PAMILYA (ad,jb,jd)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon