H.P 8

437 16 0
                                    

A/N: I appreciate po sa mga nagbabasa kahit na wala masyadong nag cocomment, I didn't expect it po and sorry po kung may mali mang grammar or typos😊

Den

Hindi na nga ako pinapasok muna para din iwas stress, ako lang ngayon ang nasa bahay kasama ang mga maids, si aly naman tatapusin lang lahat ng importanteng gagawin niya para makapag break din siya ng 9 months

"Ma'am Dennise, nandiyan po si Ma'am Mela kasama po si Sir Kim" sabi nung yaya

"Ah sige po yaya papasukin niyo na lang po" sabi ko at tumango siya sabay alis ako naman pinatay muna yung tv at tumayo at sinalubong sila mela at kim

"Dennise!" Tuwang tuwang sabi ni mela sabay yakap sa akin

"HAHAHA sobrang namiss mo naman ako nawala lang kayo ni kim ng dalawang buwan eh ganiyan ka na ulit" sabi ko sa kaniya at bumeso samantala kay kim kamayan lang

"Nako yon nga nakakastress na nga sa ibang bansa buti na lang natapos namin agad yung work doon and konting vacation na din tas kasama ko pa tong dagdag stress" sabi ni mela referring to kim

"Ganyan talaga ang mga asawa mels" sabi ko sa kaniya natawa na lang kami

"Buti pa tong si den naiintindihan ikaw hindi, by the way we heard that your pregnant again buti naman at nabiyayaan ulit kayo ng pangatlo miracle yan ha" sabi ni kim

"Kaya nga buti na lang nagpapasalamat nga kami at may humabol pa" sabi ko na lang

"Oh nandito pala kayo kim, mela" sabi ni aly na kakadating lang

"Yeah bro, dumiretso na talaga kami dito galing airport sakto naman at nandito pala si dennise" sabi ni kim, si ly naman nilapag muna yung gamit niya sa sofa at humalik sa pisngi ko

"I think mahal you should ask them to take a sit" sabi ni aly

"Oh my sorry I forgot upo muna kayo" sabi ko natawa naman sila ng unti at umupo na kaming lahat

"Bro, here's the files na pinadala ni Mister Tolentino nung nag punta kami sa company nila sa ibang bansa, pumirma na ako jan sa contract na yan lalo na si mela, kayo na lang dalawa ang kulang tas ipapadala ko sa secretary ko bukas para ma approve na din yung pag sasama ng company nating tatlo" sabi ni kim, and pumirma na kami

"And by the way den and aly, ipapadala daw nila yung anak nila na si vince to be train also to handle their company here sabi nung asawa ni Mr.Tolentino sila lang naman nakausap namin eh di naman kami masyadong sanay mag english hahaha" sabi ni mela natawa naman kami

"Don't worry mels, kami din" sabi ni aly and ganon din sila natawa din sila

Hindi na din sila nagtagal at kailangan pa nilang puntahan si charles and kacia, dumating naman sina jho,bei and alicia

"Hi po mom and dad" sabi nila alicia and bei

"Hi po tita and tito" sabi naman ni jho at nag simano naman sila sa amin

"Bat ang aga niyo yata ngayon?" Sabi ni aly

"Dad? You forgot HAHAHA practice lang namin para sa graduation tsaka recognition" sabi ni bei

"Si dad tumatanda na" sabi naman ni alicia

"Ay oo nga pala, pasensya na pasesnya na haha" sabi ni aly

"Ah tito,tita dumaan po pala kami kanina sa bahay bago dito pinapabigay po ni mama pampahaba ng buhay" sabi ni jho sabay bigay sa amin ng pancit

"Aba masarap to ha, pakisabi sa mama mo jho na maraming salamat dito" sabi ko sabay ngiti sa kaniya

HOPIA PAMILYA (ad,jb,jd)Where stories live. Discover now