H.P 45

228 12 19
                                    

Jhoana

"San kagaling?" Tanong ko kay bei na ngayon eh kakadating lang, nasa kama na ako ngayon siya naman naghuhuhad na ng pang taas niya

"Sa Hospital, doon naman ako lagi pumupunta eh" sabi niya, kumunot naman ang noo ko

"Oh bakit naka kunot yang noo mo? I'm telling the truth jhoana, and I'm also tired" sabi niya

"Wala kang kasamang iba ngayon? Pinuntahan?" Sabi ko

"Wala, saan ako pupunta?" Tanong niya

"Pagod ka saan?" Tanong ko

"Jho, alam mo ang daming mong tanong, alam mo namang ang dami naming rounds ngayon at sinabi ko namang pagod ako diba?" Sabi niya

"Jho, ha ha ha jho? First name basis? Look at your fingers you forgot to wear your ring" sabi ko sa kaniya

"Jho, pagod ako okay?kanina ko pa sinasabi sayo at  Kung may gusto kang pag usapan, pag usapan natin bukas hindi yung ngayon, kung galit ka pagpabukas mo muna yan" sabi niya at nahiga na

At gaya ng sabi niya hindi ko muna siya inistorbo

Kinabukasan nakita ko siyang nagkakape habang nasa kama siya at may ginagawa kaya eto na yung chance

"Bei, sabihin mo sa akin san ka ba talaga nagpunta kahapon? Hindi ka naman ginagabi ng uwi?" Sabi ko sa kaniya

"Jho, kakasabi ko lang kagabi na ang daming rounds nga yung ginawa namin diba? Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?" Tanong niya binigay ko naman sa kaniya yung phone ko

"Paano kita paniniwalaan kung yan ang alam kong inasikaso mo, bei, sabi ko naman sayo kung ayaw mo na sabihin mo lang, kung pagod ka na sabihin mo hindi yung magloloko ka, ang tagal mo na pala akong niloloko, sa tuwing umaalis ka kasama mo yan siguro no? Bei, bakit kailangan umabot tayo sa ganito? Bakit kailangan na kung kelan may apat na tayong anak tsaka ka magloloko? Hindi pa ba ako sapat? Hindi pa ba kami sapat para sayo? May kulang ba? May ginawa ba akong mali? Ipaintindi mo naman oh, susubukan ko namang intindihin eh" sabi ko sa kaniya at pinakita yung picture

"J-jho..." sabi niya

"Ipaintindi mo sa akin bei, kasi nasasaktan ako eh, diba nga nangako tayo sa isa't isa na sasabihin lahat ng sikreto, mamahalin natin ang isa't isa kahit anong mangyari? Pero bakit sa iba ka humanap ng pagmamahal na yon kahit nandito ako bilang asawa mo? Bakit? Sawa ka na ba? Kung yan yung hiling mo tutupadin ko baka kung lalayo kami magbago ka, magbago yung pananaw mo" sabi ko sa kaniya

Agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako

"Please beh, hindi na, hindi na kita lolokohin, w-wag mo lang gawin sa akin to, wag mo kong iwan, wag niyo akong iwan please nakikiusap ako sayo, magbabago na ako, hindi na kita sasaktan please, I'm begging you" sabi niya at kumuhod na sa harap ko

"Tumayo ka diyan, bei, tumayo ka" sabi ko sa kaniya

"Patawarin mo ako jho, please wag mo akong iwan nakikiusap ako sayo" sabi niya, pero hindi pa din Siya tumatayo kaya tinanggal ko yung pagkakayakap niya sa akin at lumayo ng konti

"Ayoko muna kitang makita, maghiwalay muna tayo" sabi ko kasabay non ang pagtingin niya sa akin at dahan dahan siyang umiling habang tumutulo yung luha niya, I removed my wedding ring and put it sa may kama namin

Kinuha ko naman yung maleta ko at lumabas ng kwarto para kunin yung gamit nila dean,mj,bj and iza

"Mama, where are we going?" Iza ask

"Will dada come?" Bj said

"Lumabas na kayo, diretso sa sasakyan ha" sabi ko sa kanila

"Beh, please wag mong gawin sa akin to" sabi ni bei, sumunod pala siya sa akin habang ako hindi ko siya pinapansin at iniimpake pa din yung gamit ng mga bata

"Bitawan mo ako bernard" sabi niya narinig ko namang umiiyak na yung apat

"Nakikiusap ako beh, ayusin natin to oh wag mo lang gawing iwan ako" sabi niya

"Tama na bei, kung alam kong nagbago ka na baka doon bumalik na kami" sabi ko sa kaniya at lumabas na

"Halina kayo" sabi ko sa mga bata pero bago pa kami makababa

"Hindi mo kukunin silang apat jho, maiiwan sa akin sila bj and mj" sabi ni bei

"Wag mo na akong pahirapan bei, sa akin sila ako ang nagpanganak sa kanila" sabi ko

"Kung aalis ka maiiwan sa akin sila bj and mj" sabi niya habang hawak yung dalawa

"Ate halina kayo" jaja said

"Babalik si mama" sabi ko

"Maaaa" sabi nila mj and bj

"Babalik ako pangako" sabi ko ulit at hinalikan muna yung dalawa bago umalis kami

Nilisan namin yung bahay habang yung dalawa umiiyak sa tabi ko, agad kaming dumiretso kela ri and ces at doon muna nakituloy

Ilang araw akong dumadalaw sa bahay pag wala si bei at nung napag isipan naming lumayo nabigo akong makuha yung dalawa dahil pati ang guard hinarang sila bj and mj

Bei

"Nasan ang sir bei mo?" Narinig ko si dad at nakita niya ako kaya agad niya akong sinugod at sinuntok

"Ano ba alexander?! Hindi kita pinalaking ganiyan! Nagkamali na ako noon ginawa mo naman sa pamilya mo! Nag iisip ka pa ba?! Ha! Sinaktan mo yung kaibigan mo na asawa mo at higit sa lahat hindi mo hinayaang sumama sila bj and mj sa ina nila" sabi ni dad

"Bakit ko hahayaan dad? Edi ako ang nawalan" sabi ko

"Mas mabuting makuha ni jho ang mga bata, kung ganiyan ka mag isip! Ama ka hindi ka na bata umasta ka naman bilang ama! Bei, hindi ka namin pinalaking gag* ng mommy mo, kung alam mo lang na nung nalaman ng mommy mo sinabi niya na itakwil na kita pero hindi! Kasi mahal ka namin! Pero ayan! Kung hindi dahil sa katang*han mo hindi mawawala yang dalawa mong anak kasama ng asawa mo! Mag isip ka bei! Mag isip isip ka ilayo mo yung sarili mo diyan, ayusin mo sarili mo" sabi ni dad at nilisan na yung bahay

Napaupo na lang ako at napahilamos sa mukha

Maling mali...sobrang mali lahat ng nangyayari sa akin, sa pamilya namin, huli na ako, huling huli na

Bumalik ka na jho, bumalik ka na

Tinawagan ko si jho but cannot be reach, ilang tawag na ako sa kanila, lalo na kay ri and ces pero ni isa sa kanila walang sumagot sa akin, si kianna hindi man din sinabi kung nasan sila pero gaya ng sabi ni dad ayusin ko daw muna ang sarili ko bago ko malaman kung nasan sila

HOPIA PAMILYA (ad,jb,jd)Where stories live. Discover now