H.P 23

236 4 0
                                    

(A/N: sorry po sa slow update pero eto na po 😊)
Bei

After 2 months ng makauwi kami galing batangas madami akong nafefeel na kakaiba sa katawan ko hindi ko alam kung anong meron, pero ngayon lumabas muna kami ni ri

"Alam mo bro, nung nakasama ko si jho sobrang bait niya talaga she's a girlfriend material talaga you know I ask ces nga kung ok lang ba sa kaniya na ligawan ko si jhoana" sabi niya nasamid naman ako sa sarili kong saliva

"Uy ayos ka lang?" Tanong nya sa akin at tumango ako

"S-sigurado ka ba diyan bro? Bakit hindi mo muna kilalanin si jho, alam mo si jho pag naasar yon agad iinit na ulo non eh mapang asar ka pa naman tapos panget yon bro" sabi ko sa kaniya

"Hahaha grabe ka naman sa best friend mo pero sabi nga ni ces kilalanin ko nga muna daw si jho bigyan niya daw ako ng isang taon para makilala si jho" sabi niya sa akin

"O-oo tama yan bigyan mo siya muna ng panahon para makilala" sabi ko sa kaniya

"Eh kayo? Balita ko nagkamabutihan na kayo ni kianna ano bro? Ilakad na ba kita sa kaniya?" Tanong niya sa akin

"Wag muna bro alam mo naman career muna uunahin ko bago yung mga ganyan, tsaka para lang ako si jho no gusto muna pamilya ang inuuna" sabi ko sa kaniya

"Basta bro ha tulungan mo ako kay jho ha" sabi niya sa akin and ngumiti na lang ako sa kaniya

After ng lakad namin ni ri umuwi na din ako wala nga lang sila mommy and daddy sa bahay kaya lumabas din ako

Nagpahangin muna ako yung ako lang mag isa

Mahal ko si jho pero parang kapatid na ang turing ko kay marvic, hindi lang namin maamin ni jho dahil mas gusto naming pamilya lang ang nakakaalam

Ringing....jho-wa na ko

J:bei, nasan ka ba? Gabi na hinahanap ka sa akin ni tita

B: ....

J: beh? Uy ayos ka lang ba? Nagaalala ako sayo ha nasan ka ba?

B: ah ano beh nagpapahangin lang ako uuwi na agad ako

J: ganon ba? Umuwi ka ng maayos beh ha nagaalala talaga ako sayo mahal kita

B: ah sige beh, mahal din kita

Sabi ko sa kaniya at pinatay niya na yung call

Gaya ng sabi ni jho nakauwi ako ng maayos sinalubong ako ng yakap ni mom

"Anak, san ka ba galing oh, kung hindi pa kita pinatawagan kay jhoana hindi ko malalaman kung nasan ka, gabi na oh" sabi ni mommy

"Ok lang ako mommy pasensya na po at ginabi ako nagpahangin lang po ako nung wala kayo ni dad" sabi ko sa kaniya

"Basta anak mag tetext ka kung nasan ka ha, kahit malaki ka na nagaalala pa din ako sayo, matulog ka na bei" sabi ni mom and I kiss her forehead at umakyat na ako pagpasok ko ng kwarto nakaramdam ako ng sakit ng ulo ko

"Ay anak nga pala bukas ha kailangan mo pumunta sa tita ella mo" sabi ni mommy ng madaan siya sa may pinto ko

"O-ok po" sabi ko at umalis na si mommy mas lalong sumakit yung ulo ko siguro kailangan ko lang ng pahinga

Kinabukasan...

Nakita kong gising na silang lahat

"Oh anak kain na" sabi ni dad and umupo ako sa upuan

"Kuya diba diyan ako? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni alicia

"Ay ano oo nga pala sorry" sabi ko kay alicia

HOPIA PAMILYA (ad,jb,jd)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz