H.P 12

393 9 0
                                    

Alicia

"Ma'am alicia, gising na daw po kayo nandito po si sir george sa baba pinapasabi ng mommy niyo po" sabi nung yaya and napamulat naman ako ng mata pag karinig ko sa pangalan ni kuya george

"A-ah s-susunod na po ako" sabi ko and inayos yung sarili ko

Bumaba na ako after non

"San si mom and dad po?" Tanong ko ng makababa ako

"Bibili lang daw po sila ng kulang na toilet trees nila babalik din daw po" sabi nung yaya

"Thank you po" sabi ko and pumunta na sa garden and I saw there kuya george

"Hi" sabi niya sa akin

"A-ahm hello p-po, ah kuya salamat nga pala doon sa bigay mong regalo sa akin" sabi ko sa kaniya

"Wala yon, n-nabasa mo ba?" Tanong niya sa akin, sasabihin ko ba yung totoo or wag hayss bahala na

"Ah oo nabasa ko naman p-pati yung last part" sabi ko and yumuko naman siya

"Ah sorry doon ko lang kasi na sabi sayo yung intention ko talaga, ok lang naman if ayaw mo kasi sino ba naman ako mas matanda nga naman ako sayo para namang kuya mo ako eh" sabi niya sa akin

"W-wala naman sigurong masama doon sa pag sasabi niyo ng nararamdaman niyo pero ano kasi baka isipin kasi ng iba na pumatol kayo sa mas bata sa inyo ng ilang taon" sabi ko naman

"T-tama ka, dapat talaga yung kasing edad ko yung mamahalin ko or kahit isang taon lang ang tanda ko pero ano sayo ako nahulog eh, ok lang tanggap ko naman na ayaw mo a-ah sige" sabi niya and dumaan sa siya may gilid ko, huminga ako ng malalim sabihin ko na ba hays

"Sandali kuya" sabi ko at humarap sa kaniya humarap din siya sa akin

"Si kuya alam niya about sa diary na bigay mo sa akin and alam niya ding may gusto ka sa akin a-ang sakaniya lang pag nanligaw ka kailangan ipaalam mo kay kuya and kay mom and dad, sino ba naman siya para tanggihan niya yung pagmamahal na ibibigay mo sa akin kung sarili niyang kapatid di niya matiis na magmahal yung kapatid niya na mas matanda pa sa kaniya ng isang taon.

"Ha?" Sabi niya

"Pano kung sabihin ko sayong gusto din kita? Mapang asar kasi si kuya ayon nagkatotoo tuloy" sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya, lumapit naman siya

"So pwede kitang ligawan?" Sabi niya sa akin

"Pag iisipan ko" sabk ko at tumalikod sa kaniya, tas humarap agad

"Ok" maikling sabi ko sa kaniya

"Kakausapin ko mamaya si tito" sabi niya sa akin

"Bakit mamaya pa george eh nandito naman na ako ano ba yung pag uusapan natin? Tara sa office ko" sabi ni dad and ngiting ngiti, nagulat naman kami at nandoon na siya

"Sige po tito" sabi ni george and pinauna na siya ni dad

"Dad" sabi ko pero nag sign lang siya ng ok (A/N yung gantong ok ha 👌) sabay kindat, napailing na lang ako kay dad

George

Nandito ako sa office ni tito at mediyo kinakabahan ako pero ok lang

"So ano nga yung pag uusapan natin george?" Tanong ni tito sabay upo sa swivel chair niya

"Tito ano po kasi, sorry po tito kung nagkagusto ako sa bunso niyo" sabi ko kay tito tsaka yumuko

"Dati pa po akong may gusto sa kaniya pero hindi ko lang po maamin dahil bata pa siya noon tsaka mas matanda ako sa kaniya ng ilang taon, ok lang naman po kung hindi niyo po ako tanggap para sa kaniya pero gagawin ko po lahat para lang matanggap niyo ako papatunayan ko po yung sarili ko kung ano talaga yung intensiyon ko kay alicia" sabi ko kay tito

"Alam mo naman george na magkaibigan kami ng daddy mo at ayokong masira yon dahil lang sasaktan mo si alicia, nag iisang babae lang namin sa alicia at gagawin namin lahat ng kuya niya para protektahan siya sila mag ina ngayon sa palagay mo ba eh katanggap tanggap ka kung alam namin na lagi kang basagulero non?" Tanong ni tito

"Alam ko pong basag ulo ako nung mga highschool days ko pero po dahil po nagustuhan ko yung anak niyo pinilit kong magbago para may maiharap sa inyo at sa apelydo ni dad, hindi ko man po maipapangako na hindi ko siya masasaktan pero gagawin ko ang lahat para maiwasan yon kaya sana po tito eh matanggap niyo ako hindi man ngayon" sabi ko

"Alam mo ba george na hindi biro ang pumasok sa isang relasyon lalo na't mas bata sa yo ang anak ko kaya mo bang ihandle ang pag ka isip bata niya kahit paminsan or ang pagiging mainisin niya? Kaya mo bang intindihin siya kahit na ang kulit kulit niya ang gulo gulo niya? Kaya mo din ba siyang samahan sa mga problema niya at suportahan siya gaya ng ginagawa namin sa kaniya?" Tanong ni tito

"Opo tito ganyan naman po diba sa love kailangan mong suportahan kung ano yung gusto niya at kung saan siya masaya" sabi ko

"Well mukhang nagkakaintindihan naman tayo dito, hindi na kita iwewelcome sa family dahil noon palang eh pamilya ka nanamin kayo ng daddy mo at mommy mo sana lang tuparin mo yung sinabi mo at hindi lang puro salita hahaha, wag kang kabahan at kami lang to" sabi ni tito and offer his hand sa harap ko kinamayan ko naman si tito sabay ngiti

"Wag mo munang asawahin yung anak namin muna ha hahaha hindi pa tapos yan sa pag aaral" sabi ni tito natawa naman ako

"Makakaasa po kayo tito" sabi ko at tumayo na kami parehas, tsaka lumabas

"Dad ano" sabi ni alicia

"Nag kausap na kami ng KUYA george mo" sabi ni tito at diniinan yung salitang kuya

"Dad naman" sabi ni alicia

"Oh wala akong ginawa kinausap ko lang nagkaintindihan naman kami yun lang" sabi ni tito "diba george?"

"Opo tito, tama si tito alicia nag usap lang kami" sabi ko naman

"Halika nga dito" sabi ni tito and spread his arms

"Dad" sabi ni alicia

"Oh sige wala akong nakita" sabi ko na lang at tumalikod di ko na alam yung nangyari at pinaharap na din ako ni tito after non tas nag paalam na din ako kasi aalis pa kami ni mommy

HOPIA PAMILYA (ad,jb,jd)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon