CHAPTER 03:Decision

584 31 1
                                    

XYRENE'S POV

NAKATINGIN ako sa kanila habang sila naman ay puro iwas lang ang ginagawa. I'm still waiting for my dad and mom, they need to explain everything. Dati pa pala ako nabubuhay sa kasinungalingan. Pero sana huwag na nilang dagdagan ang kasalanan nila sa'kin, ayaw kona kasi sawang-sawa na ako.

Nakarinig naman ako nang busina, siguro ay nandito na sila. Sinalubong agad sila ni Vaeia Athena nang yakap, natawa naman si Mom and Dad. Kahit kailan talaga ay walang hiya ang babaeng ito. Umiling ako bago ako lumapit kay Dad and Mom.

Seryoso ko silang tiningnan, nakita ko ang paglunok ng mga immortal na iyon dahil siguro sa presensiya ko. Kumalma ako dahil baka sumabog ang mansion kapag lumabas ang apoy sa kamay ko.

"Why did you do that?" I asked him. He look so confused on what I've ask.

"What? What's wrong, Anak?" Tanong n'ya sa'kin at napatingin sa mga kasama namin.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Mom and Dad, ngayon alam ko na may tinatago sila sa'kin. Inis kong pinalutang ang babasaging vase at tinapon sa harapan ng mga immortal 'yon. Nakita ko ang paghawi ni Mom dun sa vase na iyon.

"What's wrong with—"

"T-tita.." Utal na sabi ni Vaeia at namamanghang tumingin kay Mom na hawak ang vase.

Sabagay ano pa bang aasahan kong reaksiyon nitong babaeng ito? Kahit yata batuhin ko siya ng lumulutang na bato ay iiwasan niya at mamamangha na naman. Bumuntong hininga ako at binaba ang kamay ko, ngayon ay alam ko na ang hindi nila dapat sabihin sa akin noon.

Seryoso ko na naman silang tiningnan, nakita ko ang paglunok ni Mom and Dad dahil sa tingin ko. Masama na ba ako? Kidding. Tiningnan ko muna sila nang mariin bago tumingin sa mga immortal.

"I'm not going with you." Seryoso at malamig kong sabi sa kanila. That's my decision and it's final.

Once I decide, it's final and you can't do anything about that. Tumayo naman 'yong nagpakilalang Zevy. Well, I don't know how to memorize names, but I can remember faces.

Tinaasan ko ito nang kaliwang kilay, inis n'ya akong tinitingnan at nakakuyom ang kamao. Kung hindi ako nagkakamali ay s'ya 'yong babae na muntik nang makasapol ng pana kay Vaeia Athena.

"T-talaga bang 'yan na ang desisyon mo?" Tanong niya sa akin, tumango lang ako bilang tugon bago umalis doon.

Bakit ba gusto nilang ibalik ako roon? Hindi ko alam pero inis na inis ako na 'yon ang gusto nilang mangyari. And I don't know why though pero isa lang ang gusto ko, ang hindi na bumalik roon kung saan man iyon.

VAEIA'S POV

Omygosh! I thought that Xyrene was just weird pero viola she's powerful pala. But why did I saw sadness at the same time anger on her eyes? Napatingala ako dahil sa pag-aakalang lalabas ang aking kaibigan sa kan'yang silid pero hindi talaga siya lumabas. Napabuntong hininga ako at tiningnan ang lahat.

Bumuga nang hangin si Zevy, ayon naalala ko siya. S'ya 'yong babaeng babato sa akin ng pana. Tiningnan ko ito nang masama kaya tumilapon ito, inis naman akong tiningnan nung Zystic.

"What the fuck?!"

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa taas, nandito na pala siya sa baba. Hindi ko napansin ang presensiya niya, tiningnan ako ni Xyrene ng isang malamig na tingin bago ngumisi ng malamig sa immortal na 'yon.

"I know you, Ms. Knights. Muntik mo nang mapatay ang kaibigan ko." Sabi niya kay Zevy dahilan para mapalunok 'to.

Gusto kong tumawa nang malakas kaso naalala ko na baka naiinis na si Xyrene sa akin dahil sa lakas ng boses ko sa isip niya, ang cool pa naman ng powers niya hihi.

"Vaeia and I, decided that we will come with you." Sabi ni Xyrene at iniwas na ang tingin kay Zevy.

Napaawang naman ang bibig nila dahil sa sinabi ng kaibigan ko, pero nagulat na lang kami ng makita kong binababa na ng mga maids iyong maleta ni Xyrene.

"...that's my final decision, and you can't do anything against it. Unless—"

"Sige, tara na!" Sigaw ko, bago ngumiti nang napakalapad. Ayaw ko kasing bawiin pa ni Xyrene ang sinabi n'ya masyadong nakakasira ng gabi.

Ngumisi siya sa akin, tumayo naman ang buong immortal na iyon. Lumabas na rin kami kasama namin ang parents ni Xyrene. Grabe ang galing!biruin mo iyon, may powers pala talaga ako akala ko kasi nababaliw lang ako.

Pumasok na kami sa isang sasakyan. Si Alas ang nagdra-drive kaya naman enjoy na enjoy kami dahil sa music dito sa sasakyan, except dito kay Xyrene na naka-earphone at paniguradong malakas na naman ang sounds nun. Nagbabasa lang ito at parang walang pakialam sa mga tao sa paligid n'ya.

Tumigil ito sa isang sobrang mahabang gold na daan at may black hole doon. Parang nagliwanag ang mata ko dahil sa nakita kong 'yon. Gusto ko na kaagad pumasok doon. Lalapit na sana ako doon pero hinawakan ni Xyrene ang kamay ko bago kami sabay na pumasok.

Nakakahilo. Nakakasuka. 'Yon agad ang naramdaman ko no'ng pumasok ako sa black hole na iyon. Nalaglag kami ni Xyrene sa isang bulaklakan, grabe ang ganda dito sobra.

"Ackk! Puta gano'n pa rin naman!" Sigaw ni Alas at sinamaan ng tingin si Shuji, napabungisngis na lang ako.

Ang ganda ng paligid, parang gusto ko na lang dito habang buhay. Tumingin ako kay Xyrene na ngayon ay nakatutok sa binabasa n'yang story. Wattpad na naman siguro.

"Let's go, pupunta na tayo sa academy." Sabi ni Zystic, kaya naman sumunod kami sa kan'ya.

Siya kasi ang parang pinaka-Superior dito sa team nila, sana lang ay hindi kami mapunta sa team nila. Nanggigigil kasi ako kay Zevy, ang sarap n'yang kalmutin.

"Did I choose the right decision?" Tanong sa akin ni Xyrene, ngumiti ako sakan'ya at hinawakan ang kamay n'ya.

Alam kong ayaw niya nito dahil corny daw pero siya naman ang corny. Gagawin ko pa rin para malaman n'ya na she did the right decision. Gusto ko tuloy tumawa nang tumawa habang tumatalon kami—bakit umabot dito imagination ko?!

Kunot noo naman akong tiningnan ni Xyrene, bago binawi ang kan'yang kamay sa akin. Ngumiwi ako sakan'ya dahil sa ginawa n'ya. Kahit na alam ko naman na ganun na talaga ang ugali n'ya.

"Yes, you did." Sabi ko at ngumiti sakan'ya at nag-thumbs up.

She just shook her head slowly, and suddenly smiled a bit. Ngayon ko lang nakita iyon, kaya naman naiyak ako at niyakap siya.

"Ang oa mo naman." Malamig n'yang sabi kaya natawa ako.

AwakenLune

Flamenal Academy (UNDER REVISIONS)Where stories live. Discover now