CHAPTER 22:Their Paths

300 17 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

NGAYON ang araw na nasa mundo na ng mga tao ang royalties,ang taon kong saan hindi pa ni Xyrene natutuklasan ang kapangyarihan niya. Ang taon na kong saan maayos pa ang lahat,walang bakas na pangamba ang dalawang mundo. Naglalakad si Zellish Artheus sa mall,hindi niya alam kong nasaan ang iba niyang kasama dahil nagkahiwalay-hiwalay na sila.

Bigla naman siyang may babaeng nabangga,napamaang siya ng makilala niya ang babae. It's Xyrene Xiang Moon,ngunit hindi na siya dapat magsalita pa. Dahil baka mabulilyaso ang plano nila,hindi dapat sila makilala ni Xyrene Xiang Moon.

"Miss?"tawag sakanya ni Xyrene Xiang Moon,pero tinalikudan lang ito ni Zellish Artheus bago kinontak ang kanyang kuya na si Zystic Artheus.

Nakalimutan niya,wala nga palang cellphone si Zystic Artheus dahil hindi nito alam kong paano gamitin ang cellphone sa normal na mundo. She rolled her eyes,lahat ng kalalakihan ay pinipicturan siya pero hindi niya iyon pinapansin,kailangan niyang makita ang kapatid niya pati ang iba pa niyang kasama.

Si Xyrene naman ay nawiwirduhan sa mga nakakasalubong niya,dahil parang kilala na niya ang mga ito hindi niya lang alam kong sino sila. Pero ramdam ng puso niya na kilala niya ito,lalo na yung lalaking nakabangga niya kanina.

"Hey,Xy."sabi ni Vaeia Athena,ngayon lang niya ulit nakita ang dalaga kaya naman niyakap niya ito.

Nasaan nga ba ang kanyang kaibigan?Saan nga ba ito nagpunta?Bakit ganon siyang katagal na nawala?Tinapik niya ang likod ni Vaeia Athena,ngayon niya nakita ang pinagbago sa babaeng iyon. Mula sa pisikal at emosyonal na kilos.

Napatingin ito sa likod,duon niya nakita ang mga nakabangga niya kanina. Hindi niya alam pero gusto niyang yakapin ang lalaking kasama ni Vaeia Athena,naaalala niya ang mukha ngunit hindi ang pangalan.

"Sino sila?"tanong ni Xyrene kay Vaeia Athena.

"K-Kaibigan ko s-sila,galing japan."sabi ni Vaeia Athena habang nakayuko. Halatang nagsisinungaling siya,tiningnan ni Xyrene Xiang ang mga iyon.

"Kon'nichiwa."(Hello.)sabi ng dalaga at nagbow pa.

"Hello."sabi naman ni Zystic Artheus.

"A-Ah,Xy. This is Zystic and Zellish Artheus,t-the artheus sibling. P-Pinsan ko sila."sabi ni Vaeia Athena.

"Hi,ako si Xyrene. Kaibigan ko si Hakrius,ngayon ko lang nalaman na may pinsan pala itong kaibigan ko."sabi ni Xyrene gamit ang sarkastiko nitong boses.

Napalunok naman si Vaeia Athena,pero ngumiti ito kay Xyrene Xiang. She's not a good liar,bumuntong hininga si Xyrene bago tinanggal ang sumbrero at facemask.

"Sa mansion,isama mo sila. Gusto ni Mommy na makilala ang mga pinsan mo."sabi ni Xyrene bago tinawagan ang butler niya.

Maya-maya pa ay may humintong van sa harapan nila,namamangha naman ang royalties dahil kahit na nakarating na sila dati pa sa normal na mundo ay hindi pa sila nakakasakay sa isang van,pumasok na sila duon.

Si Xyrene naman ay nag-oobserba kasi nararamdaman niya na sobrang lalakas ng presensya nila,pero alam niya..weird din siya dahil sa nararamdaman niya ngayon. Feeling niya kasi ang lakas lakas niya,may gustong lumabas sa katawan niya.

Maya-maya pa ay bumaba na sila,bumungad sakanila ang isang maganda at malaking-malaking bahay. Napakayaman nga ng itinakda sa mundo ng mga mortal,madami siyang kotse at motor iyon ang nakita nila ng makababa sila.

"Come in."malamig na sabi ni Xyrene,nagbow naman sakanya lahat ng butlers at yaya sa loob at labas ng mansion.

Pinaupo ni Xyrene ang mga bisita nila bago pinatawag ang kanyang mga magulang,napamaang sila sa nakita nila. Si Goddess Felicity at King Fernando iyon,kung ganon..iyan pala ang buhay niya kong hindi nagkawatak watak ang tatlong magkakapatid?na sina God Zacharious,Goddess Felicity at Goddess Maxine.

"Wow,are you here for you missions royalties?"tanong ni Goddess Felicity.

Napalunok silang lahat,hindi nila alam kong ano ang isasagot nila. Napatawa naman ng mahinhin si Goddess Felicity bago bumaba ng tuluyan sa hagdanan,bakas sa mata ng dalawang mag-asawa ng pagmamahal.

"The God's Favorite and the time traveller."sabi ni Xyrene,napamaang naman sila lalo.

Nabulilyaso na ang kanilang plano,iyon ang nasa isip ng royalties ngayon. Nakilala sila ni Xyrene Xiang,nakilala siya ng babaeng mahal niya.

"Ang totoo..lahat ng iyon ay gawa ko lamang."sabi ni King Fernando.

"Ilusyon lang iyon?!ganoon ba?!"galit na tanong ni Iori.

"Yes,Kid. Gusto ko kasi malaman kong anong magiging hakbang niyo para makuha at maibalik ang anak ko."sabi ni Fernando at ngumiti kay Zystic Artheus.

"You can have her now,Royalties. Babalik nadin kami sa mundong iyon."sabi ni Goddess Felicity.

Tumayo naman si Vaeia Athena bago niyakap si Goddess Felicity,hinampas naman ni Xyrene ang kanyang balikat dahilan para mapangiwi ito.

"Haha,tara na ulit. Pupunta tayo sa mall,bago tayo bumalik sa academia."sabi ni Xyrene.

SOMEONE'S POV

NAPAKAGANDA niya talaga,lalo na ang kanyang buhok. Kung hindi siya mapupunta saakin,anak niya nalamang ang aking kukuhanin. Ngumisi ako bago bumalik saaking mundo,ang mundo ng mga witches.

Ngayon nila malalaman kong sino ang bagong kalaban,at ako iyon. Ang anak niya ang ilalagay ko sa bitag na gagawin ko,hinding-hindi ko hahayaang makatakas siya sa bitag na gagawin ko.

"Evan,alam mo..dapat tumigil kana----"

"At sino ka pala diktahan ako?"tanong ko,hindi ko gusto ang kanyang pananalita ngayon saakin.

"Bata ang papatulan mo,at hindi ko gusto ang plano mo."sabi niya saakin bago lumabas.

THIRD PERSON'S POV

MASAYA silang lahat,lalo na at kasama nilang maibabalik sa mundo nila ang itinakda. Magkahawak ang kamay ni Zystic at Xyrene habang pabalik sila sa mansion nila,habang sweet na sweet silang dalawa. May dalawang tao naman na nagaasaran,habang naglalakad.

"Ano ba?!Vrix!"sigaw ni Zellish bago kinalabit ang kanyang kuya.

"Nah,tara na. Stop that childishness."sabi ni Deavana halatang inis na inis dahil nakaakbay sakanya si Kent Remaje.

Theid paths will be the most memorable paths,ayaw na nilang lahat magkahiwalay-hiwslay.

------------

err..puro kabitteran lang ang alam ng iba nating characters here,but malay niyo magwork yung ships niyo diba?hahahahaha.

^^,don't forget to vote.

Flamenal Academy (UNDER REVISIONS)Where stories live. Discover now