CHAPTER 20:Full Moon(2)

281 17 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

WALANG epekto ang mga combat skills ni Xyrene sa mga kalaban niya,si Zystic naman ay halatang nahihirapan na dahil natamaan din ito sa bandang dibdib. Kailangan na niyang tapusin ito,dahil kailangan siya ng lahat. Walang emosyon ang pinapakita niya ngayon,dahilan para maglaho ang mga kalaban niya na parang bula.

Tiningnan niya naman si Zystic,naghihingalo na ito ngayon kahit na natutulog ito ay nahihirapan talaga. Pininipigilan ni Xyrene ang paglagpas ng luha galing sa mata niya dahil sa labanan ngayon. Ayaw niyang matalo siya dahil lang sa may prinoprotektahan siya.

"U-Umalis kana."sabi ni Zystic habang nakahawak sa kamay ni Xyrene.

Tiningnan lamang ni Xyrene iyon at tinira ni Xyrene ng fire and air blades ang kalaban niya,dahilan para mamatay ito. Ngayon wala na siyang kalaban,gumawa si Xyrene ng barrier sa forbitten forest bago duon iteneleport ang mga kasama niyang royalties,at mga estudyante pati ang mga proffesors niya na sugatan na.

Hindi niya hahayaang may magbuwis ng buhay para sa kanya,ang gusto niya ay siya na ang lumaban bago siya mamatay. Hindi ang mamatay ng hindi lumalaban. Humalakhak naman ang dalawang bathala na kabababa lamang galing sa kalangitan.

Lumabas na si Xyrene,hindi niya kailangan maging mahina ngayon dahil lang sa mga taong may mahika. Hindi niya din kailangang umiyak,hinding-hindi niya kailangan yun.

"K-Kailangan nating tulungan si Xyrene."umiiyak na sabi ni Vaeia Athena,nakatulala lang ang lahat. Habang nakatingin sa labas,nasa isang malakas na malakas na barrier nga pala sila.

Kapag namatay si Xyrene,mamamatay din si Vaeia Athena dahil magkarugtong na ang kanilang buhay noon pa man. Kapag namatay ang isa,mawawala din ng parang hangin ang isa.

"She doesn't need us."sabi ni Deavana,nilalamon na ito ng galit.

At iyon ang gusto ng mga masasamang bathala,kukuhanin niya si Deavana para lang may maipanlaban sila kay Xyrene Xiang  at Xyrene Moon. Hinawakan ni Kent Remaje ang kanyang kamay,pero galit na galit talaga ang babaeng iyon.

XYRENE'S POV

TAKBO TAKBO yan lang ang ginagawa ko hanggang sa makalayo ako sa forbitten forest,ngayon nandito na ako sa harapan ng main campus kong saan lumalabas ang mga masasamang dragon. Nakangisi naman saakin si Goddess Maxine at God Zacharious. They doesn't deserve that throne.

Ngumisi din ako,bumaba na ang dalawa. Ginamitan nila ako ng combat skills nila,napapaatras na ako pero inalala ko si Xyrene Moon ang totoong nandito sa katawan kong ito,konti nalang at lalabas na siya.

"Hindi mo deserve ang pwestong iyan,Goddess."malamig na sabi ko habang nakatingin sa mata ni Goddess Maxine.

Binaril naman ako ni God Zacharious dahilan para mapaluhod ako,ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay ngayon nagsasalabasan na. Hindi kuna kaya,ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod.

Ngayon ko lang naramdaman ito,putangina kailangan ko ng matapos ito bago pa ako lamunin ng totoong may ari ng katawan ko. Malilintikan ako kay Goddess Zaichi,Goddess Kia at Goddess Saji kapag natalo ako duto at makuha ni Xyrene Moon ang katawan kong ito.

"Ano?kaya mo pa----"

"Ako na ang tatapos sakanya."

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa babaeng nagsalita,si Deavana. Putangina,anong nangyari?!bakit itim na itim ang mata niya?ha?!inis akong tumayo kahit na ang sakit ng pagkakabaril saakin.

"D-Deavana."sabi ko,tinaasan niya ako ng kaliwang kilay bago siya ngumisi at tinuhod ako.

Kanina pa nila tinitira ang tiyan ko ah,tangina lang. Inis kong sinipa siya dahilan para mapaatras siya,bago ako nagsummon ng pana at palaso. Ngayon ko malalaman kong kaya mong ilagan ang bawat palaso na papakawalan ko.

Tinutok ko kay Deavana ang palaso ko,bago iyon tinira. Shoot natamaan siya sa pisngi,ngumisi ako sakanya bakas sa mukha niya ang pagkairita,so..they're using my friend's weakness pwes ako ang magbabalik sakanya sa reyalidad.

"Yan lang ba ang kaya mo?"tanong niya saakin,lumulunok ito na para bang malapit na siyang matauhan.

"Ito lang ang kaya ko..para bumalik ka sa reyalidad..para bumalik ka sa Deavana na kilala ko nung unang araw ng pagkikita natin."sabi ko.

"TAPUSIN MUNA YAN!ANG HINA HINA MO!"sigaw ni Goddess Maxine.

Ngumisi ako bago ako ko tinira ang pangalawang palaso,nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Pero kailangan kong tapusin na ito,kailangang kailangan.

"Let me come in."

"Ako ang tatapos sa kanya."

"Xyrene Xiang."

Tuluyan na akong nawalan ng ulirat,si Xyrene Moon. Bumalik na siya,siya na ang may-ari ng katawan ko ngayon.

THIRD PERSON'S POV

UMIIYAK ang langit ngayon dahil sa pag-iyak din ng mga royalties,nawala si Deavana nilamon na ito ng galit niya. Tumayo si Zystic at Zellish,gusto nilang bumalik sa past. Kailangan nilang gawin iyon para walang madamay na iba,pero gagawin palang nila ang ritwal ng bigla silang lahat nahimatay.

"Isa kalang mababang uri,si Ina. Siya ang mas mataas."kalmadong sabi ni Xyrene Moon habang may naglalagablab na apoy sakanyang kamay.

Tama,siya ang may gawa ng pagsabog para makatulog ang mga inosenteng taong may mahika para hindi sila madamay kapag namatay si Xyrene Xiang at Xyrene Moon.

Lumapit si Xyrene Moon sa bathalang iyon,tiningnan ni Xyrene Moon ang dalawa gamit ang nagyeyelo niyang titig. Iyon ang pinakakinaayawan ng dalawa,ang titig na iyon. Na kaparehong-kapareho sa titig ni Goddess Felicity.

"Kayo ang nag-simula."

"..ako ang tatapos."sabi ni Xyrene Moon bago pumitik at sa isang iglap may dragon na sa likudan niya.

"Hindi mo naman kailangan maging masama,kailangan mo lang tanggapin ang pagkatalo mo. Matuto ka,ilugar mo ang sarili mo sa dapat mong paglagyan."malamig na sabi ng dalaga.

"Nagmamahal kana ba?!minamahal muna ba ang binatang iyon?!ha!katulad ka ng iyong ina!!hampaslupa!"sigaw ni God Zachaeious.

"Sa ating tatlo.."

"..kayo ang mahihina. Hindi niyo ginagamit ang puso niyo para ipaglaban ang gusto niyo,laging galit niyo ang pinapairal niyo."sabi ni Xyrene,ngayon lang nila naramdaman ang maguilty.

Lumapit pa si Xyrene Moon sa dalawa,ang dalawang bathala naman ay bakas ang takot at galit.

"Mamamatay muna ako.."

"..bago niyo madumihan ang paaralang ito. Gamit ang dugo ko."sabi ni Xyrene Moon,bago niya nilabas ang kanyang patalim.

The sword of realism.







Flamenal Academy (UNDER REVISIONS)Where stories live. Discover now