CHAPTER 05:Uniform

489 26 4
                                    

XYRENE'S POV

NAKATAYO sa harap ng sobrang laking salamin, tinitingnan ko ang sarili. Inayos ko ang salamin ko, ngayon lang ulit ako magsasalamin sumasakit kasi ang mata ko. Lumabas na si Vaeia Athena sa comfort room n'ya, kaya naman napatingin ako sakan'ya.

She's wearing white long polo, and above the knee fitted skirt. What the heck? Is this really a school or what? Ang ikli ng palda. Meron naman akong nakita na badge sa tabi ng uniform niya, it's a royalty badge.

Royaltious

Iyan ang nakalagay sa badge ni Vaeia Athena, medyo nagulat naman ako nang nagpitik pitik siya sa harapan ko dahilan para mabalik ang ulirat ko. Pumunta na ako sa loob ng Comfort rom, I'm still doubting if I'm going to wear that uniform.

"I can make it." Sabi ko at sinuot ang uniform pagkatapos ko maligo.

Nilugay ko ang basa at mahaba kong buhok,  bago ko ito sinuklayan buti naman at kumpleto ang gamit dito. Lumabas na ako, nakita ko kung paano umawang ang labi ni Vaeia Athena.

Hindi ko talaga alam kung kaibigan ko ba s'ya o hindi kasi naman ako maganda, tapos s'ya wala maganda rin. Binigyan ko siya ng blankong ekspresyon kaya naman napabalik siya sa ulirat.

"O-omygosh! Our uniform really suits for us." Sabi niya, binatukan ko siya dahilan para umaray siya.

Tumingin ako ulit sa salamin, may bangs pala ako. Bumuntong hininga ako bago brinaid ang aking buhok, sana lang ay bumagay sa akin.

Arthemis

Napatingin ako sa badge ko ng mag-ilaw ito, katulad din ng kay Vaeia Athena maya maya ay nandito na kami sa labas ng room namin. Umawang ang labi ko, naalala ko na 8:30AM ang start ng klase namin and we should not be late dahil iilaw daw ang badge namin.

"We're doomed, go to your class." Malamig na sabi ko kay Vaeia Athena, tumango ito kaya naman pumasok na ako sa class namin.

Napatingin sa akin ang lahat, damn. I can feel the awkwardness in this room, naglakad ako papunta sa unahan at inalis ang aking salamin. Bago tumango sa professor namin, ngumiti ito.

"I am Xyrene Xiang Moon, 17." Sabi ko at yumuko, nagpalakpakan naman ang lahat na ikinakunot ng noo ko.

Lumapit naman si Alas sa akin, bago ako hinila. Iyon pala ay magkaparehas kami ng badge, gold ito at kakaiba sa mga kaklase namin. Bumuntong hininga ako at malamig na tiningnan ang lahat, kaya ang maingay ay naging isang tahimik.

Iginaya ako ni Alas sa tabi ng kan'yang upuan dahil doon na lang ang natitira, umupo na ako doon at nakinig na lang sa Professor, though i don't know what she's saying.

Wala kasi akong maintindihan sa mga tinuturo niya, napatingin ako kay Alas nang kalabitin niya ako. I hissed dahil ngumuso siya sa harap ko, kaya naman natigilan din ako.

"Sa next subject na tayo, Xy."Sabi ni Alas, tumayo ako at naunang maglakad kaysa sa kaniya pero sinundan niya ako.

He looks like a tower, napangiti ako nung nakita ko kong gaano ako kaliit hanggang balikat niya lang ako. Pero sumeryoso ako ulit nang makita kong nakatingin siya saakin.

"Our uniform suits you." Sabi niya sa akin, tumango lang ako.

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi n'ya. Pumasok na kami sa classroom ng royaltious ang section ni Vaeia Athena. Nagulat naman ako ng bahagya nung mukha agad ni Vaeia Athena ang bumungad sa akin, nakasimangot ito.

"Bagay sa'yo yung uniform nila! Bakit sa akin daw ay hindi?!" Sabi niya sa akin, nangunot naman ang noo ko.

"And?" I asked her.

She looked at me with disbelief na parang ako ang pinaka-tangang tao na nakilala niya. Pinitik ko ang noo niya bago kami umupo. Sa tabi niya lang kasi ang may bakante kaya naman doon na lang ako umupo. Nakanguso pa rin siya, pero nagkagulo ang lahat nang pumasok ang iba pang royalties.

"Who's the new here?" Tanong ni Zystic, tumayo kami ni Vaeia Athena.

"I am also here, Kuya!"

Hindi na ako tumingin sa taong 'yon, wala naman akong pakialam kung sino siya. Bumuntong hininga ako bago umupo, ayaw na ayaw ko talaga sa tingin nila.

"Introduce." Sabi ni Zystic, I clinched my fist.

"Xyrene." Sabi ko bago tumingin na lang sa labas, ayaw na ayaw ko pa rin sa tingin nila.

"Vaeia Athena, 17." Sabi ni Vaeia gamit ang matamlay n'yang tono.

"Powers? Ms. Moon." Sabi ni Zystic, tumayo ako at inis na tumingin sa kanila.

"Ice." Sabi ko, bago umupo ulit.

"I'm a vampire, obviously I only have telekenesis and mind reading power." Sabi ni Vaeia Athena, that's savage though.

This uniform is so fucking annoying, I wanna kill the one who fucking made this. Ayaw ko sa sobrang ikli, sanay ako sa lampas tuhod. Siniko naman ako ni Vaeia Athena, dahilan para mapatingin ako sa kan'ya.

"What the fuck? This fucking uniform is so fit. Tangina." bulong ko, pinanlakihan n'ya naman ako ng mata. Pero ngumiti naman s'ya sa akin at ani mo ay kinikilig.

"Ang gwapo ni Alas, gusto ko tuloy s'yang jowain." Nakangusong sabi niya at pasimpleng tinuro si Alas na halos kaharapan lang namin.

"Kapag talaga sa gwapo ay malinaw ang mata mo. Magsulat ka na lang para makakopya ako." Malamig kong sabi, sumimangot lalo ito.

"Rhyme 'yon ah pero sige. Magpapa-good shot ako sa future asawa ko." Sabi niya at ngumisi.

I just hissed, wala talagang kamuwang-muwang si Alas sa pinagsasabi ni Vaeia Athena. Tumingin ako sa harap, nakita ko kung paano lumakad palapit sa akin si Shuji kaya naman nag-alab na naman ang galit ko.

Hindi ko alam kung bakit ako galit sa lalaking ito, all I want to do right now is to kill him. But my hand can't cooperate, I just froze when he handed me his jacket.

"I am—nevermind, just take it. Nangangalay na ako, Ms. Moon," Sabi n'ya sa akin, kinuha ko na iyon.

Ngayon ko lang naramdaman na may mantsa pala ang palda nito. I stood up kahit na makaagaw pa ako nang atensyon, I didn't give a damn. Nilagay ko na 'yon sa likod ng palda ko, dahil butas din pala ang banda sa binti ko.

I angrily look at the board, nagulat naman ang lahat nang biglang naging yelo ang board. Isang maling galaw ni Alas natunaw ang yelo, pero nasunog din ang board, dahilan para sumigaw si Professor.

What a nice day.

awakenlune

Flamenal Academy (UNDER REVISIONS)Where stories live. Discover now