CHAPTER 21:Full Moon(Final)

281 22 0
                                    

THIRD PERSON' POV

WALANG NAGBAGO sa reaksyon ni Xyrene Moon,nang-iinis padin ang ekspresyon niya. Tinutok niya ang patalim kay God Zacharious nanduon na naman ang takot sa mukha ng tatay ni Klyxx. Walang pagkakahawig sa ugali,iyan ang pumasok sa utak ni Xyrene Moon bago niya tinusok sa dibdib ni God Zacharious ang patalim.

Ang sword of realism,siya ang magbabalik saiyo sa nakaraan mo. Ang nakaraan mo na gusto munang kalimutan. Nakita ni God Zacharious si Goddess Felicity..ang batang Felicity habang inaalo siya. Lumapit siya duon,bakas padin ang sakit sa mukha niya dahil hanggang sa realism ay nakatarak padin ang patalim sakanyang dibdib.

"Tahan na kapatid ko,nandito na si Ate."sabi nang batang Felicity.

Bata palang ito ngunit bakas na agad ang kagandahan,nanduon din ang kabutihan niya. Hindi mapagkakailang umibig din ng palihim si God Zacharious sa kapatid,ng higit pa duon. Nalaman niya na anak pala ito ng ibang God kaya naman nagrebelde siya.

"Kapatid ko,mahal na mahal ka ni Ate."sabi ng dalaga bago nawala na ng tuluyan.

Duon niya lang nalaman,mahal na mahal pala siya ng kapatid. Nadala siya sa galit,nadala siya. Napaluhod si God Zacharious habang ang patalim ay nanatiling nakatarak sa dibdib niya,may pakpak na siya. Isang puting pakpak.

Umiiyak siya ng tahimik,dahil puro na sakit ang kanyang nararamdaman ngayon. Hindi niya naisip na mahal na mahal siya ng kapatid,ang gusto niyang makuha lamang ay ang libro.

"Bakit ka umiiyak?Kapatid ko."napatunghay si God Zacharious sa magandang babae na nasa harapan niya.

Goddess Felicity.

Niyakap ito ni God Zacharious ayaw niya nalang bumalik sa reyalidad,ang gusto niya nalang ay makasama ang kapatid. Ang kapatid niya na mahal na mahal siya,ang kapatid niya na gusto ay ang mapabuti siya.

"Patawad,Ate. Patawarin mo ako."umiiyak na sabi nito.

"Kahit hindi ka humingi nun ay napatawad na kita,sige na. Kailangan ka ni Xyrene Moon. Kailangan ka ng anak mo at anak ko."sabi ng babae.

Iyon na nga,nakabalik na ulit siya sa reyalidad,pinagaling siya ni Xyrene Moon. Takang-taka naman ang Goddess na si Maxine habang nakatingin sa pakpak ni God Zacharious,ang dating sobrang itim na pakpak ay naging isang purong puti na.

Nakalabas nadin sa barrier lahat ng taong may mahika bago sila pumunta sa main campus at nilabanan lahat nila ang masasamang magic users.

"Duon ka Klyxx!ibalik mo si Xyrene Xiang!"sigaw ni Zellish kay Klyxx,nataranta naman ang babae kaya naman tumakbo na ito.

Nang makapunta na siya duon,tila nawalan siya ng dugo. Tila huminto ang kanyang oras,dahil nakita niya. Nakilala na niya ang kanyang ama..si God Zacharious habang nakatingin ito sakanya.

Pero napasigaw ang lahat..tumama ang isang napakaitim na palaso sakanya dahilan para mapaluhod ito at umubo ng dugo. Pero nanlaki ang mata niya sa may gawa non,si Deavana habang hawak ang palaso at pana ni Xyrene Xiang.

"X-Xyrene!pamangkin ko!gamutin mo siya."sabi ni God Zacharious bago siya inihiga sa bisig nito.

"Wala na siya."malamig na sabi ni Xyrene Moon,bago niya tinira ng air powers niya si Deavana.

Walang bakas na kahit anong emosyon si Xyrene,ibang-iba sa Xyrene na nakilala nila. Mas malakas at nakakamatay ang aura ng babaeng kasama nila ngayon.

Nanginginig ang kamay nang dalagang si Deavana habang nakatingin sa katawan ni Klyxx na may nakatarak padin na palaso,hindi niya sinasadya iyon wala siyang kontrol sa katawan niya.

Tumakbo naman si Chester sa kinaroroonan ni Klyxx bago inalis ang palaso,bago niya ginamit ang mga malalakas niyang dahon para ipanggamot sa lason na nasa katawan ng kaibigan.

"Bumalik kana duon,huwag ka dito."sabi ni Xyrene bago siya tinulak si Deavana may malaking barrier na naman na humarang sakanila.

Wala na naman silang madadaanan dahil sa ginawang iyon ni Xyrene Moon,lahat sila ay nagrereklamo. Ngayon,hindi nakontrol ni Goddess Maxine ang kanyang sarili,pinaulanan niya ng kapangyarihan niya si Xyrene dahilan para mamatay ito sa isang iglap.

"A-Ako naman ang tatapos,X-Xyrene Moon."sabi ni Xyrene Xiang bago tumayo.

Lahat ay nagulat,kahit na may saksak ito ay nagawa padin niyang tumayo. Siya nga talaga ang magbabago sa lahat,siya ngayon ang isusulat sa history ng mga ito.

"Ipaglalaban ko silang lahat!"sigaw ni Xyrene Xiang bago siya sumugod sa babaenh iyon.

"Tulungan na natin sila,Saji."sabi ni Goddess Kia,pero umiling lamang si Supreme Goddess Artheia.

"Kailangan niyang matapos ito,gamit ang sarili niya."sabi ni Supreme Goddess Artheia bago tiningnan ang kanyang anak na nasa isang mabulaklak na himlayan.

Isa lang ang gusto nila para kay Xyrene Xiang,ang makatakas siya. Ang matapos niya ang labang ito,yun ang gusto nila para sa babae. Gusto nilang makita si Xyrene Xiang na maghirap bago siya makarating sa palasyo nang mga bathala.

"Tumigil kana!"sigaw ni Goddess Maxine bago niya tinusok ang patalim sa babaeng si Xyrene Xiang.

Pero tila walang naramdaman na kahit ano si Xyrene Xiang dahil hinawakan pa niya ang patalim,bago siya ngumiti kay Goddess Maxine. Ang ngiting iyon.

Nakatayo si Goddess Maxine sa isang tangkarahan,habang nakatingin siya sa batang si Felicity at sa batang siya. Hawak-hawak ng dalawa ang libro ng urilion.

"Kapatid ko,gusto ko ikaw ang magmana nito ah?alagaan mo din ang anak ko."sabi ni Goddess Felicity habang nakatingin sa kanyang lumulobong tiyan.

"Ate..mahal po kita ate,bumalik kana po."sabi ng batang si Maxine.

"Bawal akong bumalik sa tahanan nating mga bathala,hangga't hindi ko nakikita si Fernando."sabi ni Felicity.

"Ngunit----"

"Mahal na mahal ka ni Ate."sabi ni Felicity.

Ngayon niya lamang ito nakita,ngayon niya lang naalala. Mahal na mahal siya ni Felicity,kahit na anong kasamaan pa ang kanyang gawin. Dahil sa isang ngiting iyon..bumalik sa dati ang kanyang pakpak,ang kanyang kurona ay naging isang golden white at ang kanyang pakpak ay naging isang purong puti.

Ngunit makabalik man siya sa totoong mundo,hindi niya napatawad ang sarili niya. Pinasakitan niya ang anak ng kapatid niya na mahal na mahal siya. Pinakasakitan niya ang kanyang pamangkin.

"Xyrene!wake up xy!"sigaw ni Zystic habang hawak ang katawan ni Xyrene na ngayon ay wala ng buhay.

"K-Kuya huhu."umiiyak na sabi ni Zellish habang nakahawak naman sa likod ng kapatid niya.

"Babalik ka,Xyrene. Xyrene!mahal na mahal kita!"sigaw ni Zystic,it's unexpected confession.

Nakatingin sa langit si Zystic,tila nagdarasal na ibalik sakanya si Xyrene Xiang.

"Isa lang ang paraan.."sabi ni Goddess Maxine.

"Ano po?ano?!"sigaw ni Shuji habang nagtitiim bagang.

"Bumalik kayo sa nakaraan,balikan niyo ang panahon kong saan hindi niya pa kilala ang sarili niya. Ang panahon kong saan..kong saan hindi niya pa nadidiskubre na may kapangyarihan siya."sabi ni Goddess Maxine,tiningnan niya si Zystic at Zellish.

"..at kayong dalawa. Kayo ang magbabalik sa nakaraan niya."sabi ni Goddess Maxine.

"Sasama kami!"sabay-sabay na sigaw ng iba pang royalties.

"Kung gayon..humayo na kayo,bago pa maubos ang oras."sabi ni Goddess Maxine.

Flamenal Academy (UNDER REVISIONS)Where stories live. Discover now