CHAPTER 3

1K 70 3
                                    

Amery's Pov

Napakagat ako sa labi ko bago tumayo. Palakad-lakad lang ako sa sa living room. Gusto kong makausap ang asawa ko kuno.

"Ang tagal naman niya," maktol ko. Hindi parin ako mapakali, para kasing may mali. Sabi niya 6 pm uuwi siya pero, tangina 10 pm na.

"Oh gising ka pa?" Napalingon ako sa pinto, nakita ko siya roon. Nag-init bigla ang pisngi ko ng pasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Sheez manipis pa naman itong suot kong pantulog. "O kakauwi mo lang din?"

I frown. "H-ha?"

"Nevermind"

"K-kumain ka na ba?" Napatigil siya sa ginagawa niyang paghakbang papalapit sakin. Nakakagulat ba ang tinanong ko?

Biglang kumabog ang dibdib ko ng di na siya kumilos. What the hell! Mabilis akong napatakbo papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang braso niya. Napatitig siya sa sakin.

"Hey, are you okay?" agad kong tanong. Niyugyog ko siya ng malakas baka kasi kung ano na ang nangyari sa lalaking kaharap ko.

"A-amery ano ba nakain mo?"

"Ha? Di ba asawa kita? Bawal ba itanong 'yon sa'yo?" Ako naman ang nagtaka ng ngumiti siya. Mukhang nabaliw na.

"Hindi naman, nakakagulat lang."

"Can I hug you?" Ang gentleman naman niya, asawa ko siya pero pinagpapaalam pa niya ang ganong bagay. Ganon ba talaga ang mga nobleman kahit sa mga asawa nila?

I nod and spread my arms. "Of course, halika." Ako na ang humila sa kanya at yumakap. Baka kasi nag-away sila nung Amery at saka namiss niya ang yakap ng asawa. Ang sama naman niya kung hindi niya pagbibigyan, naawa tuloy ako kay Amery hayst. Maya maya ay naramdaman ko ang mariing pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"I wish ganito ka nalang palagi," pabulong na sabi niya nahihimigan  ko pa ang lungkot sa boses niya.

Why not? May karapatan naman siya dahil asawa siya. Napapanasin ko ring habang tumatagal ay lalong humihigpit ang yakap niya, para bang sinsulit niya kasi di na ulit mangyayari.

"Di ka ba kakain?" Basag ko sa katahimikan. Bahagyang ko siyang tinulak palayo, nakuha naman niya agad at kumalas sa yakap nagdadalawang-isip pa nga siya kung bibitaw ba siya o hindi.

"Sasamahan mo ako?" napangiti ako saka siya hinila papasok sa kusina. Pinaupo ko siya bago pinaghanda ng plato.

"Ano ginawa mo kanina?"

"Wala," tugon ko naman

"Wala?"

"Oo bukod sa walang magawa dito sa bahay ay wala na," sabi ko pa.

"Hindi ka lumabas para magliwaliw?"

"Hindi," tipid kong tugon.

Tss pano ako makakaalis sa mansyong ito, eh hindi ko nga alam pasikot-sikot dito. Hayst poor self. 

"Eh ikaw kamusta naman ang araw mo?"

"Bukod sa pagpunta ko sa palasyo ay wala na," sagot naman niya. Tinitigan ko siya ng maigi. 

Talaga lang huh?

"Tss wag mo ko tingnan ng ganyan, I didn't do anything." Matawa naman ako ng mahina dahil sa pagiging mataray niya. 

"Eh bakit ngayon ka lang, eh sabi mo 6pm ka uuwi. Hindi ko alam 10 pm pala sayo ang 6 pm," taas kilay na turan ko sa kanya. Natawa pa siya sa sinabi ko.

"Kailan ka pa naging bantay sa oras ko?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Bawal bang itanong 'yong mga gano'ng bagay sa asawa mo? Baka bawal talaga iyon sa mundo nila. Weird naman pag gano'n.

"Bawal ba 'yon itanong?" nagtatakang tanong ko. Umiling naman siya.

"Hindi naman nakakagulat lang yang mga tanong mo," sabi niya tapos ay tumingin ulit sa plato niya. 

San naman banda ang nakakagulat doon? Aisha bahala nga siya.

"Nga pala samahan mo naman ako bukas,"

"Saan naman?" tanong ko

"Sa bayan," tugon ko. Napatigil naman siya sa pagsubo tapos ay tumingin sakin tapos napaiwas din mayamaya.

"Hindi ako p'wede bukas eh." Bigla akong nalungkot sa tinugon niya.

"Gano'n ba? Okay." Marami lang siguro siyang trabaho sa palasyo.

"Sige mauuna na ako sayo, inaantok na ako eh." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadali na akong lumabas ng kusina at umakyat sa kwarto ko.

Hindi na muna ako matutulog na katabi siya, feeling ko maiilang lang ako o ang mas worst ay hindi ako makatulog.

Lumapit muna ako sa vanity table at tinanggal ang suot ko na earing bago sumampa sa kama. Wala naman akong ginawa buong maghapon pero ewan ko ba, bakit pagod na pagod  ako. Hayst what a day.

May nakabantay naman sa labas ng pinto ko, ayaw kasi ng mga maid na walang magbantay doon, kahit nga siguro ang ibaba ng veranda sa kwarto ko ay may nakabantay din. Parang paranoid ang mga tao dito.

Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng may kumatok sa pinto ko. Nagtataka man ay bumaba ako ng kama at binuksan ang pinto. Napasinghap ako ng makita ko ang Earl doon na may madilim na awra. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya nag-curtsy nalang ako.

"Ahm...may kailangan ka?" takang tanong ko

"WHAT THE HELL AMERY, HINDI ITO ANG KWARTO NATIN!" Napaigtad ako sa gulat dahil sa bigla niyang pagsigaw.

"BAKIT KA BA NANINIGAW HA,  GABING-GABI NA NAINGIISTUBO KA NANG TULOG NG IBA!" balik na sigaw ko. Napasabunot naman siya sa buhok niya bago niya ako tinulak papasok sabay pagpasok niya ang malakas na pagbagsak niya sa pinto. Sinamaan ko siya ng tingin

"What the heck ano ba problema mo!"

"Aish, tara na nga matulog na tayo," nakasimangot na saad niya bago umikot sa kabilang side ng kama at humiga. 

"Hoy! Aba't! Ano ginagawa mo r'yan!" Naiinis ko siyang nilapitan at hinila.

"Bumaba ka nga r'yan doon ka sa kwarto, wag dito."

"Come on wife, let's sleep" he sleepily said. Natahimik ako sandali habang tinititigan siya.

Shocks! I didn't see it coming.

He called me wife right? It feels really weird but...dang it, nakakatunaw din ng puso. Corny siya pakinggan but that is what I felt.

"Wife come here, I can't sleep." Tila hinila niya ako mula sa kumunoy.

"H-ha? D-diba hindi rito ang kwarto mo?"

"Tss and so what? I can't sleep," masungit na aniya. Napailing nalang ako.

"Come here please, I'm really tired... and I want to sleep," tinatap niya pa ang takbo niya. Ngayon ko lang na-realize nakared satin robe lang pala siya. Napalunok pa ako saka napaiwas ng tingin ng dumapo ang mata ko sa dibdib niya.

Uwaahh my innocent eyes!

Napasinghap ako ng biglang may humila sakin pahiga sa kama. Tumalbog pa ang katawan ko dahil sa lambot ng kama, tapos no'n ay binaon niya ako sa dibdib niya.

"Good night wife, I love you" mahinang sabi niya sabay halika kita sa noo. Napakagat ako sa labi ko ng biglang bumilis ang tibok ng puso.

Shit! Bawal yan hearty nang-aagaw tayo ng asawa

Napapikit pa ako ng mariin bago pinakalma ang nagwawalang sistema ko, at pinikit ang mata ko.

REINCARNATED AS LADY AMERY  [NOBLEMEN SERIES #3] (HIATUS)Where stories live. Discover now