Chapter 4

1K 77 4
                                    

Inayos ko ang pagkakalagay ng flower hairpin ko sa buhok, bago inayos ang damit kong medyo nalukot. Tinitigan ko muna ang sarili ko. My hazel brown long wavy hair, pointed nose, brilliant blue eyes, thin lips and white skin. Sobrang ganda ng katauhan ko ngayon. Tumaas naman ang tingin ko sa hair pin, naakit talaga ako sa ruby gems na nakadikit doon. Nakita ko lang to sa isa sa mga drawer sa vanity table, nakalagay ito sa isang  babasaging kahon na kurting puso. Halatang pinasadya siya, actually maraming ganito roon, but this caught my eyes. Wala sa sariling napahaplos ako sa hairpin pero may  something na kumuha ng atensyon ko.

Tingnan ko ang kamay ko. God may singsing na ako. Napakunot ako ng noo ng mapansin kong parang gawa sa salami ang bilog instead of metal. Mas lalo kong inilapit iyon sa mukha ko. Agad akong napatakip sa bibig ko ng mapansin kong may mga black diamond sa loob ng paligid ng singsing. Habang sa diamond naman na nasa gitna ay may amythest.

Gosh ganito ba talaga ang buhay ng noble woman? Nakakaloka.

Nakakatakot naman mahulog or matamaan man lang ng matigas na bagay ang singsing na 'to, baka mabasag eh, patay pa ako.

Tumayo nalang ako saka tingnan ang suot ko. Im wearing yellow long dress square neckline s'ya tapos naka-puff ang sleeves niya, may mga beads din itong disenyo so far ang ganda. Ito lang kasi ang  nakita ko sa closet na light dress. Pagkatapos kong titigan ang sarili ko ay lumabas ako ng kwarto.

Nagulat ako ng may nakita akong sampung katulong na nakaabang sa harapan pinto ko.

"Magandang araw, ano ginagawa niyo dito? May kailangan kayo?" Masiglang tanong ko. Nakatulala lang sila sakin nabalik lang sila sa realidad ng tumikhim ako. Sabay silang yumuko.

"Magandang araw binibini, hindi kami makapasok sa kwarto niyo dahil hindi namin mabuksan ang pinto pasensya na po binibini" nakayukong sabi ng nasa gitna. Nakasout siya ng maron mandarin collar long dress. Siya lang naiiba ng suot sakanila.

"Ahh ni-lock ko talaga 'yan, wag na kayong mag-aalala malinis na ang kwarto ko."

"My lady we're very sorry" I frown. Why they're saying sorry?

"Sorry para saan naman?" nagtataka kong tanong. May ginawa ba sila?

"Hindi kami nakapaghanda ng isusuot niyo. Wag niyo po sana isarang maigi ang pinto, pakiusap binibini." Napangiwi ako, parang yun lang.

"Wag kayo mag-aalala kaya ko naman ang sarili ko." Magaang sabi ko. Laglag panga akong umatras dahil sa biglang pagluhod nila sa isang tuhod. What the hell! I am not a saint for godness sake!

"Nakikiusap kami binibini, Hayaan mo pong gawin naming ang aming trabaho." Napakagat ako sa labi ko bago dahan-dahanng nagpakawala ng mabigat na buntonghininga.

"Sige bukas pasensya na rin sa inyo, siguro ay mag-aalala kayo, pasensya na."

"Binibini tayo na po papalitan natin ang suot ninyo." Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi nila bago ako umatras.

"Hindi na mas komportable na ako rito."

"Ngunit--" bago pa man nila matapos ang sasabihin ay kumaripas na ako ng  takbo.

"Sige gawin niyo na lang trabaho niyo, paalam" tumatakbong saad ko naririnig ko pa ang malakas nilang pagtawag sakin, di ko maiwasang mapahagikhik. Dumiretso ako ng kusina.

Feel ko kumain ng fried chicken pero mas feel ko ang sandwich.

"My lady, ano po ang ginagawa niya dito?" Tanong ng isang lalaki siya at ang head chef. Napatigil naman sa ginagawa ang mga kitchen staff. Mabilis silang yumuko.

REINCARNATED AS LADY AMERY  [NOBLEMEN SERIES #3] (HIATUS)Where stories live. Discover now