Chapter 5

1K 65 5
                                    

Itinaas ko ang hem ng damit ko habang maiangat na naglalakad. Marami akong nadadaanang mga bintana at mga knights. Wala sa sarili akong napatingin sa gilid ko bigla akong napatigil at napatitig sa lupang sakop ng mansyon. Woah anlaki pala ng lupain nila rito at saka marami rin akong nakikitang kabayo na kumakain ng mga damo. Napapikit ako at huminga ng malalim bago ngumiti. Gosh ang sarap dito, pinakiramdaman ko ng maigi ang paligid. Muntik pa akong mapitili ng may nagsalita sa tabi ko.

"Binibini." Marahas ko siyang nilingon. Diyos ko! Maglakaka-heart attack ako nito.

"Ano ka ba naman! Nakakagulat ka!" Sapo-sapo ko ang dibdib ko habang sinasabi iyon. Mas lalong bumaba ang pagkakayuko ng babaeng katulong.

"Pasensya na po, binibini" napa-irap nalang ako bago tumango.

"Oh s'ya, ano ba 'yon?"

"Ang Ginoo po ay naghihintay sa inyo sa labas,"

"Sino?" kunot noong tanong ko

"Ang mahal na Earl po." Napatango-tango naman ako sa sinagot niya

"Ahh bakit daw?"

"Hindi ko po alam, binibini" mabilis na tugon niya.

"Bakit siya andito? Wala ba siyang trabaho sa palasyo?" Hmm baka?

"Hindi ko po alam binibini" nakayukong tugon niya

"Bakit hindi mo alam?" Pigil tawang tanong ko.

"H-hindi ko rin a-alam" Hindi ko mapigilang humagalpak ng tawag habang tinititigan siyang nanginginig. Gano'n ba siya katakot na sagotin ang tanong ko. Nagtataka siyang tumingin sakin tapos ay unti-unti iyon napalitan ng pagkatulala. Tulala siya sa gandang taglay ko syempre joke lang 'yon, makapal mukha ko eh.

Nagpipigil tawa akong Napailing. "Look at your face, it's so priceless."

Ang tawa ko ay napalitan ng singhap at panlalaki ng mata nang makita kong may tumulong isang butil na tubig mula sa isang mata niya. Natataranta ko siyang nilapitan.

"Hala! Hala! Wag ka umiyak! Sorry, pasensya na. Wahhhh oh my goodness!" Hindi ko naman sinasadyang pagtripan siya eh.

" This is just a tears of joy my lady. I-I just can't believe it...d-did you laugh right?" napatigil siya saglit bago kumurap-kurap. "Or my eyes is just playing tricks on me."

Natawa naman ako ng mahina. "Ha? Ano bang masama sa tumawa? Exaggerated ka lang" naiiling na sabi ko bago pumuhit. Napanganga ako nang makita ko ang Earl. Nakasandal siya sa isang pilar paharap samin tapos mataman siyang nakatitig sakin na para bang tagos hanggang kaluluwa ko. Sumulyap siya saglit sa katulong bago sakin. Parang kailangan kong magpaliwanag, hayst. Namumulang umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ahm...kasi umiyak siya tapos...hindi ko naman sinasadya" kagat labing paliwanag ko. Tumaas naman ang kilay niyo.

"And?"

"Ahm...pinagtitripan ko lang naman siya ehh, hindi ko naman sinasadyang paiiyakin siya di--" nabitin ang sasabihin ko bago napakurap-kurap. Wala na sa likuran ko ang babae. 

"Ay nawala, asan na 'yon?" mahinang bulong ko. God, ba't naman niya ako iniwan sa lalaking 'to. Nagtatakang sumilip ako sa pasilyo at wala na rin doon ang mga knights. Humarap ulit sa Earl.

"Anyway, bakit ka nga ba nasa mansyon wala ka bang trabaho?" usisa ko

"Talaga bang paninindigan mo ang pagkawala mo ng ala-ala?" Naiiritang saad niya.

"Ano ba sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko siya maintindihan

"Really, wife? You don't have to pretend in front of me,"

"Kung wala ka naman palang magandang sasabihin umalis ka na lang!"

He's jaw clenched. "Then what? Makikipagkita ka sa lalaki mo?!"

"Ano ba! Hindi ko nga alam kung ano sinasabi mo!"

"Hindi mo ba siya namimiss? Sabi ng mga katulong ay hindi ka lumalabas ng mansyon?" Pang-uuyam niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Sa tono ng pananalita niyo ay parang sinasabi niyang malandi ako.

"Kung ganyan ka na rin naman pala, why can't we just file a prenuptial or ewan ko kung uso ba yon dito. Hindi 'yong binagbibintangan mo ko sa kasalanang hindi ko alam" mahinahon ngunit mariin kong sabi bago ako umalis. Dire-diretso lang ako sa kwarto ko at kumuha ng balabal saka lumabas. Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil mukha niya agad ang bumungad sakin. Haynaku lord magkaka-heart-attack ako sa lalaking 'to.

"What?" Naiinis na singahal ko bigla namang lumambot ang expresyon niya. Napaatras ako ng humakbang siya pero patuloy pa rin siya sa paghakbang kahit anong atras ko hanggang sa naramdaman ko ang pagtama ng kama sa paa ko. Napakagat ako sa labi ko shit wala na akong maatrasan, it means dead end ko na. Nanlaki ang mata ko ng itulak niya ako pahiga sa kama tapos ay pumatong siya sakin nakatukod pa ang dalawa niyang kamay sa bawat gilid ko bilang, suporta ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin ng titigan niya ako sa mata pilit naman niya iyong hinuli.

"A-ano ba, u-umalis ka nga sa i-ibabaw ko," kunwaring pagalit na asik ko. Unti-unti namang kumurba sa  isang pigil na ngiti sa mga labi niya.

"What?" Naiinis na singahal ko. Tss pinagtitripan niya ako.

He chuckled. "Why so grumpy wife?" 

I roll my eyes. "Ewan ko sa'yo." Gulo-gulo niya kanina galit na galit na halos gusto akong lapain well hindi namang talaga ganon ka galit but still binagbibintangan niya ako tapos gaganyan-ganyan siya.

"Forgive me, wife. Hindi ko lang matanggap na tinatawanan mo ang mga katulong o kaya nginingitian samantalang ako-nevermind" tila nagising siya sa mga unang sinabi niyo kaya agad niyang binawi. Napailing nalang ako.

"P'wede lumayo ka m-muna?" naiilang na saad ko.

"Forgive me first." May paawa face pa siyang nalalaman, hmp. Tinitigan ko siya ng mariin bago bumuntonghininga. Pasalamat s'ya at gwapo siya kung hindi, naku! Bahala talaga siya sa buhay niya.

"Oo na, kaya umalis ka na okay?" He grinned widely before niya tinawid ang distansya sa pagitan namin. Parang nablanko ako sa sunod na nangyari. Shit!

Ang lambot ng labi niya at saka ang tamis dahan-dahan niyang ginalaw ang mga labi niya. Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko at sinabayan ang galaw niya. His kisses from gentle to rough. I bit my lower lip when it went down to my neck. Bumibigat na rin ang paghinga ko, wala sa sariling napasabunot ako sa buhok niya.

"Fuck! Mali to!" Sigaw ng isipan ko tila nahila ako mula sa pagkakalunod sa sensasyon mabilis ko siyang tinulak.

The hell! What the fuck did I do?! Damn it Trexie!

REINCARNATED AS LADY AMERY  [NOBLEMEN SERIES #3] (HIATUS)Where stories live. Discover now