Chapter 10

953 59 10
                                    

Napatingala ako, hindi ko mapigilang mamangha. Goodness sobrang laki ng palasyo at ang ganda.

"Woah ang laki," bulong ko mabilis naman ako napalingon sa gilid ko dahil sa biglang paghawak ni Sevestian sa palad ko. He smiled tapos  isinabit ang braso ko sa naka-fold din niyang braso. Pumasok kami sa malaking pinto, sheez kahit siguro dalawampung tao p'wedeng pumasok ng sabay-sabay. Ganda din ng ng interior design, sinisigaw talaga ang pagiging isang maharlika.

"They're in the tea room, my lords, my lady" nakayukong salubong ng isang katulong na nakatayo malapit sa hagdanan. Tumango lang naman itong kasama ko habang tahimik lang nakasunod samin ang Baron. Tumigil kami sa isang pinto na may dalawang kawal na nakabantay, binuksan nila iyon isang nakapakaeleganteng lalaki agad ang bumungad sa paningin ko. May Asul itong buhok at may hawak na Baby habang may katabi itong magandang babae.

Napalingon ulit ako kay Sevestian yumuko siya kaya nag-curtsey na lang din ako.

"Greetings your highness" sabay na bigkas ni Sevestian at Zenith.

"Take your sits" utos ng Emperor napaangat naman ang ulo ko kay Sevestian. The hell, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko, ayokong magmukhang walang galang harapan ng mga taong ito.

"Shall we?" Aya ni Sevestian nagdadalawang isip pa akong tumango. Inalalayan niya akong umupo bago siya tumabi sa'kin, wala sa sarili akong napatingin sa katabi kong babae na nakatanaw sa labas ng bintana habang walang emosyon sa mukha. Napasinghap pa ako dahil sa biglang pagtingin niya sa'kin. Grabe parang may naalala ako sa kan'ya.

She glared at me. "What?"

Napangiwi naman ako. "N-nothing" sabay iwas ng tingin

"Staring is rude" asik pa niya

"You look familiar." Napataas naman siya ng kilay.

"What do you mean?"

"My instincts says you're familiar"

"Maybe because, we meet already, since we're the wives of these mens," saad niya well may point naman siya. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao na nasa paligid, may isang lalaking nakatitig lang sa'kin habang may isa namang pasulyap-sulyap naiilang ako. 

"Lady Amery" someone snapped sa gulat ko ay hindi ko na makontrol ang bibig ko.

"Yes your highness-ay sorry-I mean milord" parang gusto ko ng mahimatay sa kahihiyan. Shit, si Zenitu pala yong tumawag. Matagal na natahimik ang buong kwarto napatayo naman ako ng mabilis bago yumuko.

"I'm really sorry but I excuse myself" nakayukong saad ko at dali-daling umalis doon.

Agad akong napahawak sa pader, nanginginig ang tuhod ko at sumisikip na rin ang dibdib ko.

"Hey are you okay?" Napaangat naman ako ng ulo, iyong babaeng katabi ko kanina. Mas lalo ko pang diniin ang palad ko sa dibdib ko, hindi ko na rin masyadong maaninag ang nasa paligid ko, umiikot na ito.

"Hey take deep breath and exhale slowly" Nang hindi ko namamalayan sumusunod na pala ako sa sinabi niya. Pinaulit-ulit ko ang prosesong iyon hanggang sa unti-unti akong huminahon. Unti-unti na ring lumilinaw ang mga imahe sa paligid ko, agad akong napatingin sa babaeng tumulong sa'kin. I smiled at her

"Thanks" she just nod as a response saglit na tumahimik ang namayani samin bago niya iyon binasag.

"It's nothing but do you have chronic disease?" Napakunot naman ako ng noo in my previous life I'm hale and hearty, hindi rin naman siguro masakitin ang may-ari ng katawan na to even though this body is a bag of bones but hoping nadala ng kaluluwa ko ang pagiging malusog.

"Nope" yon na lang ang naitugon ko.

"You are?"

"Ack- er, Ianna."

I smiled sweetly. "Amery" tumango lang siya kaya ako naman ay napatanaw sa malayo. Whoa! Asul na Asul ang langit, matanaw mo rin dito ang mga mataas na bundok at matatayog na puno sa gubat.

"Grabe 'yong view dito lakas maka-korean drama" wala sa sariling bulong ko agad kong napatakip sa bibig ko.

"Korean drama?" Napalingon naman ako sa kan'ya bago napabuga ng hangin.

"Yeah, alam kong di ka maniniwala sa sasabihin ko pero" inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya "hindi ako originally taga-dito." Napakunot naman siya ng noo habang pagtataka naman sa expresyon niya.

"I mean yong kaluluwa ko. Isang araw bigla na lang akong nagising na woosh nasa ibabaw na ako ng kama kasama ang isang lalaking asawa ko raw" paliwanag ko

"Did you die in your previous life?"

"Wait, how did you know?" She shrugged her shoulder.

"I didn't die nag-suicide ako" mapait na saad ko natatakot ako sa tuwing lalabas ako ng bahay ang daming reporter, maraming mga text, calls accusing me. Hindi na kaya ng katawan ko, pagod na pagod na ako non at yon na lang ang naiisip ko na solusyon.

"May sayad ka pala sa utak" napamaang naman ako sa sinabi niya.

"Saang bahagi ka ba ng earth nakatira sa previous life mo?"

"States-wait bakit alam mo ang pangalan ng mundong pinanggalingan ko" She grin evilly

"Just a random guess" grabe naman siya manghula, tumpak na tumpak talaga?

"Ahh" yon na lang ang nasabi ko bago bumaling sa harapan.

"Stupid" marahas akong napabaling sa kan'ya.

"Hey I heard that!"

Mataray niya akong tiningnan sa mata. "Hindi ka naman siguro bingi"

"Hmph!"

"Oh andito lang pala kayo" sabay kaming napatingin sa likuran namin, it's Sevestian nakatitig lang siya sa'kin.

"Duchess Ianna, hinahanap ka na rin ng Duke" napasinghap ako sa sinabi niya bago napatingin sa babaeng kasama ko. Yumuko ako

"Yikes! OMG, Duchess pala siya?" bulong ko sa sarili ko.

Wala sa sariling napayuko ako ng ulo."Sorry hindi ko alam, patawad"

"Rise your head," napataas naman ako sa ulo ko she still looks indifferent, "It's nothing, can I visit you tomorrow."

I nod. "Sure"

"See yah" tumango naman ako at kumaway sa kan'ya bago hinarap si Sevestian.

He stared at me for a while before uttering a word. "You seems getting along with the Duchess." Napangiti naman ako saka napatango.

"Yeah, nagulat nga ako nang kinausap niya ako" mahinang tugon ko.

"She talked to you?"

"Uh-huh"

"For how long?" Kahit nagtataka ay sinagot ko na lang siya.

"Ahm mula no'ng nakarating ako dito." Tinitigan lang niya ako ng mataman, grabe ah kung makatitig parang gusto akong tunawin. Geez kailangan ko nga palang mag-sorry.

Tumikhim muna ako. "By the way I'm sorry kanina. Hindi naman ako magtatanim ng sama nang loob kung pagagalitan mo ako." Kinabahan ako bigla dahil matagal siyang hindi sumagot pero ang kabang iyon napalitan ng hindi mawaring nararamdaman dahil sa ngiting unti-unting bumuo sa labi ni Sevestian.

Whoa Asawa ko talaga to? Grabe kung alam ko lang na ganito pala ang kahahantongan ko sa huli, mas maaga sana ako nagpakamay.

"Lady Amery?" Sabay kaming napatingin sa gilid ko, isang babaeng may malaking ngiti sa labi habang nakatitig sa sa'kin...ay hindi mali sa lalaking nasa likuran ko. Pero hindi lumagpas sa paningin ko ang kakaibang ningning sa mga mata niya no'ng lumapat sa asawa ko. Pasimple kong humakbang sa harapan ni Sevestian dahilan para dumiretso ang tingin niya sa'kin.

Who is she? Hindi ko siya feel.

REINCARNATED AS LADY AMERY  [NOBLEMEN SERIES #3] (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon