Sa susunod na magkikita tayo,
Handa na ulit ako, pangako.
Sa susunod na magiging tayo,
Wala ng mga luhang tutulo.Sa susunod na hahawakan ko ulit ang kamay mo,
Pangalan na natin ulit ang nakasulat sa titulo na ating binuo.Sa salitang "TAYO" ay simbolo ng ikaw at ako.
Sa susunod na tayo,
Wala ng dahilan para ang TAYO ay maglaho.Wala ng mapapagod,
Wala nang sakit na hahagod.
Ang tayo na bukod
Ay ngayong tinatawag na 'BUOD'.Magiging masaya tayo ng wala ang isa't isa,
At ipagpapatuloy ang TAYO sa susunod na mga pahina.Pahimakas, Aking Dayang.
-DYLAN TRAVIS
From:BIW series, S1

YOU ARE READING
Linked Letters
PoetryBe acquit from the past. Let your today cast As if it will never last. Sula't Tula : contains compiled poems.