Seven Even (tagalog ver.)

4 1 0
                                        

Hindi ko inakalang makakaramdam ng pagiging ligtas
Bawat kataga ay parang si Balagtas kung ibigkas,
Anino ng nakaraan ay nalutas

At ang dating dilim
Ay aking nagiging lilim
Sa bawat hipit na sumasailalim

Bawat ilalathalang tula
Mga makatang salita ang nagmimistula
Sinaryo sa isip ay paulit-ulit na nagsasadula

Hunyo labing-tatlo
Mababang bilang pa sa sampu
Dahil ang bawat rason ay ang pito.

Linked LettersWhere stories live. Discover now