Anino ng dayang

3 0 0
                                        

Sisimulan ko sa panimula
Kung saan ang pangyayari ng ikaw at ako ay nagmula,
Marami ang tutol sa kung ano ang pagtingin ko sa 'yo
Mali naman daw kasi ito pero ako 'tong nagpupumilit na mapasaiyo

Ikaw ang unang nagtungo
At ako naman itong nakitungo,
Naging magkaibigan sa tuktok man o sa pinakamababa
Ang ugat ng pinagmulan ay lumago katulad ng puno,
Mabuting relasyon ay kasing puro ng buhanging pino

Gabi ay muling nagsisimulang tumiklop
Hahayaan ng araw na masinop,
Dadako sa tubig ng dalampasigan
Makikipagtanawan sa arawan nang masinagan

Tinanong kitang muli upang ako'y iyong maliwanagan
Gusto kong ako'y iyo nang bitawan,
Pagod na akong kumapit sa patalim
Masusugatan rin naman kahit hindi

Magbibigay ng pagibig ng palihim
Kahit alam kong hindi mo ito ibabalik,
Sinubukan ko naman talagang ilahad
Kaso ang takot at kaba ang unang lintik na pumipitik

Ani mo, hindi mo alam
Tanong ko, bakit hindi mo paliwanagan?
Sabi mo, mananatili ako sa tabi mo,
Iyon na naman ang katagang iyon
Pilit akong pinapasunod hanggang sa ako'y malunod

Simpleng pangungusap, hulog na naman ako
Anino mo lang naman ang sumasalo,
Sinuyod ang dalawang nangungusap na mga mata, tama ako mahal mo pa nga pala
Hangad ko na mahagkan mo kahit sa isang dampi ng hangin

Wala kang kahit na anong pagtingin
At ako 'yung naghihintay na iyong lingonin,
Sumugal ako sa lugar na alam kong ikasasaya mo
Kasama niya at hindi ako

Ako na ang naglakad palayo
Hinayaan kayo habang ako ay nanlulumo dahil talo na naman ang pagsamo,
Hiraya Manawari
Pero kahit kailan hindi nangyari

Bumalik ako sa apat na sulok ng silid
Tinanaw ko ang bawat gilid,
Wala na ang nananatili mong anino sa likod ng ilaw
Walang ikaw,
Tuluyan nang bumitaw.

Linked LettersWhere stories live. Discover now