Tanyag noon ang pagiging malumanay,
Hindi rin gaano kakulay ang dating masisilay,
Sinauna ay normal lamang na salaysay,
Ngunit paano ang makabagong henerasyon kung ang paliwanag namin ay wala nang saysay.
Para namang hindi ito pantay
Na kada kibit ng pagkakamali ayan na ang mga nagtataasang kilay,
Wala rin namang silbi kung susulat ng sanaysay
Dahil bawat sabi sa mga labi ay dapat na daw kaming masanay,
Ngunit paano? Kapag kami na ay nakahimlay?

YOU ARE READING
Linked Letters
PoetryBe acquit from the past. Let your today cast As if it will never last. Sula't Tula : contains compiled poems.