Sinaryo Sa Diyaryo

3 1 0
                                    

Uupo sa malambot na upuan
Pinakikiramdaman ang kapayapaan ng aking kabataan sa kapaligiran,
Pagbabasa sa isang mahabang papel ay sinimulan
Mga taong nagiiyakan sa loob ay nangangailangan.

Salitang 'tulong' ang sa aki'y bumungad
Bagyong pumalo sa kanila'y sumagad,
Inilipat sa kabilang pahina, ito rin ang sa kanila'y tumulad
Hindi malaman ang paraan kung paano uusad.

Naghahanap ng kalingap sa pagsisikap
Pamilyang nawalan ay lalong humirap,
Gustong tulong sa kanila'y hindi maiharap
Pagsulyap sa kan'yang mahal ang tanging nagawa ay kurap.

Sugat sa bawat puso'y patuloy humihilab
Butas sa damdamin ay sumiklab,
Hagulgol ang siya pa ring sisilab
At ang lahat ay hiram lang.

Walang magawa sa sakit na kumukurot
Ang tanging maipakita lang sa bawat mata ay lungkot,
Hinihiling na sana ngayong gabi ay magkaroon ng komportableng kumot.
Yayakapin kita sa susunod na sinaryo sa diyaryo ng saplot at doon wala nang kirot.

Linked LettersWhere stories live. Discover now