Mabigat ang loob ko nang pinagsilbihan ang donya kanina. Ilang beses akong nagkamali at hindi narinig ang mga utos niya kaya ilang beses ding napagalitan. At siguro dahil nasasanay na rin naman sa ugali nito kaya hindi ko naman dinaramdam.
Sa mga panahong down na down ako, si Aidan ang takbuhan ko. Isang yakap lang, isang I love you lang mula sa kanya ay agad aayos ang pakiramdam ko.
Kaya ngayong malayo ako sa kanya, at hindi rin pwedeng tawagan dahil nasa eskwela, pinagkasya ko ang sarili sa pagtingin sa mga pictures niya na nasa phone ko. Yakap ko ang sariling tuhod sa ibabaw ng kama at dahil mag-isa naman, hinayaan ko ang luha na malayang bumagsak.
Sa ibang pagkakataon, luha ito ng sobrang pagka-miss sa anak. Ngayon, alam kong luha ito para sa lahat ng insultong natanggap ko kay Janssen.
Ang kapal ng mukha niyang pagsalitaan ako! Nasaan ba siya sa walong taong paghihirap ko? Wala siyang alam kaya wala siyang karapatang husgahan ako.
Ni minsan hindi ako gumamit o lumapit sa kahit sinong lalaki para lang umangat ang buhay namin ni Aidan. Kahit sobrang hirap na! Dahil pinangako kong hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Kaya kong buhayin mag-isa ang anak ko at iyon ang pinatunayan ko.
Kung saan niya napulot ang mga impormasyong alam niya, na may boyfriend ako, hindi ko alam.
Buong linggong hindi nagpakita si Janssen sa mansyon. Hindi rin nagyaya ang donya na pumunta sa DSI, at isa iyon sa malaking pinagpapasalamat ko. Ayoko siyang harapin, hindi dahil takot ako kundi dahil alam kong hindi ko kakayaning magpanggap na ayos ako kahit hindi naman talaga.
Inilabas ni Jarreau ang donya ngayong araw kaya para kaming mga dagang nakalaya sa sobrang saya. Maghapon daw na ipapasyal iyon kaya matapos ang tanghalian, kanya kanya kami ng siesta.
Katatapos ko lang kausapin ang anak sa tawag. Dahil wala ang mga amo, malaya akong naupo sa magarbong sofa ng sala. May nakita akong isang magazine sa center table kaya iyon ang kinuha ko at balak pagkaabalahan.
Isa iyong sikat na magazine, may litrato ng artistang lalaki at dalawang mayamang businessmen bilang cover na kapwa mga pormal na pormal.
The Most Eligible Bachelors of the Generation.
Tumaas ang kilay ko sa nabasang pamagat at naintriga. Kinutuban ako na isa sa magkakapatid ang nakasama roon kaya may kopya sila nito.
At tama nga ako, pangalawang buklat ay nakita ko agad ang pangalan ni Jarreau. Nakalista doon ang tinapos niyang kurso, kung saang kolehiyo, ang posisyon sa DSI at ang hawak nitong pearl farm. Nakalahad din ang hilig nitong umakyat ng mga bundok, car and motorcycle race, at basketball.
Mas bata nga lang pala ng dalawang taon sa akin si Jarreau. At sa ganitong edad, malayo na ang narating niya. Hindi ko maiwasang mainggit. I remembered my twenty five year old self-- juggling my time between being a graduating nursing student, a virtual assistant at night and a struggling mother to a preschooler Aidan.
Wala akong ibang ginusto kundi ang magandang buhay para sa anak, at hindi ko iyon magagawa kung hindi ko paghihirapan ang edukasyon. May mga kaedaran akong naunang umangat at ayos lang iyon. Hindi ko dapat kaawaan ang sarili sa mga bagay na hindi ko pa nakakamit. At hindi dapat kainggitan o kainisan ang mga taong tinatamasa ang bunga ng pagsisikap nila at ng magulang.
No one life in this world is comparable to others... only relatable.
Inilipat ko ang pahina ng magazine at nagulat nang seryosong mukha ni Janssen suot ang itim na tuxedo ang tumambad sa akin. Siya ang nasa huli ng lista! Agad kong binasa ang write up tungkol sa kanya.
Holding a degree in Mining Engineering and a master's in Business Administration, Aurus Janssen Dela Siervo sits at the highest position in the Dela Siervo Inc. while managing to raise Janssen Mining, where he is the founder CEO, on top for the past four years. Beyond the boardroom, he is a car enthusiast, an equestrian and a yacht racer. But above all, like his brother Jarreau, it's not surprising that basketball is his first love as he stands six feet and three.

YOU ARE READING
Borrowed (Gold Digger Series #1)
General FictionPangarap ni Princess Malvar na makapangasawa ng mayaman para maipagamot ang lola niya at maipagpatuloy ang pag-aaral. Ayos lang kahit hindi gwapo, matalino o kahit hindi niya mahal. Ang mahalaga, mayaman. Kaya lang, kay Jan Reyes nahulog ang loob n...