Forty-second

4.7K 111 13
                                    

Narealize kong sa hinaba haba ng panahon, itong kakornihan niya ang hindi nagbago.

Hawak ko ang dried flower bouquet na bigay niya habang ang kamay naman niya ay nasa baywang ko. Naglalakad kami patungo sa cafeteria at nakakaagaw ng pansin ng staff at ilang bisita. Syempre nga naman, dahil sa hawak kong bulaklak at sa kagwapuhan ng lalaking kasama ko. Mala-artistang naligaw sa ospital kahit pa simpleng puting shirt at maong na pantalon ang suot.

Nakakuha kami ng mesa sa cafeteria. Saglit akong iniwan ni Janssen para umorder ng pagkain namn. Pagbalik niya, maliit na order number ang dala niya.

Maganda ang ngiti niya nang umupo katapat ko at ipinatong ang dalawang braso sa mesa.

"Alam mo bang ang ganda mo?" tanong niya.

Umirap ako para itago ang pagkaapekto. Natawa siya.

"Totoo! Bagay na bagay sa'yo ang uniform mo. Pangarap lang natin dati 'yan, 'di ba..."

"Hindi ko alam na pangarap mo rin palang maging nurse?"

Mayabang na ngisi ang ginawa niya.

"Oo naman. Pangarap ko ang kung anong pangarap ng prinsesa ko."

Umasim ang mukha ko sa tawag na iyon, naalala ang mga panahong una niya akong sinuyo.

"Tigilan mo nga ako. Hindi mo na ako madadaan diyan sa salita mo," pagwaksi ko sa mga sinabi niya at ibinaling sa bulaklak na nasa mesa ang atensyon. "At bakit ba ang hilig mong magbigay ng bulaklak? Sayang lang 'to."

"These are the things that I wanted to do before. I wanted to give you flowers, treat you out on an expensive dates, travel the world with you...but I failed because you don't want me to spend money for you."

"Kasi ang akala ko, ikaw si Janssen Reyes."

"Ako pa rin naman si Janssen Reyes. Think of Aissen as the improved version," pang uuto niya pa lalo. "Expect more of this in this lifetime, Princess. Humanda ka dahil araw araw kitang liligawan."

Habang tumatagal ang pag-uusap na ito, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Akala ko tapos na ako sa ganitong phase ng buhay ko. Akala ko hindi na ulit ako maaapektuhan ng mga lalaki.

Mali pala.

Hindi ako naaapektuhan sa iba dahil si Janssen lang ang may kakayahang gawin iyon sa akin.

"Puro ka kalokohan. Tingnan mo, iniwan mo pa si Aidan para lang pumunta rito."

"Nagpaalam ako sa anak natin. I got his approval and he's very supportive of this courtship," sagot niya.

"Tsk. Kahit na! Bakit ba parang hindi ka makapaghintay? Uuwi rin naman ako at...gabi gabi mo nga akong chinachansingan!"

"Anong chinachansingan? Yakap lang 'yon! Wala akong ibang hinahawakan. Saka na kapag sinagot mo na ako," depensa niya.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

Gusto ko ng sariling kwarto pero ayaw ni Aidan na ganoon ang mangyari. Gusto niya, tabi kami ng Papa niya. Siya ang nasunod.

Pero nagkasundo kami ni Janssen na magkaroon ng harang na mga unan sa pagitan namin. Bawal tumawid at tumabi. Ang problema, magigising na lang ako na nasa sahig na ang lahat ng unan at nasa likod ko si Janssen, yakap ako nang mahigpit habang tulog.

"Sa ibang kwarto muna ako mamaya. Kinakabahan ako sa'yo at diyan sa..." Ngumuso ako sa direksyon ng alaga niya.

Pinaningkitan niya ako ng mata at dahan dahan, inilapit nang kaunti ang mukha sa akin.

Borrowed (Gold Digger Series #1)Where stories live. Discover now