Prologue

324 15 0
                                    

Prologue

"Ahhh!" Malakas kong sigaw. "Jusko po! Bakit naman po kailangang ganito ang mangyari sa buhay ko?!" Sigaw ko pang muli. Napasalampak na lang ako sa lupa at mamasamasa ang mga mata akong tumingala sa kalangitan.

Mapait akong natawa sa aking naisip nang mapatingin sa buwan." Tignan mo nga naman kung gaano kadaya ang mundo. Buti pa ang buwan, sinasamahan siya ng mga bituin sa madilim na gabi, eh ako? Ito, palaging nag-iisa, palaging iniiwan, palaging nasasaktan.

Ano bang masama sa pangarap kong maging masaya?

Sa pangarap kong magkaroon ng pamilya?

Ang pangarap ko lang naman ay makatapos, pero bakit ako pinagtatawanan?

Palaging hinihila pababa?

Nakakapagod na! Nakakasawa!

Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang may nakita akong paru-parong kulay dilaw na papalapit sa gawi ko... pero bakit parang umiilaw?

Tsk! Napailing iling na lang ako. Mukhang sarili ko ang kailangan kong gamutin ah? Nasa harapan ko na ang paru-paro at lumilipad-lipad sa harap ko. Wala sa sarili akong napangiti.

"Masaya ba sa pinanggalingan mo?" Pagkausap ko sa paru-paro na para namang kaya ako nitong sagutin. "Sana mapunta na lang ako sa mundong kahit papaano ay tatanggapin ako." Muli akong tumingala sa langit nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Nangunot ang noo ko, kasabay nang pagpigil ko sa aking sarili na ‘wag tuluyang mapapikit. Sinubukan kong tumayo ngunit napaupo rin kaagad dahil sa panghihina ng aking mga binti. Ano’ng nangyayari sa akin?

Naramdaman ko ang unit-unting pagbagsak ng aking katawan sa malamig na lupa. Dahan-dahan akong nilalamon ng dilim, ngunit bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay may boses akong narinig.

"Kung iyan ang gusto mo, bakit hindi? Hoyaaa!" Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

NEW YOU (COMPLETED✔)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang