7

114 4 0
                                    

Halos hilingin ko na sana bumuka ang lupa at lunukin na lang ako,alam kong pulang pula ako ngayon dahil sa kahihiyan na dulot ko marami ang nasisitawanan at mas lalo akong kinain ng hiya ng unti unting lumapit sa akin ang hari't reyna,pinapangunahan ni Lenox ang paglapit sa akin

Nang tuluyan silang makalapit sa akin ay napalunok ako ng napalunok nakayuko ako napapout na lang

"Yashavellia anak ayos ka lang ba" si Reynang Rachel agad ang nagtanong

"Ha!?ina malamang ay hindi,ipinahiya mo lamang ang sarili mo!" Malakas nyang sigaw,hala bakit dito pa nya ako sesermonan sa harap ng madaming tao,inilapat nya ang kaniyang palad sa aking baba at itianaas iyon upang magharap kami,hindi ko maiwasan ang pamamasa nang aking mga mata,this is the worst day i ever had!

"Binbini anong kahihiyan ang idinulot mo sa iyong sarili" sarkastong saad nya,ouch naman,alam kong sinasadya nya ang padiin nya sa aking mukha

"Tigilan mo yan Lenox" maawtoridad na sambit ni Deryhm "babae pa rin iyan" tsaka nya ako marahas na binitawan

"Alam mo ba na sinira mo ang hapong ito!" Sigaw nya pang muli "at paano ka naka punta rito ha!,isang kahihiyan ang ginawa mo!-"

"Tulong!" Lahat kami ay agad na napalingon sa sumigaw

"Mga kamahalan!" Bakas mo ang hingal at pagod ng kawal na lumapit sa amin "labing dalawang bata ang nakakaramdam ng sobrang pananakit ng tiyan ngayon,buhat ng paginom nila ng inuming gawa sa ubas" nagmamandaling saad nya saka sya ng bow at nagmamandaling tumakbo kung nasaan ang mga bata,agaran naman na sumunod kami sa kawal at tunay nga ang sinabi nya

Kinakabahan ako,hindi para sa sarili ko kundi para sa mga magulang ng mga bata na iyon,halata na wala pa sila sa wastong gulang siguro ay may mga sa anim na taon na sila,kaawa-awa

"Ay sh-et!" Napatakip ako ng bibig sa malakas kong sigaw,nagulat naman kasi ako doon sa bata biglang sumaka at biglang nangisay

Teka?bakit ganoon? Sa pagkakaalam ko ay hindi ganoon ang epekto ng halaman na iyon? Hindi kaya pinalitan nila?

Ano ba yan! Sa Earth ang gulo gulo na pati rin pala dito

"Ano pa ang mga hinihintay ninyo! Tumawag kayo ng mga babaylan" nagagalit na sigaw ng hambog na prinsipe tsaka nya ibinaling sa akin ang kanyang tingin,sarkasto ko syang nginitian na dahilan ng pag irap nya sa akin

Maya maya pa ay nakarinig ako ng humahagugol,omg!

Nang nilingon ko iyon ay nakita ko ang isang ale na nakaluhod sa kanyang anak,kaya naman ay bahagya akong lumapit at tinignan iyon

Namumutla na ang bata at nagmamalibis ang mga luha ng kanyang ina

"Ang anak ko,sya na lamang ang natitira sa akin" umiiyak at mahinang sambit ng ale, sa totoo lamang ay naaawa ako at nadudurog sa aking mga nakikita ang bata ay nakahawak sa kanyang tiyan halata mo na ang sobrang sakit na nararamdaman nya kaya naman ay huminga ako ng malalim at nilibot ang tingin sa paligid ng may nakaagaw ng atensyon ko

Agad kong nilapitan ang kumukulong tubig at isinalin iyon sa malaking mangkok na katabi ng mga paso malapit sa lamesa tsaka ko hinatak ang tela na nakapatong sa ibabaw ng mga pasong wala namang laman

Pagkatapos kong kunin ang mga kailangan ko ay agad akong lumapit sa ale at lumuhod na rin,tinapik ko sya sa balikat para kunin ang kaniyang atensyon, nilingon nya ako,ang kanyang mga mata ay namamaga na

"Ale maaari bang itagilid mo ang iyong anak?" pagtatanong ko,bakas na naguguluhan sya ngunit ginawa nya pa din ang mga sinabi ko sa kanya

"Ngayon lamang kita nakita rito" saad nya, 'ako rin naman lahat kayo ngayon ko lang din nakita'-sambit ko na lang sa isip ko, tinanguan at nginitian ko na lamang sya

NEW YOU (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now