chapter 9

110 4 0
                                    

Nanlalaki pa rin ang mata ko at napapigil hininga,inipon ko ang lakas ng loob ko atsaka sya malakas na itinulak pero ang mokong nagteleport! sa kabilang sanga at tinawanan pa ako

Nakakuyukom ako at hinihinatay na baka bumalik sya rito pero hindi!sasapakin ko lang naman sya ah! prente syang nahiga sa kabilang sanga at inunan nya sariling braso,malalim na lang akong napabuntong hininga at sumandal sa puno,napatingin ako sa baba

"Ahh!" Ang taas sobra,sobrang taas ko,sa sobrang kaba ay napayakap ako sa puno,pero bakit pataas ako ng pataas,kahit medyo nalulula ay tinignan ko ang hambog na prinsipe,nakaupo na sya sa sanga ng puno at ng magtama ang paningin namin malademyo nya akong nginisihan,naluluha akong nagbawi ng tingin at iniiwas ang aking mata sa ibaba para hindi ako mas lalong matakot,mas lalong dumagundong ang kabang nararamdaman ko,kung kanina ay dahil sa gulat ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay ngayon ay dahil sa takot

Nanginginig ang kalamnan ko at mas lalo akong natakot ng may naramdaman akong mainit sa balikat ko,nasa araw na ba ako?

"Napaka duwag mo naman pala" napamulat ako ng marinig ang pinakaiinisan kong boses,nasa baba na ako!kaming dalawa,napapikit pikit pa ako at nakaramdam ng matinding hilo at ang huling nakita ko na lang ay sya at ang dumidilim na paligid










"Yashaaaaaaa!!!" agad akong napatayo sa gulat ng may tumili ng pangalan ko

"Manahimik ka Liah!" dinig ko pang suway sakanya

Nanlalabo pa ang paningin ko at unti unting naaninag sila,lahat sila ay matamis akong nginitian,inilibot ko ang tingin sa kanila

Himala? Wala yata dito yung hambog na prinsipe,napabuntong hininga na lang ako at nginitian rin sila

Letcheng Lenox yun,nawalan ako ng malay sa kalokohan nya

"Yashavellia" tawag sakin ni Ma'am Rachel,nilingon ko sya at ngumiti "ipagpaumanhin mo ang kalokohang ginawa saiyo ng aking anak" sinserong saad nya,napakamot batok na lang ako,napawalang hiya talaga,magulang pa ang humingi sa akin ng pasensya sa kalokohan nya

"Oo nga Yasha pasensya ka na ha,nagulat na lang ako kanina na biglang dumating si Lenox na buhat buhat ka" ang maingay na si Liah,ngumiti na lang ako dahilan rin ay wala akong masabi,napatingin na lang ako ng maramdaman ko gumalaw ang kabilang side ng kama ko

Si Deryhm

Sinenyasan nya ako na lumapit sa kanya't ginawa ko naman

Nang makalapit ako ay inilapit nya ang sarili sa akin,hindi ko alam ngunit nakaramdam na lang ako ng kakaibang kaba

"Makakauwi ka na sa mundo mo~" pakanta nyang bulong,napatango na lang ako

Makakauwi na daw ako-

Teka!

Nanlalaki ang mata kong tinignan muli sya ngunit sa paglingon ko ay si Windkhor na ang naroon,ang bilis naman nyang magteleport,nilapitan nya rin ako at hinawi pa ang ilang hibla ng buhok ko,awkward ko syang nginitian-

"Maaari bang huwag mong hawakan ang kaibigan ko Winkhor" mataray na suway nya sa kapatid at saka nya hinatak ito at sya ang naupo sa pwesto nya

"Ano naman ba ang masama roon ha?" Hindi sya nagpatinag,napapausog pa ako dahil inilalapit nya ang mukha nya para amuyin ang buhok ko

"May gusto ka ba sa kanya-"

"HUK" nabilaukan pa sya,napaismid naman ako,bat ganyan sya makareact maganda naman ako ah,diring diri?!

"Inaamoy lang gusto na sya?hindi ba pwedeng gusto ko lang ang amoy ng buhok nya?"tsaka nya inirapan ang kapatid at umalis sa tabi ko

Maya maya pa ay may tatlong kawal na pumasok sa loob, nag bow sila sa reyna't hari

NEW YOU (COMPLETED✔)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang