10

116 4 0
                                    

Nak nampucha,akala ko naman,ay war akong mapapanood between them

Ano kaya ang naramdaman ni Lenox?

Ang sad siguro?

'Sya ba ang sad o ikaw ang sad?'

Loh? Napailing iling ako

"Binibining Yasha,kamusta na ang iyong pakiramdam?" sinserong saad ni Winkhor habang palakad lakad sa pasilyo ng kwarto

"Maayos-"

"Hindi ka maayos!"mahisterikal na putol ni Liah,eto na naman ang maingay nyang bibig ay raradar na

Si Lenox naman ay halatang hanggang ngayon ay kinakausap pa rin ang mga magulang

"Masuwerte ka binibini at si Lenox ang kasama mo ng mangyari ang insidenteng iyon" bakas ang yabang sa tono ni Augustine

"Aba naman Gustine!marapat lamang ang ginawa ni Lenox,pagkat siya ang nagdala kay Yasha sa kagubatan ng Mariposa" sabad muli ni Liah

Napahawak naman sa baba nya si Windkhor

"Hmm...kataka taka,hindi ba't mabubuting nilalang lamang ang nakakapasok sa gubat ng Mariposa" aniya nya

Sarkasto akong natawa

"Peke yan,edi sana una sa lahat hindi na nakapasok don ang magaling mong kapatid"

Natawa ang dalawa sa sinabi ko

'BUGSH '

Biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok ng reynat hari at ni Lenox at Deryhm

"Yashavellia ikinagagalak namin na makita kang sa mabuting kalagayan" sambit ng ina nila,tumango at ngumiti lamang ako pagkat hindi ako makakibo dahil ramdam ko tensyon na dala ni Lenox

Wag ka po muna magtanong Ms Rachel baka mamaya eh bugahan ako ng napagaling nyong anak ng apoy

Akalain mo yun,wala man lang akong naitulong,perwisyo pa

Nakaupo silang dalawang magkapatid at halata rin ang bakas ng pagkainis sa mukha ni Lenox

Teka?nadaplisan sya diba?

"Ano ba't panay ang tingin mo sa akin" naiinis na sambit nya,nakita nya yon?napalobo ako ng pisngi

"Ah,yung mga sugat mo-"

"Nako!" nabigla ako sa pagputol ni Augustine sa akin,na naging dahilan rin upang makuha nya ang atensyon ng mga tao sa kwarto,well kami kami lang naman

"Delikado ka na binibini,kung ako sa iyo,hindi ko na lamang sya papansinin o hindi rin ako magaalala sakanya,pagkat maaring iba na paroonan niyan,at mas lalong magiging delikado pagkat hindi pa sya nakakaalis sa nakaraan nya kasama si Winona" may diing sambit nya dulo,natawa ang lahat sa kwarto maliban sa amin ni Lenox

Ang assuming naman nitong kapatid ni Lenox

'Ay hindi ba true?'

Damn!

Nasapok ko ang sarili kong ulo

Kunyaring hindi makapaniwala akong makatingin kay Augustine at umiling iling

"Ay,pinandidirihan mo ba ang aming kapatid?" Sa tanong na iyon ni Liah ay muli silang nagsitawa ngunit mas nangingibabaw ang magandang boses ni Deryhm na animoy,tuwang tuwa sa sinabi ng kapatid nya

Nang lingunin ko si Lenox ay nakasimangot sya,loh,magbubuga na ba sya ng apoy?

"Oh sya sya,tama na ang asaran at baka isa isa kayong bugahan ng napakakisig kong anak,at ikaw Yasha maiwan ka muna namin rito at ng makapag pahinga ka" saad ng ama nila

NEW YOU (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon