Chapter 4

138 9 0
                                    

Narito na kami ngayon sa may malaking pintuan na parang something maraming kawal ang nakapalibot roon,nagbow din sila ng makita si Ma'am Rachel, kung bibilangin ko nasa mahigit trenta ang mga kawal na nakabantay dito

ENKKKK

Biglang bumukas ang pinto or should I call giant gate,pumasok na si Ma'am Rachel, pagkatapos sumunod ako sa kanya nakita ko pa si Lenox na nakatayo sa gilid,pagkatapos ay sumunod na rin sya sa amin

Maya Maya pa ay huminto na kami sa isang pintuan,may nakalagay pa roong parang logo,half moon may naka ukit pang Ewan ko kung ano ang tawag

"Diwata Luna Aramis ang ibig sabihin nyan" biglang nagsalita si ma'am Rachel mukang nabasa nya ang expression ko

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng may biglang tumatawa,malamang ay galing na iyon sa loob ng kwarto,Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nagsitayuan ang balahibo ko

"Wag mong sabihing natatakot ka binibini" mahinang bulong sakin ng kumag-este prinsipe

"Maaari ka pang tumalikod kung Hindi mo kaya hija" kalmadong sabi ni ma'am Rachel, tinignan ko sya,walang reaksyon ang muka nya,umiling ako

"Kaya ko po" tipid akong ngumiti,kumompas pa si ma'am Rachel ng dahan dahang buksan ng kawal ang pintuan

"Hihintayin ka namin  hija wag ka magalala Hindi ka nya masasaktan wag mo lang alisin ang kwintas mo" tumango ako

Tinignan ko pa ang medyo nakaawang na bukas na pintuan

Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ang kamay ko,

Malamig naman

Gaga hambog ka lang kasi para tanggapin ito bubu

Dahan dahan akong pumasok sa kwarto,Hindi pa muli ako nakakahakbang ng biglang nagsara ang pinto

Nice one!

"Sinong nandyan!?" Biglang may sumigaw

Kaya mo yan Yasha!

Bumuntong hininga muna ako bago ako naglakad muli kung saan ko narinig ang boses

"Bago ka lang?ngayon lang kita nakita" iyon ang bumungad sa akin hinarap ko sya

Halos malaglag ang panga ko

Nakasuot sya ng maganda at maputing bistida na lagpas hanggang paa may design pa iyong moon,half moon,crescent moon,whole moon,lahat nang klase nga moon,bahagya pa iyong kumikinang,nakayapak lang sya halatang rin ang kinis at puti nya

Ano sabon mo beh?

Nakasuot pa sya ng flower crown na may paru-teka iyan yung itsura ng farfalla ah,kulay ginto rin iyon habang ang mga bulaklak naman ay kulay silver

"Hija maupo ka muna"biglang sabi nya,sinunod ko naman

Hmm...kanina galit ang tono nya,ngayon naman ay malambing

" nasaan ang pagkain ko?"pagkatapos ay matamis syang ngumiti,ngumiti rin ako sa kanya

Maya Maya pa ay may sumilay na kung ano sa labi nya

NEW YOU (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon