chapter 8

117 4 0
                                    

Lenox's POV

Narito ako ngayon sa aking silid at nagpapahangin sa teresa, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kanina, may katotohanan kaya ang isinaad ni Merliah sa aming paguusap kanina, totoo bang muli nyang nakita si Winona? Ang dati kong kasintahan?

Napabuntong hininga na lang ako tsaka muling nagsalin ng alak sa aking inuminan

"Mahal?mahal mo ako hindi ba?" Nagtataka man ako sa tanong nya ay ngumiti ako

"Syempre naman mahal ko" walang pagaalinlangan kong sagot

"Edi ang ibig mong sabihin ay tanggap mo ako sa kung sino man ako?" Natatawang tinanguan ko sya at binigyan ng halik sa kanyang pisngi

Sya ang pinakamamahal kong babae,Winona sya lamang ang babaeng nakapagpangiti sa akin ng ganito isa syang magandang dilag mayroon sya mga kulay berdeng mata, sya rin ay maputi,makinis at may maliit syang mga mata

Mahal na mahal ko sya, sya ang kauna-unahang babaeng naglakas loob na umamin na may nararamdaman sya sa akin

Napawi ako sa pagiisip ng biglang dumating si Windkhor, nakakunot ang noo nya at inakbayan ako

"Tigilan mo ang kakaisip sa inyong nakaraan kapatid,huwag mong kalimutan na niloko ka lang nya, pagkat ang nilalang na iyon ay hindi ka tunay na inibig" para akong sinaksak sa sinabi ng aking kapatid isang malakas na sampal iyon, mapait akong natawa at inisang lagok ang aking alak

"At saka nga pala Lenox nais mo bang sumama sa akin?"

"Saan?" tanong ko sakanya at naupo sa dulo ng aking kama

"Dalawin natin si Merliah ,nais ko rin makita ang kanyang kasama roon" napataas ang kilay kong tinignan sya at nginisihan

"Interesado ka ba sa dalagang iyon?" Deretsyang tanong ko

Nagkibit balikat sya "hindi ko masabi ngunit gusto ko sya hindi ngalang ako sigurado" sagot nya sa akin "e,ikaw ba may nais ka ba sa babaeng-"

"Nasisira na ba ang ulo mo,kahit kailan ay hindi ko magugustuhan iyon,hindi mo ba nakita kung paano nya ako sagutin?" putol ko sakanya ngunit ang nangaasar na tawa nya ang ibinigay nya sa akin

"Huwag kang magsalita ng tapos kapatid" aniya at tinapik ako sa balikat tsaka sya naglaho

Yasha's POV

Sa totoo lang ay hindi na ako natutuwa sa kung ano ako rito i mean this is not the place or world that should i have ever been problemada na ako sa mundong earth ganun din dito?

Eh bakit hindi na lang ako natigok?!

Padaskol akong umupo sa upuan kaharap ng mesa

Ano ito? Kinuha ko yun para tignan, ah kanin na color brown

Brown rice

Nagkibit balikat na lang ako tsaka ko iyon kinain ang weird nga eh may raisin na kasama doon sa kanin, ang sabi naman ni Liah kanina ah kainin ko ang nasa mesa-

'COUGH!' napaubo ubo pa ako dahil sa gulat ng sa paglingon ko ay makita ko ang kapatid ni Liah nanlalaki ang mata nyang nilapitan ako at marahas na kinuha ang mangkok na pinagkakainan ko

"MARLIAHHHH!!" halos mabingi ako sa pagsigaw nya kasabay na may nahulog na flower vase dahilan para mabasag iyon

Agad agad ay biglang dumating si Liah hinihingal pa sya

"Ano ba't sumisigaw ka ri-" napahinto sya sa kanyang sasabihin at nanlalaki ang mata nyang nakatingin sa mangkok na hawak ni Winkhor kaunti na lang ang laman non kasi kinain ko na

NEW YOU (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now