01|

20 8 0
                                    


Hinubad ko agad ang suot na knee long coat at sinukbit na lamang iyon sa braso.

Alas kwatro na ng hapon ng makarating ako sa Manila. Sobrang usok at polluted nga dito! Ang traffic pa at ang hassle.

Ngayon pa lang ay hindi ko na alam kung paano ko tatagalan ang lugar na ito. Ang init init pa at wala man lang puno sa kahit saan at puro building!

Nasa Manila na nga talaga ako!

I check my phone to take a grab. Gagastos muna ako ngayong araw at bukas ko na sisimulan ang pag titipid.

For now, kailangan ko ng apartment na matutuluyan. I can't stay here all night!

"Uhmm... Hi Miss".

Napatingin ako sa babaeng tumabi sa akin sa upuan sa terminal. Ngumiti ako sa kanya kahit hindi ko naman sya kilala.

"Ano po yun?" I asked politely

Ngumiti ito at tinignan ang phone ko. "Payo lang ha, muka ka kasing bago dito eh". Saad nya

Agad naman akong tumango dahil iyon talaga ang kailangan ko. Ang taga payo sa akin.

"Kung nasa public place ka lalo na dito sa Manila wag kang mag lalabas ng mamahaling gamit tulad nyang cellphone mo". Turo nito sa hawak kong iPhone

I nodded and immediately hid my phone in my bag.

"Pangalawa, ang wallet mo.... kung mag babayad ka bago ka lumabas ihiwalay mo ang mga barya sa buo lalo na ang mga cards mo dahil madaming snatcher dito".

Muli akong tumango. Madami pa syang sinabi sa akin na payo at tinandaan ko naman lahat iyon. I also asked her about the life here lalo na kapag bago ka at walang alam.

"Ah, ganun ba". She said ng ikwento ko sa kanya na galing ako ng Cebu and first time ko sa Manila, pero syempre hindi ko sinabing galing ako sa pamilya Montecarlo! Kilala pa naman iyon hanggang dito sabi ni Manang!

Hindi naman ako kilalang masyado dahil private lahat ng social media account ko, Kumbaga sa aming pamilya ay ako lang ang ayaw masyado sa tao pero may balak mag politics!

"Ah oo nga pala, ako si Freya.... ikaw?" Saad nito ng mag pakilala.

Agad ko namang inabot ang kamay nya at nakipag shake hands. "Zinovia Monte-I mean Zinovia Marquez"Pag papakilala ko. Ang apelyido ni Mommy nung dalaga sya ang gagamitin kong apelyido rito sa Manila. Kilala kasi ang angkan namin sa Cebu bilang business man and woman, Doctors and Politician.

At kung gusto ko ng tahimik na buhay at pansarili ay kailangan kong gamitin muna ang apelyido noon ni Mommy para hindi ako madaling makilala ng iba. Malamang kasi ay kapag nalaman nila na dad ko si Gov Montecarlo ay mag tatanong din sila, katulad na lang ng mga naging classmate ko sa Cebu.

"Sige Zin mauna na ako ha, nice meeting you again". Saad ni Ate Freya nang marinig ang go signal nito.

Paalis sya ng Pilipinas para mag trabaho sa ibang bansa bilang caregiver. Hindi daw kasi sapat ang sahod nya dito kaya napiling mag ibang  bansa kahit malayo sa pamilya.

Somehow I feel guilty, Sa mga taon na inuubos ko ang pera ko para sa mga hindi naman ganon kahalagang bagay ay ang iba ay nag hahanap ng pera para may mapakain sa pamilya.

Siguro ito na ang unang lesson ko for today.

-//-

"Ito yung apartment, may sarili naman na syang kontador at tubig, maliit lang yan pero may isang kwarto at banyo, may kusina na rin yan at maliit na salas".

Napatango ako sa land lady na nahanap kong apartment sa Quezon city.

Nakakapagod lang dahil dalawang oras akong nag hanap bago makakita ng talagang matutuluyan.

To be alone (Publish under Ukiyoto Publishing Inc)Where stories live. Discover now