03|

10 7 0
                                    


"Hays buhay!"

Napa-stretching na lang ako pag katapos mag laba ng damit.

Nakilaba lang ako kay Aling Beth dahil wala akong washing at hindi ko naman pwedeng bilhin lang basta yun dahil paubos na ang pera ko!

Nag advance kasi ako ng tatlong buwan na bayad sa rent at nag tabi ng pambayad sa tubig at ilaw.

Buti na nga lang at katabi lang ng apartment ko ang bahay nila Aling Beth! Gumamit na lang ako ng host para sa tubig at ng extension para sa saksakan ng Washing.

May sampayan din naman at may sarili akong hanger kaya hindi ko na kailangang mang hiram.

Nag paturo din ako kay Manang mag laba sa call. Buti nga at medyo fast learner ako.

Siguro ay sa susunod ay mag sisimula na akong bumili ng mga gamit na needs talaga sa araw-araw para naman hindi ako mahirapan. Sa ngayon tiis-tiis muna.

Nung webes kami huling nag kita ni Kenji, hindi din naman kami nag uusap sa text dahil hindi kami ganon ka close. Nag sabi na ito sa akin kahapon na bukas, lunes ay pwede na akong mag simula sa flower shop.

Na-meet ko naman na ang mom nya at mabait ito, ang sabi nya ay pwede daw ako mag trabaho doon habang wala akong pasok sa school. O kaya naman ay mag trabaho pa rin doon kahit may pasok na ako, kahit weekends lang daw.

Buti na nga lang at mabait ang mga nakilala ko rito kundi ay baka nung nakaraan pa ako bumalik sa Cebu!

"Kamusta ka naman dyan hija?"

Napangiti ako sa screen ng phone. Katatapos ko lang mag laba at tumawag si Mom sa akin para mangamusta.

"Okay lang po Mommy, na m-miss ko na kayo pero enjoy naman po ako dito! I met a good people and they help me to survive here". Pag mamalaki ko

Natawa naman si Mom pero kahit tinatawanan ako nito ay kita ko ang pag ka-proud nya sa akin.

Oh! How I love my mom! She's really understanding and caring.

"I'm so proud of your achievements anak, kahit maliit na bagay yan sa iba ay proud ako sayo dahil dalaga ka na talaga".

Natawa ako. In an hour of talking ay halos maluha na kaming dalawa! Sobrang babaw talaga ng luha ni Mom na namana ko din sa kanya.

Halos mag bigay pa ito ng speech sa akin eh! Pero syempre kahit gaano ko man kagusto na makipag usap pa ay kailangan ko ring gumalaw galaw!

I need to advance study too. Bawal ang stock knowledge dahil hindi mo naman masasabi kung hanggang kailan yang stocks na yan!

Nag research ako about sa political science na kursong kukunin ko. I want to advance my knowledge dahil alam kong hindi magiging madali ang college life ko. Isa pa ay para naman may pag kaabalahan din ako kapag break time sa trabaho.

-//-

"Good Morning po Ma'am".

Agad akong bumati kay Mrs. Fajardo/ Mom ni Kenji.

"Good morning din sayo hija". Magiliw itong bumati at nakipag beso pa.

Pag katapos ay tinanong nya ako tungkol sa pag hahalaman at mga bulaklak. Tinuro nya rin sa akin ang dapat kong gawin at mga magiging trabaho ko rito.

Buti na nga lang at nag aral akong mag halaman sa Cebu. Marunong din naman akong mag salansan ng bulaklak at magaan ang kamay ko.

"Sige, tapos ilagay mo yang ribbon na design". Turo nito sa pink na ribbon.

Pinag-try ako ni Ma'am na mag ayos ng bouquet ng pink roses. Tinuruan din ako nito ng technique para hindi mahirapan sa pag hahawak lalo na kapag wala kang katulong mag ayos.

To be alone (Publish under Ukiyoto Publishing Inc)Where stories live. Discover now