KABANATA 1

314 16 8
                                    


CHARIZEN'S POINT OF VIEW

"Chariz! San ka na?" rinig kong sigaw ng Papa ko mula sa pangalawang palapag ng bahay. Kung makasigaw naman si Papa akala mo naka-mikropono. Sakit kaya sa tenga!

"Bakit po?" Sagot ko agad habang nakatunganga sa selpon ko. Haynako, mga classmates ko sa Nursing, ang dadaldal! May maharot, may papansin, may tawa lang ng tawa tulad ko at may mga matatalino na talagang sa studies lang nag-aaral. Nakikitawa na rin ako sa kaeng-engan nila.

"Oh? Anong nangyayari sayo anak? Tumatawa ka mag-isa?" Tanong ni Papa pagbaba niya ng hagdan. "May boyfriend ka ano?" Tanong niya habang lumalapit para tingnan ang selpon ko.

Agad ko naman itinago.

"Wala nga Papa e. Walang nanliligaw." Tugon ko at itinuloy ang pagseselpon. Sumimangot ako nang nawala na ang nagcha-chat sa gc namin.

"Tigilan mo yan Chariz. Magsaing ka muna ng bigas." Utos niya at pumunta patungo sa labas. Maghapon na nang magluto ako ng bigas pero pinagpapatuloy ko parin ang pagseselpon.

Grabe! Nakakatawa yung mga klasmets kong eng-eng. Haysst! Dahil nursing ang kurso ko, puro kami mga babae sa section ko, yan tuloy ang dadaldal nila, di nako makasingit! Taga-react lng ako ng "HAHA".

Habang hinihintay ko ang pagkaluto ng bigas, nag-iimagine na naman 'tong utak ko ng kababawan...

May nakilala akong lalaki na kamukha ni James Reid at sobrang talino na katulad ni Albert Einstein. At isa siyang mafia boss. Sabi niya sakin...

"Baby let's talk..." Ang deep ng voice niya at sobrang gwapo kung dinggin, hindi lang pala gwapo, maskulado rin at sobrang nakakainlove.

"No, ayoko." pagmamatigas ko sabay halukipkip. Inirapan ko siya pero deep inside kinikilig ako. Sobra. Grabe ang deep talaga ng imagination ko.

He stood up and stood in front of me. He grabbed me by my waist as he pulled me closer to his hard body and I can feel his breath on my cheek. He started kissing me on the lips and---

"Hoy Chariz! Nasusunog na yung sinaing mo tapos tatayo-tayo ka lang diyan na parang estatwa? Ano ka, royal army? Gagalaw lang kung pagsasabihan?" Rinig kong pagputol ni tatay sa wild imagination ko.

"Tay naman! Nag-iimagine yung tao e!" Nakasimangot kong sabi sabay patay sa apoy ng sinasaing ko.

"Itong batang ito! Makakatikim ka na talaga sa akin!" Bulyaw ni Papa saka inayos yung lamesa para sa hapagkainan.

Napakunot ako. Itong si Papa, grabe tinalo pa ako sa pagiging babae. Ang linis niya at order na order ang paggalaw niya. Di ko nga alam kung lalaki ba siya o ano.

Nagbalik ulit ako sa pagseselpon at andami daming chat sa gc. Grabe! Nakakatamad magback read! Sa sobrang kadaldalan nila, natabunan na yung link ng lessons namin.

Natawa ako ng sobra sa sinesend ng mga klasmets ko. Kaya nakipagtawanan na rin ako para naman malibang. Naku naku, bakit ba kasi babae kaming lahat? May sampung gwapo sana para mas maganahan ako magchat.

"Nagseselpon ka na naman Chariz! Tapos na kami kumain pero selpon ka parin ng selpon! Kainin mo yang selpon mo at lumabas ka dito!" Sabi ni Papa at biglang itinuro yung pinto.

"Teka Papa! Palalayasin mo ako?" Tanong ko habang tinuturo ang sarili ko.

"Ang sabi ko, lumabas ka. Kung gusto mo, edi lumayas ka na rin. Selpon ka ng selpon. Asawahin mo selpon mo at pakasalan mo na rin. Bahala ka diyan! Matulog ka na rin kasama yan!" Bulyaw ni Papa at umakyat na sa pangalawang palapag ng bahay.

"Ah pinagalitan ni Papa..." Pang-aasar ng kapatid kong babae na nakababata sa akin.

"Che! Lumayas ka sa paningin ko!" Bulyaw ko sa kanya at umakyat agad siya sa hagdan kaya mag-isa akong nagse-selpon ulit sa ibaba. Ang hina naman ng cignal.

Haysst. Hindi naman sa lumayas ako pero lumabas ako ng bahay para humanap ng cignal. Parang kaya naman ni Papa na palayasin ako...

Lumabas ako at humahanap na naman ng cignal kasi ang boring ng walang ka-chat. Sana all may itsura para maraming magchat ano?

Nakahanap na ako ng signal ng biglang...

*----blag!*

"Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko ng biglang may tumigil na puting van sa harap ko at nilagyan ng sako ang mukha ko.

Nagpupumiglas ako pero parang imposible yata yun kasi parang limang tao na yung humahawak sa akin e.

"Pakawalan niyo ako mga pangit!!" Sigaw ko sabay suntok sa kanila at di ko namalayan na tumilapon yung selpon kong bago. Yung selpon ko!!!

Naiinis ako hindi dahil nakikidnap ako pero naiinis ako dahil tumilapon yung selpon ko. Wala ring nagsasalita sa kanila kahit mukha akong baliw na nagpupumiglas.

"Basta babae daw sabi ni Boss, okay lang." sabi ng isa sa mga kidnappers. Grabe! Basta babae daw? Mukha ba akong babae? Ahy este, babaeng babae ba ako sa itsura ko? Natawa ako bigla. Buti naman may nagsasabing babae rin ako.

"Papatayin nyo ba ako? Rerepin? Ipupunta sa auction? Tapos ibibili? Tapos bibilhin ako ng isang mayaman? Tapos maiinlab ako? Ganun ba? Ha?" Sabat ko. Ano ba yan! Impluwensiya ng wattpad at naging ganito tuloy ako.

"Daldal mo." Sabi ng isang kidnapper.

"Hindi ba yun totoo? Tapos aanakan niya ako? Tapos iiwan niya ako? Hahanap siya ng mas maganda at ipagpapalit niya ako? huhu..." Pagdra-drama ko. Sana maniwala na sila at ibaba ako.

Walang nang tumugon sa sinabi kaya buong lakas kong tinanggal ang sako sa ulo ko at akmang susuntukin ko sana ang kumidnap sa akin ng may napansin ako.

Lahat sila ay nakatingin sa akin...

At lahat sila....

lahat sila...

lahat sila ay GWAPO!

Omy Gesh!!! Mukha silang oppa. Siguro pito sila.

Imbes na matakot, kinilig tuloy ako. Ibinalik ko ang sako sa ulo ko at nagpretend na hinimatay.

Lord, kunin mo na ako. Basta may mga kasama akong gwapo...

CHOSEN BY THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now