KABANATA 2

172 11 4
                                    


CHARIZEN'S POV

"Saan na tayo mga pogs?" tanong ko sabay tanggal ng sako sa ulo ko sa mga katabi ko matapos ang ilang oras na nakaupong parang tanga sa kidnapper van na ito. Walang sumusumbat sa kanila at patuloy sa pagmamaneho yung kulay blond and buhok tapos katabi niya ang isang kulay red ang buhok. Yung buhok ng mga oppa sa Korea, parang ganoon yung mga buhok nila.

Sa totoo lang, nag-aalala na ako para sa sarili ko dahil parang hindi na yata normal itong nangyayari sa akin. Pakiramdam ko ay parang nananaginip ako ng gising.

At tsaka, baka hinahanap na ako nina Papa. Siguro naman ay hindi niya sineryoso ang pagpapalayas sa akin kasi hindi ko naman tinotoo.

"Naririnig niyo ba ako?" Tanong ko ulit na parang isang sirang plaka na salita ng salita. Ah sus! Siguro nahihiya itong mga ito sa akin.

Patuloy pa rin sa ginagawa yung poging drayber. Lumingon-lingon ako para tingnan ang mga kasama ko at katabi ko. Ahy... nice naman. Akala mo rainbow ang buhok.

"Ano kayo? Power rangers? Iba-iba kulay ng buhok ninyo ah!" Pangungulit ko sabay tawa na parang hindi ako nag-aalala. Imagine, nakidnap ako pero feeling close ako sa mga kidnapper na ito.

"Huwag ka ngang FC." Seryosong sinabi ng katabi ko sa kanan. Lumingon ako sa kanya at tumawa ng malakas.

"Ikaw ba si Midorima ng KNB? Grabe ang green ng buhok mo! Hahahaha!" Tawa ako ng tawa pero mukhang wala silang balak pansinin ako. Ni ngiti ay wala akong makita.

"Malapit na tayo." Sabi nung drayber at binilisan ang takbo ng van. Ngayon ko lang napansin na madilim paa sa labas.

Haynako. Kung tingnan mo yung drayber para lang siyang si Naruto. Natawa ulit ako.

Ewan ko ba pero nawawala bigla yung pag-aalala ko at parang close na close ako sa mga kidnapper na ito. Gwapo nga sila pero amboboring naman kausap.

"Seryoso na ako, saan ninyo ako dadalhin?" Tanong ko habang nakataas ang kilay kong kanan. Wala ulit tumugon.

Nakakainis na ang mga ito ah!

"Hoy tinatanong ko kayo! Matapos niyong kidnappin ang isang inosenteng babaeng walang kalaban-laban sa gilid ng isang kalsada, hindi ninyo sasagutin ang tanong niya kung bakit kayo nangingidnap tapos mukha pa kayong mga oppa tapos hindi niyo na pinapansin yung kinidnap niyo? Ang papangit ng ugali ninyo!" Bulyaw ko sa kanila na parang baliw.

Naghaharumentado na ako pero mukhang wala talaga silang balak pansinin ako. Eto na! Sisigaw na ako!

"AND I-----I-AY!!!🎶
WILL ALWAYS
LAB YOU🎶 WUUUU🎶!"

Yun na. Kumanta ako sa kataas-taasan ng boses ko dahilan para takpan nila mga tenga nila. Itutuloy ko sana yung kanta pero pinigilan ako ni Midorima este yung green ang buhok na katabi ko sa pamamagitan ng pagtampal sa bibig ko.

Aray! Sumakit yung lips ko dun.

Tumigil na ang van at binuksan ang pinto. Hinila ako ng isang kulay white ang buhok sa labas.

"Oi Dahan-dahan naman! Ang sakit ng kamay mo." Bulyaw ko dun sa lalaking yun at binitiwan niya ako. "Ano ba ito? Saan na tayo?" Tanong ko.

"Ang sakit sa tenga ng boses mo. Pumasok ka doon at huwag na huwag kang gumawa ng kahit anong katangahan naiintindihan mo?" Sabi ni Naruto sa akin este yung blond ang buhok na oppa. Kung magsalita naman siya akala mo boss.

"Akala ko isa kang oppa pero ang sarap mo palang oppa-kan sa mukha!" Sigaw ko sa kanya at magwa-walk out sana pero, mukhang hindi ko kabisado ang lugar na ito. Saan ba ito?

CHOSEN BY THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now