KABANATA 3

157 14 4
                                    


THIRD PERSON'S POV

Kanina pang madaling araw muling tumatayo ang boss ng Mafia habang nakatingin sa labas ng isang glass window.

Hindi maipinta sa mukha niya ang galit at pagkakadismaya matapos siyang matalo sa isang business alliance na pinagtatalunan niya sa isang mafia rin.

"Damn. I can't believe we lost just like that." Pagsambit niya sabay inom sa hawak niyang vodka. Pakiramdam niya ay natalo siya ng pagkalaki-laking halaga.

"O bad trip ka na naman boss---"

Hindi tinapos ng tauhan ang sasabihin niya ng biglang lumipad sa direksyon noya ang baso ng vodka. Inihagis pala iyon ng boss niya. Buti at nakailag pa siya bago mabasag ang kanyang ulo.

"Anong meron?" Tanong ng tauhan habang dahan-dahang lumalapit sa boss niya.

"Nothing." Simpleng sagot ng boss at umupo sa isang silya habang hinihilot ang kanyang ulo.

"Yung mga babae pala na inorder mo--este pinakuha mo, andiyan na sila." Pagkasabi ng tauhan sa boss, huminga siya ng malalim at umupo ng maayos sa silya.

"Ilan ang nandyan?" Tanong niya sa tauhan.

"22 boss. Mukhang marami kang pagpipilihan..." Sagot ng tauhan. "Hindi ba pwedeng pumili ka na lang ng isa at yun na yun." Pagsasambit ng tauhan na parang ni-didiscourage.

"Hindi basta basta ang pagpili ko sa babae, Narman." Sagot ni boss. "Hindi ako nangangailangan ng babaeng puro tahol, gusto ko ng babaeng may kagat."

Nagtabi ang noo ng tauhan na nagngangalang Narman, siya pala ang right hand man ng mafia boss.

"Hindi kita nagets. Anong ibig mong sabihin Michael? Nangangagat na babae?" Napakunot noo si Narman habang weird na nakatingin sa boss niya.

"Kung magbuntis man ang isang babae, hindi lang sa ganda dapat magaling pero sana, matapang at malakas rin para kaya niyang depensahan ang sarili sa mga kalaban." Ani ni Boss Michael Codeman sa kanya.

"Talaga lang. Lalo na't marami kang kalaban, baka ma-one shot, one kill lang yung magiging nanay ng anak mo." Pagsasabi niya sa boss kaya tumikhim siya.

"Kaya nga nagpapahanap ako ng mga babaeng malakas ang loob na depensahan ang sarili kung sakali man na mapili, hindi ko na kailangan na bigyan siya ng proteksyon. Ang kailangan ko lang ngayon,  ay mabigyan ng susunod na leader ang mafia ko." Seryoso niyang sambit kay Narman.

"Pakakasalan mo ba yung mapipili mo?" Tanong ni Narman habang nakataas ang isang kilay niya.

"Wala akong sinabi na magpapakasal ako. Yung mapipili ko ay magiging ina ng anak ko, wala nang iba dahile para ito sa grupo." Simpleng sagot ni Michael at tumayo. "Baba na. Ayoko magsayang ng oras."

Tumahimik na si Narman at tumayo na rin. Palabas sana siya ng pinto ng mapansin niyang hindi sumusunod ang boss niya.

"Mauna ka na at samahan mo si Adriel doon. Bababa ako mamaya." tugon ni Michael at umalis na si Narman.

Nag-iisa siya sa kwartong hindi masyadong maliwanag at naramdaman niyang sumasakit na naman ang bandang tiyan niya.

Maaari akong mamatay kahit anong oras sa mga darating na buwan. Kailangan ko ng papalit sa aking posisyon. Sabi niya sa isip niya habang nakahawak sa kanang bahagi ng tiyan niya. May problema sa kanyang liver kaya imbes na magpa-liver transplant siya, pinili niyang hintayun ang kamatayan niya.

CHOSEN BY THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now