KABANATA 4

125 11 2
                                    


CHARIZEN'S POV

Akala ko, katapusan na ng buhay ko nang bigla kaming pinaghihila ng mga kidnappers papunta sa isang kwartong naiiba sa lahat. Ang lawak ng kwarto tapos ang liwanag, para kaming nakapasok sa isang mundo ng hunger games. Maraming mga double deck na kama na iba't iba ang kulay.

"Mag-beauty sleep muna kayo, girls. Bukas, magsisimula ang pagsubok ninyo. Kung sinong matitira, siya ang panalo." Sabi ni Adriel habang nakatingin sa paligid.

"Matitira? Ano po ang ibig niyong sabihin sir?" Tanong ng isa sa mga babae na kasama ko. Hindi tuloy ako makasabat dahil sa scotch tape na nakadikit sa labi ko.

"Maglalaro kayo bukas. Larong babae. Kaya matulog kayo at magpahinga. Reserve your strength for tomorrow. Hindi simpleng pagsubok lang ang haharapin ninyo." Sagot ni Adriel sa nagtanong.

Ano ba yan... pagsubok daw? Ano ibig niyang sabihin sa pagsubok? Kailangan ba talaga ng lakas para diyan?

Tinanggal ko yung scotch tape sa bibig ko upang makahinga ng mabuti. Sa totoo lang, gusto ko nang umuwi. Hindi na talaga normal ang nangyayari sa akin.

"Laro lang ba? Madali yan." Sabi nung isang babae sa gilid na magaspang ang kilay at labi. Sa pagmumukha pa lang ay napapangitan na ako sa ugali niya. Sana may mahanap rin pala ako ng kaibigan no?

"Goodluck girls for tomorrow." Huling sambit ni Adriel bago sila lumabas ng kwarto na ito. Naiwan kaming mga babae na parang naikulong na ibon.

Natatawa ako sa itsura ko dahil parang ako lang ang OP dito. Ano ba kase, tingnan niyo, naghahanap na ng matutulugan yung mga babae na parang normal ang lahat.

Napayakap ako sa sarili ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Mukhang hindi na biro itong sitwasyong ito.

"Palabasin nyo ako!!! Gusto ko nang umuwi!!!" Sigaw ng isang babae habang pinapalagpag ang pinto na pinasukan namin kanina. Yung babae ay umiiyak habang sumisigaw ng tulong.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong rin ng isang babae na nakahandusay sa kama na napili niya. "Hindi ka makakalabas ng buhay kung sisigaw ka lang na parang tanga diyan."

"Sumama lang naman ako sa mga lalaking iyon kasi ibinayad ako ng tatay ko sa mga utang niya. Wala akong kasalanan dito!" Sagit nung babaeng umiiyak. "Gusto ko nang umuwi!"

Napatanong ako sa sarili ko. Bakit nga ba ang daming babae dito? Sa pagkakaalam ko, nakidnap ako at napasama sa mga gwapo dahil sa katangahan ko. Aning ibig sabihin ng babaeng ito na ibinayad sita ng tatay niya?

"Lahat tayo ay nandito dahil sa isang rason. Ako ay natalo sa isang casino at ako mismo ang bayad ng pagkatalo ko kaya nasama ako rito." Sagot naman nung babaeng nakahandusay sa kama.

Teka lang. Ano bang pinagsasabi nila?

"Ako nasama ako rito dahil tumakas ako ng kulungan. Ayokong makulong ulit kaya sumama na ako dito." Nagsalita ang isang babae na boy-cut ang buhok.

"Lahat ba tayo dito ay may atraso sa kanila o sa gobyerno?" Tumayo ang isang babae na kulay blonde ang buhok, seryoso ang pagtingin niya at ang tono ng boses niya.

Walang nagsalita. Nahihiya ako na magsabi ng sitwasyon ko kaya di ako nagsalita.

"Wala akong pakialam kung may atraso kayo o wala! Basta ako, uuwi ako!" Umiiyak na sagot ng umiiyak na babae habang sinusuntok ang pinto. "Palabasin nyo ako! Mga walang hiya kayo!"

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki na may hawak ng baril. Nakaitim ang lalaki at may itim na maskara na nakatakip sa mukha. Bigla niyang itinutok ang baril niya sa ulo nung babaeng umiiyak.

Teka lang, Anong ginagawa niya-- *bang!*

Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko akalaing makakita ng brutal na pagpatay sa harap ng mata ko. Yung dugo nung babaeng umiiyak, dumadaloy sa sahig habang nakalatag ang patay niyang katawan.

Napaluhod ako nang wala sa oras. Ang bilis ng kabog ng puso ko. Lumalabas na rin ang pawis ko habang nanginginig na nakatingin sa patay na katawan.

Yung mga babae sa kwarto ay napasigaw sa takot at yung iba ay nahimatay. Ako naman ay parang masusuka sa itsura ng bungo niyang sumabog. Tinakpan ko agad ang bibig ko at inalis ang tingin sa binaril na babae.

"Ayoko nang maingay. Kung gusto niyong mamatay katulad niya, sabihin nyo ngayon para tapusin ko na kayo." Sabi nung nakaitim na lalaki. "Order ni mafia boss na i-eliminate lahat ng babaeng maingay, hindi disiplinado at mahina. Isa siya ngayon sa mga taong yon." Sabay turo sa patay.

Pumasok ang dalawa pang nakaitim at inilagay sa itim na kahon ang namatay na babae. Pagkatapos ay pinupunasan na nila ang dugo na nagkalat sa sahig. Nakakasuka pero dahil isa akong nursing student, may pagkalakas ang tiyan ko sa mga bagay bagay na ganito. Hindi ako natatakot sa dugo at sa patay, aminado ako. Pero sadyang nakakadiri lang yung pagpatay sa babae at harap-harapan pa.

"Lahat ng mga babae na nandito ay may atraso sa mafia na ito at may kaso. Lahat ng nandito ay may sala kaya pare-pareho kayong dapat lang mamatay. Itong babae rito..." At itinuro ang itim na sako. "Pambayad siya sa utang at gagawin namin sa kanya ang gusto namin gawin. Kung papatayin namin siya ay gagawin namin dahil isa lang siyang pambayad."

Nawala yung pagiinarte ko at katangahan bigla. Nagagalit ako. Sobrang inis at poot ang nararamdaman ko habang nagsasalita yung walang kwentang nakaitim na iyon. Ako na bigla na lang nilang kinidnap ay walang kasalanan pero itong mga taong ito na inosente ay bigla bigla na lang nilang pinapatay. Nagagalit ako.

"Maghanda kayo bukas. Kung sinong hindi makakagawa ng pagsubok bukas ay magiging katulad ng patay na babaeng ito." Huling sabi nung lalaki at umalis na sila ng kwarto. Malinis ang sahig at wala nang ingay akong naririnig.

Dumako ako sa isang kama na bakante at umupo habang nakatingin sa paligid. Umiiyak yung ibamg babae ng tahimik at yung iba ay pinapaypayan ang mga nawalan malay.

"Unang beses mo ba makakita ng namatay sa harapan mo?" Nagulat ako sa tanong ng isang babae na biglang lumapit sa akin.

"S-Sino ka?" Nanginginig kong tanong.

"Ako si Luz. Ikaw?" Nakangiti niyang sagot.

"C-Charizen."

"Pano ka napunta dito Charizen?" Tanong niya sakin at umupo sa tabi ko. Maganda siya at medyo maiksi ang buhok. Matapang amg itsura niya pero natural na may ganda siya.

"Nakidnap ako sa gilud ng kalsada. H-Hindi ko inakala na may ganito dito." Sagot ko. "Ikaw? Pano ka napunta dito?"

"Nakapatay ako. Hinahabol rin ako ng mga pulis kaya sumama na ako dito." Sagot niya. "Kaya hindi na ako natatakot na may mamatay sa harapan ko dahil madungis na ako."

Umimik ako. Kriminal siya.

"Nakinap ka lang? Lahat kami dito ay kriminal at katulad nung pinatay kanina na pambayad sa utang. May ginawa ka ba para kidnapin ka?" Tanong niya na parang gulat na gulat.

"Sa pagkakaalam ko, naghanap lang ako ng signal." Sagot ko at humiga na sa kama. "Tapos andito na ako."

"Kawawa ka naman. Hindi ka dapat naisama sa mga katulad namin." Huminga siya ng malalim. "Lumapit ako sayo kasi gusto kong tanungin sana sayo to. Bakit ba tayo nandito?" Tanong niya at humiga sa tabi ko.

"Wala akong ideya. Basta ang gusto, maiganti ko yung babaeng pinatay kanina. Di ko siya kilala pero hinding-hindi hahayaan na may taong basta-basta na lang papatay ng mga inosente. Nagagalit ako." Sagot ko ng maalala ko ang nangyari kanina.

Wala silang karapatan na pumatay ng tao. Sino ba talaga sila?

"Nice meeting you Charizen. Goodluck bukas." Sabi ni Luz at umalis na.

***

CHOSEN BY THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now