KABANATA 5

159 12 7
                                    

Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko yung babaeng pinatay kanina. Hindi ako makatulog.

Yung silid na tinutuluyan namin ngayon ay madilim, walang kailaw-ilaw at tahimik. Lahat ng babaeng kasama ko ay tahimik matulog. Pati imahinasyon ko ay nawawala na rin pagtingin ko pa lang sa madilim na ceiling. Napakuyom ang kamao ko.

'Anong laro itong napasukan ko? Bakit ako nandito?' Tanong ko sa sarili ko. Gusto ko rin tumakas pero ayaw kong mamatay.

Akala ko ba sa wattpad lang to nangyayari? Bakit may bayolenteng pangyayari agad akong nasaksihan. Huminga ako ng malalim sabay lunok.

Bahala na bukas.

*

Bumukas ang ilaw, umaga na pala. Hindi parin ako nakatulog ng mahimbing dahil sa panaginip kong masama. Tungkol iyon sa babaeng binaril kagabi at ako daw iyon. Basa na pala ako sa sarili kong pawis.

"Wake up and prepare yourselves, girls." Bati ni Adriel pagbukas ng pinto. Yung mga gwapong tauhan nila pumasok rin, may dalang damit na kulay puti.

"Ito lahat ang damit niyo. Mag-ayos kayo at sisimulan natin ang pagsubok." Sabi nung isang oppa na kulay gray ang buhok sabay lagay ng damit sa sahig.

"Anong mangyayari kapag hindi namin makayanan ang pagsubok?" Tanong nang isang babae.

"May gusto lang kaming tingnan sa mga katawan ninyo at may gusto lang kaming i-confirm. Magbihis na kayo at kumain. Ang mahuhuli ay matutulad sa nangyari sa babae kagabi." Sabi ni Adriel at umalis na sila. Sa totoo lang, natakot ako doon.

Yung mga babae ay kanya-kanyang pumipili ng damit na puti. Ako naman ay mabilis na kumuha ng isang pares, puting pantalon at puting long-sleeve na walang kadise-disenyo. Hindi nagtagal, may nag-aaway.

"Akin to! Ito ang size ko!" Sabi nung isang medyo maarte.

"Mataba ka! Baka masira yan kapag sinuot mo!" Sigaw ng kaaway niya. Nag-aaway sila sa huling damit dahil wala daw kasya sa kanila. Yung isang maarte ay malaki ang harapan kaya mukha siyang mataba at yung isa naman ay payat.

"Huwag ka ngang feeling sexy! Akin ito!" singhal nang maarte sabay hila sa damit.

"Ang tapang mo ah!" sabi ng payat sabay sabunot sa maarte. Nagsasabunotan sila sa sahig habang nanonood lang kami.

Nang dahil lang sa damit, nag-aaway sila? Ano sila? High school?

"Tama na iyan, ito oh. Kakasya yan sayo." sabi nang isang babae, si Luz, yung lumapit sa akin kagabi. Ibinibigay niya ang sarili niyang damit para manahimik lang yung dalawa.

Tumigil yung dalawa sa pag-aaway at kinuha nung maarte and damit na binigay ni Luz.

"O everybody happy na hah. Wala nang mag-aaway. Kung gusto niyong maagang mamatay gawin niyo lang." Sabi ni Luz, yung sa tonong nakakatakot pero  nakahalf-smile.

Wala nang umimik at tumigil ang lahat. Buti naman at may Luz akong kilala. Peace maker na siya.

Isinuot namin lahat ang bawat damit namin, pagkatapos ay kumain sa inihanda nilang almusal na itlog, tinapay at tubig. Nagmukha tuloy kaming mga preso na nakaputi.

Tahimik kong tinapos ang pagkain ko at umupo sa isang gilid. Pinapanood ko na lang yung mga babae na may kaibigan na at may kausap. Sana all.

"Hi." Bati nang isang babae. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang babae na matangkad at maganda. Maamo ang kanyang mukha.

"H-Hello." Ngumiti ako.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin.

"Chariz. Ikaw?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CHOSEN BY THE MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now