P R O L O U G E

575 18 1
                                    

PROLOGUE

Ryzen's POV

• • • • •

Busy ako ngayong naglalaro sa phone ko no'ng may kumatok sa pintoan ko. Alam kong si Mom ito kaya sinigawan kong pumasok.

Bumukas ang pintoan at iniluwa nito si Mom na nakangiti sa aking malaki. Lumapit ito sa aking kinaruruonan kaya hininto ko naman ang aking ginagawa.

"Ryzen, anak, may sasabihin sana ako. Sana hindi ka mabibigla, ah?" panimula n'ya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Ano po iyon, Mom?" makuryusidad kong tanong sa kaniya.

"Ganito kasi iyon, may isang lalaki, isang lalaki na tanggap tayo. Mahal namin ang isa't-isa at napag-isipang magtanan kasama ka at nang dalawa niyang anak. Ayos lang ba sa iyo na may bagong daddy?" mahabang pahayag sa akin ni Mom na nagpatulala sa akin.

Di nag sink-in ang kanyang sinabi at pinag-isipan ko ng malalim. So, may bago na akong dad? Di na ako mangungulila ng ama?

"Y-Yes. Ayos lang sa akin, Mom," masaya kong pahayag at napayakap kay Mom ng mahigpit. "Salamat, mom. Gusto ko siyang makilala."

"Salamat, sweetie. Sa susunod na araw ay lilipat na tayo sa kanila. I'm sure magugustohan mo rin siya." masayang pahayag ni Mom na yumayakap sa akin pabalik.

"Ano pong pangalan n'ya? Tsaka may anak rin siya, right?" kumalas ako sa yakap namin at maligalig na tinanong iyan kay Mom.

"His name is Simon Paul Serrano. Yup, may anak rin siyang lalaki at babae. Ang pangalan naman nila ay Xavier and Sheena. I'm sure magkakasundo kayong tatlo kapag magkita na kayo." kwento ni Mom.

"Wow. Excited na po akong makilala sila. Matagal ko na pong gustong magkaroon ng kapatid, eh. Hehe."

"Good to know," ani Mom sa akin habang ginugulo n'ya ang buhok ko. "Well, have a good night. Bababa na ako at magpahinga. Sweet dreams, sweetie." huling sambit ni Mom at hinalikan ako sa noo.

"Good night, Mom." nakangiti kong pahayag sa kanya bago s'ya umalis at pinatay ang ilaw ng maliit na kwarto ko.































Itutuloy.....

My Step-Brother Owns Me [boyxboy]Onde histórias criam vida. Descubra agora