RYZEN SUDALGA [7]

516 9 7
                                    

CHAPTER VII

Ryzen's POV

• • • • •

Kasalukuyan kaming nandito sa boutique shop habang sumukat ng mga damit upang aming suotin sa magaganap na kasal nina Mom at Tito Simon sa susunod na linggo.

Nandito rin iyong si kuya Xander at nahihiya akong harapin siya. Imbitado rin siya sa kasal nila Tito Simon at nagsusukat rin ngayon ng masusuot na suit. Kaming dalawa naman ni Sheena ay nagtutulongan sa pag pili ng kanya-kanyang suotin.

"Ano, bagay ba sa akin?" agad na tanong sa akin ni Sheena nang makalabas siya sa dressing room.

Tinignan ko ang kabuohan n'ya at tumango rito. Lahat naman yata ng susuotin niya ay bagay talaga sa kanya.

"Okay. Powder blue na suit rin ang kunin mo, para matchy tayo. Gosh." excited na saad n'ya at hinila ako papunta doon sa designs ng mamahaling boutique na ito. May sumusunod sa aming babaeng nagta-trabaho do'n.

Nahihiya akong pumili kasi ang mamahal nila. Di ko nga alam kung gaano ka-yaman sila Tito Simon, eh. Shems.

May kinuha roong pares ng up and down na tuxedo si Sheena para sa akin. Ka-size ko rin iyon kaya agad n'ya akong itinulak sa dressing room na walang magagawa. Hinubad ko na lang ang suot ko at agad na isinuot iyong pinili ni Sheena.

Maganda naman ang fabric n'ya at comfortable suotin. My skin compliments do'n sa kulay ng tuxedo suit ko. I stared at my reflection bago lumabas doon at prenesenta ang suot ko kay Sheena.

"Oh, my gosh! You look so cute in that suit! I love it!" tili n'ya no'ng makita ako sa suot ko. Pina-ikot pa n'ya ako do'n kaya halos mahilo ako. Wew.

"Damn. You look so stunning on that suit, Ryzen." biglang dumating sina kuya Xander at kuya Xavier at sambit iyan ni kuya Xander.

Agad namang namula ang pisngi ko sa narinig at bahagyang iniwas ang tingin sa kanila. Naramdaman ko naman ang presensya nila sa tapat ko kaya tinignan ko sila ng bahagya.

Suot ngayon ni kuya Xander ang isang maroon tuxedo na bagay na bagay talaga sa kaniya. Napaka-sopistikado n'yang tignan ngayon. Iyong si kuya Xavier naman ay simpleng itim na tuxedo ang suot n'ya with black ties and polo pero di nabawasan ang kanyang angkin ka-gwapohan. Shems.

[A/N: Fanculo, nagplay ang Lover ni blonde'ng kulot Taylor Swift sa shuffles ko habang sinusulat 'to. I missed my Daddy Tiger, and it's been years since I waited for him.]

"T-Thanks. You, too." mahinang saad ko sa kanya pero mukhang narinig naman nila dahil ngumiti siya ng malaki sa akin.

"Bagay rin sa inyo yang pinili n'yo. Okay na." complement ni Sheena do'n sa kanila.

"Oh, thank you. You look gorgeous on that dress, too." balik na komplimento ni kuya Xander kay Sheena.

"Psh. Whatever." rinig kong sabi ni kuya Xavier.

"Have you decided what to wear, teens?" biglang pumasok doon si Tito Simon na suot iyong kasuotan n'ya kanina.

"Yes, Dad. Ito ang susuotin namin ni Ryzen upang match kaming dalawa. Don't we look adorable?" inilingkis ni Sheena ang braso n'ya sa akin at masayang pahayag yan sa Daddy n'ya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"You both look adorable, Sheena," sang-ayon ni Tito Simon sa tanong ni Sheena kaya namula ako ng konti do'n. "Oh! And you both look stunning, too, boys. Your suits compliments your builts." baling naman ni Tito Simon sa kanilang kuya Xander at kuya Xavier.

"Salamat, Tito." galak na sagot ni Xander sa kanya.

Tumango lang iyong si kuya Xavier sa sinabi ng Daddy n'ya sa kanila at wala pa ring emosyon ang kaniyang mukha. Naghihinala na talaga akong may sa robot itong lalaking ito. HAHA.

Dumating naman bigla si Mom at ikinalabit ang braso ni Tito Simon. Nagtitigan sila at ngumiti sa isa't-isa bago kami hinarap. Masasabi mong may pagmamahal sa mga titig nila sa isa't-isa. I'm grateful na rin kasi baka ma-issue si Mom bilang gold-digger kung nagkataon na papakasalan n'ya si Tito Simon dahil sa pera nito. Brr.

"Bagay sa inyo ang nga suot n'yo. Nice." pag bigay pansin ni Mom sa aming mga suot.

"Thanks po, Tita." pasalamat ni Xander kay Mom.

"Ang ganda ko po sa suot ko, Mommy, di ba? At terno pa kami ni Ryzen, oh, look." ani naman ni Sheena at lalong idinikit ang aming sarili. I beamed at Mom nang tumingin siya sa amin.

"Awe. Ang cute niyong dalawang tignan." nasisiyahan na pahayag ni Mom sa amin at isa-isa n'yang kinurot ang aming pisngi.

"Mom, n-nakakahiya." namumula kong suway kang Mom.

"Awe. Isn't our baby of the family cute, Honey?" pag kuha ni Mom ng sang-ayon ni Tito Simon.

"Yes. He is very cute and adorable for being a man." tumatangong sang-ayon ni Tito Simon kaya namula na naman ako sa hiya.

"D-Di nga kasi ako baby, eh! Kung baby ako, baby rin si Sheena dahil magka-edad lang kami. Hays." inis kong pahayag sa kanila do'n habang namumula.

"Awe. Ang cute n'ya pa rin kahit nag-aaktong nagagalit sa atin." sabi na naman ni Mom kaya gusto ko tuloy magtago o di kaya ay magpalamon sa lupa.

"If ever pong may manligaw na lalaki sa anak n'yo, Tita Loraine, papayagan n'yo po ba?" biglaang tanong ni kuya Xander doon.

"Hm. I don't want my baby to be pressured right now. He had enough heartbreak sa isang lalaki na nagloko sa kanya. Ayaw ko lang mangyari ulit iyon sa kanya. I really thought that boy was decent, pero mambabae pala iyon. Naku." mahabang pahayag ni Mom doon kaya nalungkot na naman ako sa na-aalala.

Shems. Lumipat pa s'ya doon sa school namin ni Sheena, eh. Sinundan n'ya ako at may balak ulit akong balikan. Ayaw ko na, ayaw ko nang magpakatanga sa kanya. Ilang beses ko na s'yang pinagbigyan, eh.

"Talaga po? Nakakalungkot naman po. Ang kagaya ni Ryzen ay di sinasaktan at ina-alagaan ng ma-igi. Isang malaking pagkakamali yong pangloloko n'ya kay Ryzen." medyo inis na pahayag do'n ni Xander.

"Yeah. But he's in the past, at ngayon ay medyo masaya na ang aming buhay. I found my second love and a new family." masayang pahayag ni Mom at nagsalo pa ng panandaliang halikan sina Tito Simon at Mom. Yuck.

Agad kong iniwas ang tingin sa kanila at nagtama ang tingin namin ni kuya Xavier. Tumitig ito sa akin ng ilang sandali bago n'ya iniwas ang tingin sa akin. May kung ano sa mata n'ya na di ko mawari. I don't know, guni-guni ko lang yata yon. Wew.

"Anyways. Let's check out muna sa mga sinusuot n'yo. Sure na ba kayong iyan ang susuotin n'yo sa kasal namin ng Mommy Loraine n'yo?" sabi ni Tito Simon doon.

"Ako na pong magbayad ng susuotin ko, Tito. Nakakahiya naman. HAHAHA." nahihiyang sabat ni kuya Xander.

"No, it's fine. I'd be happily to." Tito Simon reassured him.

"Tara na, magbihis na tayo. Medyo nilalamig na ako sa suot kong dress." Sheena nudge me kaya nagpaalam na kaming pumasok sa isang dressing room upang magbihis.

Napabuntong-hininga na lang ako bago sumunod sa kanya.

































Itutuloy.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Step-Brother Owns Me [boyxboy]Where stories live. Discover now