RYZEN SUDALGA [1]

588 13 1
                                    

CHAPTER I

-

Ryzen's POV

• • • • •

This is the day na lilipat na kami ng bahay.

Sa nakaraang araw, bumibisita sa amin si Tito Simon. Palagi s'yang may dalang pasalubong sa akin at nakikipagkulitan siya sa akin. Tito pa ang tawag ko sa kanya dahil nahihiya pa akong tawagin siyang Dad. Wew.

Brusko at maskulado itong si Tito Simon. Gwapo, makisig at matangkad ang kanyang pisikal na anyo. Hula ko, maraming nagkakahumaling at nagkakandarapa sa kanya. Suwerte yata ni Mom dahil siya mismo ang magiging asawa nito. I'm happy for them.

Ini-impaki ko na ang natitirang gamit ko nang biglang may bumosina sa labas ng bahay namin. That must be him. Wew.

Nilibot ko ang aking mga mata sa loob ng aking silid. Sigurado akong ma-mi-miss ko ang maliit ngunit magarang bahay namin na ito, lalo pa at marami-rami na rin ang mga na-iwang ala-ala at pangyayari ang nananariwa sa bahay na ito. Bagama't masakit na rin manatili dito dahil sa mga ala-alang iniwan ni dad. Nakakalungkot pa ring isipin na hindi na ulit namin ito magagawa dahil binawi na agad siya sa amin ng Maykapal.

Agad kong kinarga at binuhat ang aking mga bagahe pababa sa limang baitang lamang na hagdan ng bahay namin. Dalawang bagahe lang naman ang dala ko, isa sa damit at isa sa mga importanteng bagay.

Nang makababa ako ay bumungad sa akin sina Mom at Tito Simon na nag-uusap. Nginitian ko naman sila nang makita nila akong pababa ng hangdan.

"Uy! Handang-handa ka na, ah? Ito na bang lahat ng mga gamit mo? Akin na, ako na ang maglalagay sa compartment ng kotse." bungad sa akin ni Tito Simon at kinuha iyong mga bagahe ko.

Nakangiti niyang kinuha sa akin ang dalawa kong bagahe, ngumiti na lamang rin ako sa kanya bilang tugon. Wala akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa kanila palabas.

At di na kami nagtagal do'n at sumakay sa sasakyan ni Tito Simon. I wonder kung malapit lang ba rito ang bahay n'ya. Siguro malayo-layo iyon. Wew.

Wait, so makikilala ko na sina Sheena at Xavier? WOW! Sana naman maganda ang magiging turingan namin. Balita ko, magka-edad lang kami ni Sheena. Parehas kaming 17 habang iyong kuya n'yang si Xavier ay 19 years old.

Habang nasa byahe, nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakatukod ang aking siko sa bintana habang ang aking palad ay pinapatungan ng aking baba. Masyadong mahaba ang biyahe dahil puros bahay, tindahan at arko ng barangay ang aking nakikita, hanggang sa huminto kami sa harap ng isang malaking-malaking bahay.

Luh. Nandirito na kami? Ang gara ng bahay nila kahit sa labas pa lang. Totoo bang dito na kami titira? WOW!

Unang lumabas ng sasakyan si Tito Simon upang pag buksan ng pintoan si Mom at kinuha ang mga gamit sa compartment ng kanyang kotse. Natagalan akong lumabas ng kotse dahil sa hindi pa rin ako makapaniwala na ang laki ng bahay nila. Shems.

"Simula sa araw na ito, ituring mo na itong bagong bahay niyo, Ryzen. Nagustohan mo naman, hindi ba? Ayos lang ba sa'yo ito? Pasensya ka na, ganitong bahay lamang ang kaya kong ma-i-pundar." sambit ni Tito Simon habang nakatingin sa akin, nilapitan ko siya at agad na niyakap.

"Salamat po. Sobra-sobra pa nga po 'to, eh." galak kong salita sa gitna ng yakap ko sa kanya.

"Walang anuman," tugon niya at tsaka bumalik sa akin ng yakap. Ngumiti ako bago kumalas sa yakap at pinagmasdan ulit ang ganda at laki ng panlabas ng kanilang tahanan. "And in we go." muling saad n'ya, kaya tinahak na namin ang curb at porch ng bahay nila.

My Step-Brother Owns Me [boyxboy]Where stories live. Discover now