RYZEN SUDALGA [3]

419 10 0
                                    

CHAPTER III

Ryzen's POV

• • • • •

Kumain na kami ng almusal at kinuha ang aming baon na pera at pagkaing ginawa ni Mom.

Wow. Mukhang masarap iyong Choco milkshake na ginawa n'ya. I can't wait na kainin sila sa recess time mamaya. Wew.

Sumakay kami sa kotse ni kuya Xavier at nagmaheno na s'ya patungong school namin. Medyo kinakabahan na excited ako sa bago kong school. Shems. Di ko alam kung i-bully nila ako or awayin. Well, I prefer being infamous kaysa sa maging sikat. I just want a peaceful high-schooler life.

Ilang sandali ay dumating na kami sa entrada ng school nila. Wow. Entrance pa lang ay ang laki na. Siguro maluwag rin sa loob. Wow.

Agad na pi-nark ni kuya Xavier ang kotse n'ya sa parking lot kaya bumaba na kami.

"Salamat, kuya. Tara na." pasasalamat ni Sheena sa kuya n'ya at bigla akong hinila.

"S-Salamat!" pasigaw kong salamat dahil nga hinihila na ako ni Sheena.

"Psh. Whatever." rinig kong salita ni kuya Xavier sa sarili ata n'ya. Wew.

Nagpati-anod na lang ako kay Sheena kung saan n'ya ako dadalhin. Maaga pa daw kaya ililibot n'ya ako matapos naming kunin ang aking bagay rito sa school. You know, like, locker keys, school and PE uniform, schedules and such. Wew. Siguro may cafeteria card rin sila rito, like, I don't know. HAHA. Meron kasi no'n sa nakaraan kong school.

Nilibot namin ang buong campus ng Clerkson Academy. Ang ganda at ang laki ng mga buildings nila. Shems. Nakakamangha.

Sa aking pag tingin at sipat sa paligid ay may nakabunggo akong lalaki dahil nga nawili ako sa panonood sa aking paligid. Di ko rin namalayan ang presensya n'ya.

"Sorry po. Pasensya na po." hingi ko ng pa-umanhin sa lalaki.

"Sorry po, President." salita rin ni Sheena para sa akin.

"It's fine. Pumasok na kayo sa kanya-kanya n'yong klase, malapit nang magbell. Magmamando na ako mamaya at manghuhuli ng estudyante," walang emosyon n'yang pahayag sa amin at napunta sa akin ang atensyon n'ya. Wew. "Welcome to Clerkson Academy.....?" ani n'ya sa akin pero di natuloy ang sasabihin dahil sa di n'ya alam ang pangalan ko.

"U-Uh, Ryzen. I'm Ryzen Jake Sudalga." medyo kinakabahan kong pahayag. Shems. President kaya 'tong nakabunggo ko.

Well, kung di ko napansin, ang gwapo n'ya. Mistiso s'ya at maputi ang balat. Iyong pilik-mata n'ya ay medyo mahaba. Wow. Iyong buhok n'ya ay masasabi mong natural brown ang kulay. Shems. Siguro may lahi siya. Naol na lang.

"Hm, Ryzen. I'm President Aeiou (Ey-Yu). Welcome to Clerkson Academy, then. If you'll excuse me, I need to go. Enjoy your first day. I hope to see you around!" sabi n'yang nakangiti sa akin at nagmamadaling umalis. Wew.

"Buti na lang minsan mabait yong si president Arkham Eryx Isaiah Oliver Uriah. Woah. Haba ng name n'ya, noh? Tara na, Ryzen. I-ha-hatid na kita sa room n'yo. Hehehehehe. Magkatabi lang ang room natin kaya pwede tayong sabay umuwi ni kuya mamaya. Hehehehehe." mahabang salaysay ni Sheena at napagpasyahan na lang naming pumasok na nga.

Maraming nagkalat na estudyante sa aming daan papuntang building nga namin. Nasa 4th floor ito dahil nga grade 10 na kami parehas. Wew. Ang haba ng aakyatin naming hagdan.

Nang makarating na nga kami sa 4th floor ay dumiritso agad kami sa room namin. Base sa schedule ko, eh, adviser namin si ma'am Velasco. Wew. Science ang subject n'ya. I hope mabait s'yang guro sa mga estudyante n'ya. Huhuhuhuhu.

"Oh. Dito na kita iiwan, ah? Kaya mo naman ang sarili mo, right? Kung may kailangan ka, nasa tabi lang ang room ko at tawagan mo ako. Kung may mangbully sa'yo dapat sabihin mo agad sa akin, ah? Maliwanag?" pahayag sa akin ni Sheena na parang nakakatandang kapatid na talaga.

"Okay. Hehehehehe. Sigurado naman akong walang mananakit sa akin. Hehehehehe. Wala naman bully rito, right?" ani ko.

"Marami kaya, noh. Di bale na, pumasok ka na at h'wag mong taponan ng pansin ang mga ka-klase mo. Kung sila unang nag-approached at sa tingin mo mabait, talk back to them, okay?" huling pahayag ni Sheena sa akin kaya tumango ako.

Sa pintoan pa lang ng room namin ay may tumatambay nang mga lalaki kaya yumuko ako at agad na pumasok. Nang tignan ko ang kabuohan room ay halos may ginagawa ang halos sa kanila kaya nagtungo ako sa pinakamalapit na bakanteng upoan.

Tinanggal ko ang bag ko sa likod at kinandong sa aking hita upang mayakap ko. Halos ang lahat ay busy sa pag chismis habang ang iba ay nakatingin sa kinaruruonan ko. Wew.

"Pstt! Bago ka lang, di ba?" may biglang nagsabi sa tabi ko kaya napalingon ako rito.

Do'n tumambad ang isang lalaki na naka-itim lahat ng suot at may piercings pa sa tenga nito. Shems. Bored ang nakapaskil sa mukha n'ya at mukhang bagot nga s'ya.

"Uh, eh, oo." nahihiya kong pahayag rito.

"Honor student ka?" tanong nito sa akin.

"Uh, oo. Second honor ako sa nakaraan kong paaralan. Bakit po?" sagot ko rito sa tanong n'ya.

"Nice. Nagpapakopya ka naman, di ba?" sabi n'ya.

"P-Po?" nagugulohan kong tanong sa kanya.

"Di ka naman madamot sa pag papakoya, di ba?" ulit n'ya sa akin.

"Uh, eh, depende po. Hehehehehe. Kung di po tayo mahuhu—"

Naputol iyong sasabihin ko no'ng may sumabat sa amin. Shems.

"Tigilan mo nga s'ya, Daniel. Alis, ako d'yan," sabat no'ng lalaking kakarating lang yata. May ibinulong na mura iyong lalaking naka-itim na Daniel yata ang pangalan bago tumayo pa-alis at lumipat sa ibang upoan, "Pasensya na kay Daniel kung binabagabag ka n'ya. Ako nga pala si Shaun, ikaw ba?" baling sa akin no'ng lalaki at nagpakilala pa.

"U-Uh, Ryzen. Nice to meet you." pakilala ko ring nahihiya. Narinig ko naman itong tumawa ng mahina.

"You're cute." sabi n'ya sa akin na may amusement sa mga mata nito.

"Thanks, I guess." nahihiya kong pahayag habang namumula ng konti.

"Mas lalo kang cute kapag nag-ba-blush. Ang cute mo naman." sabi pa nitong biglang kinurot ang aking pisngi. Mas lalo akong namula sa kanyang ginawa.

"Okay, class! Take your seats!" biglang may sumigaw na babaeng ma-otoridad ang boses. Napatigil naman itong si Shaun sa kanyang ginagawa.

Wew. Buti naman.

Nagpakilala sa aming harapan ang aming adviser at masasabi mong mabait siyang guro. Di siya istrikta at nakikipagbiroan naman sa amin. Wew. Sana all ganito ang guro kada classroom.

Nagpakilala ang aming mga ka-klase kaya kinakabahan ako dahil tatayo sa harapan. Karamihan ay old students habang konti lang ang transferee. Maraming may hitsura at mayayaman sa aming section kaya maraming higad na nagtitili. Shems. Minsan naririndian na ako.

"Hey, guys, classmates. I'm Shaun William Serrano. I am 18 years old. Di ko naman tatanggihin pero maraming business ang aking magulang. Hehehehehe. Masasabi n'yong mayaman kami. That's it, nice to meet you all." salita do'n ni Shaun kaya ibig-sabihin ay ako na ang susunod. Wew.

Tinatanong ni ma'am si Shaun at sagot naman s'ya ng sagot. Then, it's my turn. Tumayo naman akong medyo nakayuko papuntang harap. Ramdam ko ang mga mata nila sa akin. Wew.




































Itutuloy.....

My Step-Brother Owns Me [boyxboy]Where stories live. Discover now